Chapter 8: The Return

Magsimula sa umpisa
                                    

"Prechus!"

Muli pa nya akong tinawag pero parang hindi naman sa bata nanggagaling ang tinig.

"Gumising ka Prechus!"

Huh? Nananaginip na naman ba ako? Teka, naalala ko na. Boses yon ng kaibigan ko! Gumising na ako at una ko syang hinanap.

"Rener?"

Tumingin ako sa paligid. Nasa loob ako ng aking kwarto at walang bakas ng kaibigan ko. Pero sigurado ako eh, sya yung gumigising kanina sa akin. Bakit si Ian lang nandito? Nakita nya kaya si Rener.

"Ian."

"Ba-bakit Precious? May kailangan ka?"

Umiling ako bago nagtanong.

"May kasama ka dito kanina?"

Parang nagulat sya?

"Wala naman. Ako lang mag-isa dito. Dinatnan kitang tulog. Ano..." Parang nahihiya naman sya ngayon? "...gigisingin sa-sana kita kaso humangin ng malakas. Ayon. Nagising ka na."

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon