Nilingon nya ang bahay na nasa likuran lamang ng sagabal na bakod na ito.

~rrrrrr.........ggrrr.......grreegaarrrr...~

Mahinang ungol nya pero parang kakaiba ito. Parang may gusto syang sabihin pero tanging ungol ang lumabas sa kanyang bibig.

Tumalikod sya at nagsimula nang maglakad palayo. Malayo na sya sa bahay ng bigla syang huminto sa paglakad.

Humarap syang muli sa kanyang likod at nilingon ang bahay.

~grrrrrrrrrr!!~

Pursigidong ungol nya at walang sabi sabi ay nagsimula syang maglakad papunta ng bahay. Sa una ay mabagal. Hanggang sa unti unting bumilis ang kanyang pag lakad. Hanggang sa tumatakbo na pala sya.

Napansin nyang malapit na sya sa bakod nang bigla na lamang syang tumalon. Akalain nyo yun. May walker na tumatalon.

Matagumpay syang nakatalon sa bakod at malakas na bumagsak sa lupa. Sa lakas ng kanyang ibinuwelo ay nagpagulong gulong sya pagkabagsak.

Mga ilang minuto na ang nakalipas ay nakadapa pa din sya sa lupa. Namatay na ata sya sa kanyang pagtalon sa bakod. Tsk tsk. Kawawang nilalang.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay nagsimula na syang bumangon sa pagkaka dapa. Nakatayo syang muli na parang hindi sya nagpagulong gulong kanina.

Naglakad sya patungo sa bahay. Huminto sya sa may tapat ng pintuan nito. Tiningnan nya ang kahoy na pinto na para bang ineexamine ito. Iniangat nya ang kanyang kamay at marahang inilapat ang kanyang palad sa may pintuan.

Maya maya pa ay ibinaba na nya ito at nanatiling nakatayo sa tapat ng pinto na akala mo ay naghihintay lamang ng taong magbubukas nito para sa kanya.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Megan's P.o.V

Tila naramdaman ng walker ang aking presensya dahil bigla syang humarap sa akin at doon ko na nabitawan ang aking baril.

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagkagulat sa aking nasaksihan.

Imposible! Sobrang imposible nito!

"I...I-ish???" Whisper shout ko sa walker na akala mo naman naiintindihan ako.

Napalakad ako ng patalikod dahil hindi talaga ako makapaniwalang nandito ang ngayo'y zombie na si Ish.

Pero paano?? Bakit?? Imposible talaga ito.

Nagsimulang maglakad ang zombie na si Ish papunta sa akin habang ako'y patuloy naman sa paglakad ng patalikod.

Natatakot ba ako? Maiiyak ba ako? Matutuwa ba ako? Hindi ko alam mararamdaman ko ngayon dahil ang taong iniiyakan ko noong mga nakaraang araw ay naglalakad ngayon dito sa aking harapan.

Natalisod ako na syang sanhi ng aking pagkakabagsak sa lupa.

Hindi ko na pinansin ang sakit dahil sa mga mas importanteng bagay na nangyayari ngayon.

~grrrrr....~

Narinig kong groan nya habang naglalakad papalapit sa akin.

Shiiiiiiiiit!!! Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang naka nganga pa. Hindi ko alam talaga kung natatakot ba ako ngayon sa kanya.

Naglakad lang sya ng naglakad patungo sa akin hanggang sa bigla syang huminto sa aking harapan, mga ilang hakbang na lamang.

Nakatitig lang sya sa akin na para bang pinagtatanto nya kung ano ako o kung sino ako.

~grr-

Hindi na nya natapos ang kanyang pag ungol ng bigla syang bumagsak sa paahan ko kasabay ng malakas na putok ng baril mula sa may pinto ng bahay.

My Zombie Girl (girlxgirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora