Chapter 1: Broken Friendship...

25.2K 289 16
                                    

Katulad po ng naunang JESTER Series. Natapos ko po itong isulat last month of 2010. Marami ang nagsabi sa akin na confusing daw ang way of writing ko noon so I hope you understand. I was newbie that time. If anyone is willing to proofread this story, message me right away. HAHAHAHA! Actually, I am sorry for not posting everyday. I was so busy in real life. :) Enjoy po sana kayo sa kwento nila Ezekiel at Chloe.


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw na ang nakalipas ng mangyari ang nangyari sa JESTER’s Annual Party. Mixed emotion pa rin ang naghahari sa dibdib niya. Galit, poot, asar at inis kay Ezekiel habang kaba, pag-aalala, at pang-uunawa sa pinsan at sa ex-boyfriend nito. Buong buhay ni Chloe, ngayon lang siya sobrang galit at sobra sa pag-aalala. Nung isang buwan lang sobrang ganda ng mood niya at ng pinsan niyang si KC.

“Kahit kailan hindi ko na iisipin at papansinin pa ang mokong na iyon. Napakasama ng ugali nun. Hindi ko alam kung bakit ko naging crush yung mokong na iyon.” Asar na sabi niya sa sarili at bumuntong hininga ng malalim. Masyado siyang nag-aalala sa pinsan. Hindi tuloy niya napigilang isipin ang lahat last few weeks.

 

Hindi mawaglit ang mga mata ni Chloe sa picture ni Ezekiel na nakuha ng pinsan niya nung farewell party nung dating secretarya ni James. Ini-edit ni Chloe ang pictures na iyon kung saan sama-sama ang mga JESTER at ang pinsan niya.

“Hay... Kailan kaya kita makikita at makikilala?” Nagmumuni-muni pa niyang sabi nang may kumatok sa labas ng opisina niya sa Hearts Connected Company. Sekretarya niya ito si Krissy.

“O baket ka napasugod dito?” Nakakunot-noong tanong ni Chloe sa sekretarya niya. Medyo hingal kasi ang babae at namumula ang mukha.

“M-mam! May lalake ang gwapo kasama ng pinsan niyo mam!” Sabi nito na natataranta at hindi makatingin ng diretso sa kanya dahil sa kakalingon nito.

“Ows? Grabe ang pinsan ha. Bumili lang ng meryenda e may nabingwit na lalake na.” Sabi pa niya ng tumayo na sa upuan at lumabas sa maliit niyang opisina. Napasinghap si Chloe dahil hindi nito inaasahan na ang kasama pala nito ay ang super crush ng pinsan niya.

 “A—.” Napanganga siya nang makita nito ang kasama nito. Lumapit ito sa kanya para itaas nito ang bibig niya.

“Nakikita ang tonsils mo, Sis.” Sabi nito na napapangiti habang binubulong nito ang mga kataga. “James, Meet my one and only cousin, Chloe Braganza. Siya ang nagmamay-ari nitong negosyong ito at siya rin yung pinagbigyan ko nag mga picture ninyo.” Pagpapakilala ni KC sa kanya. “And Sis, si James Cristobal, ang boss ko. Im sure na alam na alam mo na siya.” Panunudyo pa nito sa kanya.

“Well, Nice meeting you Chloe.” Sabi ni James na inilahad ang kamay para makipag-shake hands kay Chloe.

Tumikhim si KC para lang maibalik sa mundo ang pag-iisip niya. “Earth calling Chloe.” Sabi pa nito na ikina-tawa nang mga staff ni Chloe at pati na rin si James.

“Ahhh. Ehhh.” Sabi nito nang manumbalik sa earth ang isip niya. “Sobrang sosyal naman nag pangalan ko pag ikaw ang tumatawag sa akin.” Nahihiyang banat niya dito. “Pasensiya ka na sa reaksiyon ko ha. Ngayon lang kasi ako nakakita nang Adonis-este ng matinong lalake.” Pagpapatawa pa niya sa lalake.

“Upo ka dito. Crissy, kuha ka nga nang mga baso. Andito na pala ang meryenda natin e. Si James. Ahh. Ehhh, Yung ensaymada pala.”

“Chloe talaga.” Sayaw nang pinsan  sa kalokohan niya. “Pagpasensiyahan mo na James ha. Medyo, alam mo na, may pagka-aning yan. Full moon na naman kasi e.” Sabi naman nito na gumaganti ng banat.

JESTER Series 2: Ezekiel's - Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon