Chapter Thirty Four

Start from the beginning
                                    

Napapatango na lang si Reigan saka may sinulat na kung ano doon sa note pad na gamit nito kanina na paglilista rin ng kung ano habang chini-check up niya ako.

"Subukan mo lang gawin iyong mga madalas n'yong ginagawa dati," muling humarap si Reigan kay Gael. "Maganda rin ng dalhin mo siya sa mga lugar kung saan kayo nagkakilala, nagkikita o kahit anong pamilyar na lugar o gawain na p'wedeng magpaalala ng tungkol sa inyo. It might trigger some memories on her."

"Iyon talaga ang plano kong gawin oras na makabalik na kami sa Manila."

"Well, that's good," sagot na lang ni Reigan saka muling humarap sa akin. "Try not to stress yourself too much, Eliz. Iwasan mo rin iyong pamimilit sa sarili mo na alalahanin iyong mga nawala sa'yo dahil hindi iyong makakatulong. Kumain ka rin ng masusustansyang pagkain at huwag masyadong magpakapagod. Iwasan mo rin ang pagpupuyat. Ilalagay kita sa priority list ko pagbalik nating Manila."

"Salamat po, dok."

"Reigan na lang. Hindi ka naman na magiging bago sa amin oras na matuloy na ang kasal n'yo ni Gael," sabi pa niya saka muling ngumiti. "Pero kung saka-sakaling magbabago pa isip mo, marami pa akong p'wedeng ipakilala sa'yo na mas matino at mas maayos kaysa dito sa pinsan ko."

"Huwag mong bigyan ng ibang ideya si Eliz, siraulo," natatawang sabi ni Gael. "Huwag mong seryosohin ang pinagsasabi ng tao na 'to, babe. Wala ka nang ibang better option maliban sa akin."

"Napaka-conceited mo naman pala. Alam mo, medical condition din 'yan! Gusto mo bang i-assessed din kita?"

Hindi ko mapigilang mapangiti na lang habang pinapanood iyong pagkukulitan ng magpinsan sa harapan ko.

Siguro ganito talaga kalapit ang mga Mondragon sa isa't isa.

May ilan pang inihabilin sa akin si Reigan na mga dapat at hindi ko dapat gawin bago siya tuluyang umalis at bumalik sa main mansion ng isla.

"Mabuti naman at hindi naman pala gano'n ka-seryoso ang lagay mo," nagulat ako nang maramdaman ang presensya ni Gael sa likod ko saka ko sunod nakita ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko at pagpatong ng baba sa isa sa mga balikat ko. "Pero mas mapapanatag na ang loob ko kapag nasiguro na niya na magiging okay ka lang talaga at manunumbalik na mga alaala mo."

"Pasensya na..." nasabi ko na lang, muling nakaramdam ng guilt sa pagkakasakit ko.

"It's okay, baby. We don't need to rush. Mas importante sa akin na gumaling ka."

Pinilit ko na lang ang sarili ko na mapangiti nang bitawan ako ni Gael para humarap siya sa akin at kunin ang isang kamay ko para halikan iyon habang hindi inaalis ang tingin ng mga tsokolate niyang mata.

"I hope your heart will remember me soon, Eliz."

Sana nga, Gael.

Sana nga.

"BAKIT HINDI mo nasabi sa akin na ipapakilala mo pala ako sa mga kamag-anak mo?" hindi ko mapigilang makaramdam ng inis sa sitwasyon ko ngayon.

Kasalukuyan kaming nandito sa may main mansion ng isla, kung saan nakatira si Eros at kung saan nagaganap iyong pagsasalo ng buong Mondragon.

Matapos naming makipag-usap kay Reigan, sinabihan ako ni Gael na magpalit ng isa sa mga damit na pinabili niya sa isa sa mga katulong doon sa bayan ng El Nido para sa dinner na mangyayari sa malaking mansion.

Inakala ko na kaming dalawa lang ang pupunta doon o hindi kaya makakasama sila Reigan at Eros dahil sila lang ang alam kong nandito ngayon sa isla.

