Suot ni Pride ang pormal na damit nilang magkakapatid tuwing lalabas ng mansyon. A crisp white button-up shirt and black suit. Kapansin-pansin rin ang maayos na buhok ng binata. 'His presence screams command and elegance.'

Pride smiled---a genuine one. "Good obsevation, Princess. I was out earlier. I had to deal with some..business."

Naningkit ang mga mata ni Snow. "In the Underworld?"

"Yup."

'Malamang emergency kaya nagmadaling umalis kanina si Pride.' Tumango si Snow at inayos ang damit. Isinawalang-bahala na niya ang katotohanang suot lang niya ngayon ang night dress niya. She slightly bowed in Pride's direction and bid her farewell.

Nang makalabas na siya ng private study ni Pride, napansin ni Snow na may kuminang sa kanyang daliri. She raised her hand up and studied the golden ring on her finger. It glimmered in the pale sunlight. 'I-Ito 'yong bigay ni Greed! Totoo ang lahat...' Nanlaki ang kanyang mga mata. Pero nang lumingon siya para tanungin ito kay Pride, awtomatiko na lang na nagsara ang pinto.

The door of the private study slammed shut. 'Mukhang ayaw niya ng istorbo ngayon.'

Snow White sighed and made her way towards the grand staircase. Kailangan na niyang magpalit ng damit at simulan ang mga gawain niya para sa araw na ito.

*
Abala sa paglilinis ng fireplace sa sala si Snow White nang marinig niya ang malalakas na pagkatok na nagmumula sa front door ng mansyon. 'Sino naman ang bibisita ng ganitong oras?' she wondered. Napaayos siya upo at mabilis na isinantabi ang feather duster bago nagtungo roon.

Her reflection was visible on the polished floor as the sound of her footsteps echoed throughout the mansion.

Nang marating ni Snow ang malalaking double doors, agad niya itong binuksan at sinilip kung sino ang panauhin ng mga kasalanan.

Honestly, Snow White was expecting creatures from Tartarus. Vampires, werewolves, mermaids in portable aquariums---kahit sinong maligno! But among all creatures she expected, Snow didn't even think about seeing a girl in a ruby red dress standing behind the door. She had long pitch-black hair and slender legs. Her pale eyes scanned her from head to toe. Napangiwi ang babae sa hitsura niya. Snow almost rolled her eyes at how fucking offensive that seemed.

"Nasaan si Lust?"

"Excuse me?"

The girl (who looked like a human) glared at Snow, "Bingi ka ba? I asked you where my boyfriend is, stupid mortal maid! Binabayaran ka ng mga amo mo, kaya't ayusin mo na lang ang trabaho mo."

Napanganga si Snow sa ugali ng babae. She was really tempted to just slam the door in her pretty little face but she restrained herself. Paniguradong mapagsasabihan na naman siya ni Pride kung hindi siya magiging "hospitable" sa kanilang mga panauhin. Huminga siya nang malalim at pekeng ngumiti.. "And who are you? I believe Lust wasn't expecting any visitors today."

"I'm his girlfriend, duh. Now shut up and take me to him!"

'Damn it.. mas malala pa siya kaysa kina Fleur at Morticia.' Pilit pinakalma ni Snow ang sarili niya.

Magsasalita na sana siya nang mapansing nakatayo sa gilid ng hallway si Lust. Sumesenyas ang prinsipe na 'wag papasukin ang babae. He frantically shook his head and pleaded Snow to drive her away. Isang pilyang ngiti ang ipinakita ni Snow at pinigilang makapasok ang babae. She smiled her "sweetest" smile and spoke, "I'm sorry miss, pero ibang babae ang inaasahan ni Lust ngayon. Actually, the last prostitute left a few minutes ago kaya masyado kang maaga para mag-apply."

Nanlaki ang mga mata ng babae sa sinabi ni Snow.

"W-What did you say?!"

Hindi na napigilan ni Snow ang kanyang sarili. She crossed her arms over her chest and motioned outside, "Get. Out."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now