Chapter Thirty Three

Start from the beginning
                                    

Mas lalo akong nakokonsensya sa tuwing makikita ko ang maamong mukha ni Gael maging iyong seryoso niyang pag-aalala sa akin.

Sa kabila nang sitwasyon ko, pilit pa rin niya iyong inunawa. At kahit hindi man niya sabihin, alam kong nasasaktan siya sa katotohanang wala akong maalala na kahit anong bagay tungkol sa kung anong mayro'n ami noon at ano bang papel niya sa buhay ko.

Pinilit ko kagabi na isipin kung sino ba siya o kahit anong alaala na p'wede kong idikit sa kanya. Pero sa tuwing gagawin ko iyon, bigla lang akong nakakaramdam nang matinding kirot sa sintido ko.

At dahil doon sa hindi ko napigilang paghiyaw sa sakit, bigla siyang napatakbo papunta sa kwarto kung saan niya ako pinatuloy at sinabihan na hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko na alalahanin siya at hayaan na lang ang mga propesyunal at doktor ang tumingin sa kondisyon ko.

"O-okay lang ako..." nasabi ko na lang saka marahang inalis iyong kamay niya na nakapatong sa mga balikat ko. "Huwag na rin nating abalahin iyong nasa mansyon. Nakakahiya. Ako na lang ang maghahanda."

"Babe, you don't have to do this. Hindi ka katulong dito," nasa tono pa rin ng pananalita nito ang sobrang pag-aalala. "Isa pa, hindi pa maayos ang lagay mo."

"Kaya ko na 'to," nasabi ko na lang sa kanya para pagaanin ang loob niya saka siya binigyan ng isang naiilang na ngiti. "Hindi naman ako baldado. Kaya kong kumilos mag-isa."

"Pero Eliz—"

Hindi ko na siya hinayaan na patapusin sa sinasabi niya nang wala sa loob na bigla kong itinapat sa tapat ng bibig niya ang isang daliri ko para patahimikin siya.

Nang maisip ko ang ginagawa ko, mabilis kong hinila pabalik ang kamay ko saka namumula ang pisnging umiwas ng tingin sa kanya.

"K-kahit ito na lang isukli ko sa abala na binigay ko para sa'yo," muntik ko pang makagat ang dila ko nang sabihin ang mga bagay na 'to.

"You don't have to do anything, baby," muling lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at tuluyan nang nawala ang pag-aalala doon. "I love doing things for you. Hindi mo kailangan suklian ang mga bagay na ako mismo ang may gustong gawin o ibigay sa'yo."

"Pero parang hindi pa rin tama na ako at ako lang ang tumatanggap na kabutihan sa'yo, Gael," paliwanag ko. "Siguro nga hindi pa kita naalala sa ngayon. Pero ayoko namang abusuhin ka dahil lang sa may sakit ko o dahil sa kondisyon ko."

Matagal siyang napatitig sa mukha ko na tila ba may binabasa siya na isang pahinga ng nobela doon.

Bago pa ako mailang sa tagal ng pagkakatitig niya sa akin, muling sumilay sa labi niya ang isang ngiti.

"Your mind may not remember but your heart still knows how to remind me why I fall in love with you, Eliz," sinserong sabi niya habang hindi inaalis ang mga tingin sa mata ko na mas lalo lang nagpapa-init ng pakiramdam ng mga pisngi ko. "I love youSo much the point that it become so hard to breathe."

"Pero hindi ba parang ang negatibo ng dating no'ng sinabi mo?" Hindi ko napigilang mabulalas ang mga salita na iyon. "I mean, no! Sorry..."

"It's okay. Naiintindihan ko naman," sagot niya saka ako muling binigyan ng maamong ngiti. "But that's what I actually feel for you. Para akong malalagutan ng hininga kapag wala ka sa tabi ko. You are my life, Eliz. Like the air that I breathe. At hindi mo alam kung anong ginawa mo sa akin no'ng nawala ka. I almost lose myself."

"I'm sorry to say this, Senyo—I mean, Gael," hinging paumanhin ko saka nagpatuloy. "Pero tao lang ako. Huwag mo akong gawing mundo mo. May iba ka pang buhay maliban sa akin, ibang tao na umaasa at nangangailangan sa'yo. Hindi mo kailangang ibigay ang buong buhay mo sa akin para lang mapatunayan mo na mahal mo ako. Magtira ka ng konti para sa sarili mo at sa ibang taong bumubuo rin sa mundo mo."

Matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon, hindi ko naiwasan na muling maalala ang isa sa mga sinabi sa akin ni Eros noon...

"I have a lot of mouth to feed under my care, Monique. I'm not that stupid to waste my life for some woman who doesn't even know how to follow a simple rule."

Brusko. Antipatiko. Sobrang talim ng dila at napakasakit magsalita.

Pero pagdating sa kapakanan ng ibang tao, alam na alam ni Eros kung saan niya dapat ilagay ang priorities niya.

Sana makita rin ni Gael na hindi lang ako ang nangangailangan sa kanya, na isip ko na lang saka mabilis na nagsisisi nang hindi sinasadyang maikumpara ko ang dalawa sa isa't isa.

Nagising ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Gael.

"Sorry. Hindi ako natawa doon sa sinabi mo," panimula niya. "Natawa lang ako kasi para akong nakipag-usap kay Eros dahil sa mga sinabi mo."

Umahon ang guilt sa dibdib ko nang sabihin niya iyon dahil hindi siya nagkakamali.

Parehas naming naisip si Eros dahil sa mga salitang nabitawan ko.

At hindi na tama ang ginagawa mo sa tao na 'to, Eliz, muli kong saway sa sarili ko.

"Anyway, saan-saan na tayo napunta," pag-iiba niya ng usapan. "I'll keep that in mind. Pero sa ngayon, I will take your offer for that breakfast. Sobrang na-miss ko na rin ang luto mo."

"Siguro ang kailangan muna nating gawin ay linisin ang mga kalat na 'to," sabi ko sa kanya saka nginuso iyong mga kalat sa kusina.

"Spare me, baby! Hindi nga ako marunong magluto, paglilinis mo pa ako? Have mercy please!" palabirong sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Well, sa tingin ko ngayong araw na natin sisimulan ang training mo."

Gumawa pa ng tunog si Gael na tila ba ayaw talaga nitong gawin iyong sinabi ko.

At sa bandang huli, parehas kaming natawa sa naging reaksyon niya at tuluyan niyang sinira iyong pagkailang at paninibago na namamagitan sa aming dalawa.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now