Pero hindi nasabi ni Gael na ngayong araw ko pala makakaharap ang mga magulang at lolo't lola niya at iba pang Mondragon na nandito ngayon sa isla at gusto akong makita at makilala.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo 'to kagabi?"

"Hindi! Wala kang sinabi!" Hindi ko napigilang ipakita ang inis at pagtaas ng boses ko sa kanya.

Pero mabilis ding nawala iyon nang makita ko ang panandaliang pagdaan ng sakit sa ekspresyon ng mukha ni Gael.

"Sorry..." nahihiyang sabi ko sabay napayuko ng ulo.

"No. I should be the one to say sorry," rinig kong sabi niya saka ko nakita ang pagkamot nito sa ulo. "Akala ko kasi talaga nasabi ko na sa'yo. Sorry nawala rin sa isip ko."

Hindi na lang ako umimik at tinuon na lang ang atensyon ko sa mga plato, kubyerto at iba pang palamuti na nasa mahabang mesa na nasa harapan namin ngayon.

Sa ilalim ng mesa, mahigpit kong pinagdikit ang mga daliri ko, sinusubukang alisin ang nag-uumapaw na kaba na nararamdaman ko at iyong takot sa posibilidad na makikita ko ulit si Eros.

At sa totoo lang, mas higit ang kaba at takot ko na makita ulit ang mga asul na mata na iyon kaysa makaharap ang mga magulang at lolo't lola ni Gael.

Ilang sandali pa, sunod-sunod nang nagsi-upuan ang mga pinsan ni Gael na halos hindi ko na maalala ang mga pangalan dahil sa nerbyos ko.

Ang tangi lang tumatatak sa kanila ay si Kesha na mangiyak-ngiyak nang yakapin ako at nagpasalamat na buhay pa ako. Nandito rin sa hapag-kainan ngayon si Trojan na una kong nakita no'ng magkaroon ng sunog dito sa sila at ang asawa nito na nakaupo sa tabi nito na may napaka-amo at pala kaibigang mukha. Kasama rin nila ang sa tingin ko'y anak nilang lalaki base na rin sa malaking pagkakahawig nito kay Trojan.

Nasabi sa akin ni Gael na sila Trojan at ang asawa nito ang nakasama niya pagbalik dito sa isla mula sa Hong Kong kung saan niya nalaman mula kay Trojan na nakita na niya ang mukha ko base sa imahe na nakita nito at ng asawa nito sa internet.

Mayroon din kaming kasama ngayon sa mesa na isang lalaking bersyon ng asawa ni Trojan na sa tingin ko ang pangalan ay Ethan at may katabing babaeng buntis. Nasa mesa na rin si Reigan na agad akong binigyan ng matamis na ngiti na tila ba alam niyang kinakabahan ako at sinasabihan na wala akong dapat ipag-alala.

Ang tanging wala pa sa may malaking mesa ay ang mga magulang ni Gael, ang lolo't lola nito...

At si Eros.

Para akong nakahinga nang maluwag nang matapos kong damhin ang dibdib ko dahil tila hindi namin makakasama si Eros sa dinner na ito.

Abala siguro siya sa may bukid... na isip ko na lang.

Pero ang lahat ng pagkakampante na naramdaman ko ay bigla ring nawala sabay ng pagbuhos ng napaka-lamig na tubig sa pagkatao ko nang may marinig akong humila ng upuan sa harapan ko.

At sa pag-angat ng mga tingin ko para tingnan kung sino ang naupo sa harapan ko, isang pamilyar na malalim at asul na mga mata ang bumungad sa akin.

Eros...

Bigla kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kaba, takot, tuwa na makitang okay lang siya at iba pang klase ng emosyon na hindi ko mapangalan.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa mga kamay ko, sinusubukang magising sa bangungot na kinalalagyan ko.

But this is the reality.

And that burning with rage blue eyes looking straight at me is making me more nervous, more uncomfortable and trap than what Gael did.

At ngayon pa lang, nasisiguro ko nang hindi magiging kasing payapa ng inaasahan ang dinner party na ito.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now