QOS: QUATTOUR

Magsimula sa umpisa
                                    

'Pero pareho silang mga prinsipe ng kalokohan kapag nagsama.' She noted with a smile.

"Have I succeeded in making you believe the unbelievable?"

Nang bumalik sa kasalukuyan si Snow, bigla niyang napansin ang isa pang katotohanan. Agad niyang tiningnan ang paligid, kamuntikan pa siyang mahulog sa...

"T- Tubig?!"

Natatarantang umayos ng pagkakapwesto sa sopa si Snow Blue waters taunted her. As far as see could see, water surrounded them! At sa mga sandaling ito, ngayon niya lang napansin na nagsisilbing bangka ang sopang kinalalagyan nila. Tumingala si Snow at nakita ang kalangitan. A soft pastel violet mixed with bkack, with a few stars here and there.

Huminga nang malalim ang dalaga at pinakalma ang sarili. 'Okay, so nasa gitna ako ng dagat at bangka namin itong antigong sopa ni Pride... Para sa hiwaga ng mansyon, normal pa 'to.'

Peculiar events is nothing new.

"Greed, paano tayo napunta sa gitna ng karagatan?"

Napanganga na lang si Snow nang bumaling siya sa kasalanan. Greed now wore a private's costume with a matching black hat and a dead parrot on his shoulder. Nagpakurap-kurap si Snow, para lang masiguradong hindi siya nananaginip.

Mahinang natawa si Greed at umakbay sa kanya. He pulled out a telescope and went all-out in his pirate roleplay.

"Arr! Mademoiselle, it's a secret I can't tell you.. Alas! Now we shall venture out and seek my Treasure Island, lovely maiden!" Sumilip sa kanyang telescope si Greed na para bang may hinahanap sa malayo. Snow wanted to roll her eyes at his pirate accent, but she has to admit, it's amusing.

"Greed, baka naman abutin tayo ng taon sa paghahanap ng---"

"Shiver me timbers! Nakikita ko na ang kayamanan, matey! Arr!"

Mabilis na itinago ni Greed ang kanyang gamit at tumayo sa sopa. At sa hindi malamang dahilan, bigla na lang bumilis ang paglalayag nila sa tubig. The sofa-ship started accelerating---faster and faster.

"AAAAAAAHHH!" Kamuntikan pang mahulog si Snow kung hindi lang siya kumapit sa armrest. Cold water splashed on her face. Dumako ang mga mata ng dalaga sa tubig at doon niya lang napansin ang mga isdang sumusunod sa kanila. 'Mga flying fish,' isip-isip ni Snow at pinagmasdan ang ganda ng mga ito.

The flying fishes elegantly jumped to the surface, the light reflecting off their colored scales. Nag-iiba-iba ang kanilang mga kulay na para bang Christmas lights sa karagatan.

Snow White stared in awe as a hundred fishes swam beneath them. May nakita pa siyang pating sa 'di kalayuan.

Napalunok si Snow.

"Nangangain ba ng tao ang mga pating dito?"

Greed shrugged, "Hindi ko alam. Hindi ako tao."

Good point.

Pero wala nang planong alamin ni Snow ang sagot sa tanong na 'yan. Ibinalik ni Snow ang kanyang mga mata sa unahan. Tumambad sa kanya ang isang tanawing kailanman ay hindi niya aakalaing magkakatotoo.

"Yo-Ho! Welcome to my Treasure Island, mademoiselle!"

Habang papalapit na sila sa may dalampasigan, halos masilaw si Snow sa kinang ng isla. The trees, rocks, mountains, seashells---everything was made out of gold! Mabilis na kinuha ni Greed ang throw pillow sa sopa na nakakadena pala sa may gilid. Pinagmasdan ni Snow ang paghagis nito ng binata. Tsaka lang napagtanto ni Snow na na isang angkla pala ang unan!

'Inside this crazy mansion, even pillows can be as deadly as knives.'

But Snow is starting to doubt whether she's still inside the mansion or not. Para na naman siyang napadpad sa ibang dimensyon.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon