Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

Tahimik ko lang pinanood si Eros doon sa ginagawa niya at habang tinataas-baba ang dalawang kamay ko sa braso kahit papaano ay bigyan ng init ang tila kasing lamig na ng yelo na balat ko.

Hindi ko rin maiwasan na obserbahan ang paligid at iyong mga gamit pangingisda, itak at ilan pang bagay na p'wedeng makatulong sa'yo sa loob ng kagubatan gaya nitong nasa isla.

"Take off your clothes and cover yourself with this," narinig ko muli ang boses ni Eros saka ko mabilis sinalo iyong makapal na kumot na binato niya sa direksyon ko.

"H-hindi na kailangan. Okay lang sa akin na basa ang damit ko," nautal pang sagot ko dahil sa bigla kong pagkakaalala sa nangyari sa amin doon sa cabin kanina bago kami hinabol no'ng mga lalaki na iyon.

"This is not the right time to get conscious, Monique," narinig kong sabi niya saka siya humarap sa akin at nakita ko ang nakakalokong ngisi sa labi nito. "Besides, I've seen it."

"H-hindi lahat ano!" namumula ang pisngi na depensa ko.

"A man can imagine, Monique. We learned that skill from our series of wet dreams during puberty," nakakalokong komento ulit nito saka nagpatuloy. "Now, take off your clothes or I will do the honor of ripping them off for you. You can choose. And I don't mind the latter."

Malakas akong napasinghap doon sa sinabi niya na kinatawa naman niya.

"T-tumalikod ka!" nasabi ko na lang sa pinaghalong inis at pagkahiya. "Sinabi kong tumalikod ka, e!"

"Alright," sagot na lang nito na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay nito sa ere saka naman ito nagsimulang alisin iyong basang polo nito. "No peeking, Monique. I can feel your stare behind my back. And also, wipe that drool please."

Mabilis kong naipahid ang likod ng kamay ko doon sa bibig ko dahil doon sa huli niya. Pero laking inis ko nang makita na wala namang laway doon.

Mas lalo pang dumagdag sa inis ko iyong pagtawa niya. Kaya nang mahubad ko ang basa kong blouse ay mabilis ko iyong binato papunta sa direksyon niya na mabilis naman niyang naiwasan.

"Calm down, woman! No one dies from wet clothes."

"Bastos!" sigaw ko na lang sabay irap at sinimulan na ring hubarin iyong natitira pang saplot sa katawan ko, at habang hindi inaalis ang tingin ko kay Eros sa takot na baka bigla itong lumingon.

Sinama ko na ring alisin iyong underwear na suot ko dahil maging ang mga iyon ay basang-basa na at alam kong makakadagdag lang iyon sa hindi pagiging kumportable ng katawan ko mamaya.

Matapos kong matanggal ang lahat ng suot ko ay agad kong ibinalot ang makapal na kumot sa hubad na katawan ko saka iyon mahigpit na binuhol sa may tapat ng dibdib ko.

"Are you done? Can I turn now?"

"O-oo. Tapos na..." naiilang na sagot ko saka nakita ang nakakairitang ngisi sa labi niya. "Sige lang! Tumawa ka lang! Parang ang saya-saya mo talaga kapag nasisira mo araw ko, ano?"

"Sort of. It's fun teasing you. You always got pissed over a little humiliation."

"Little? Sa tingin mo bale-wala lang sa akin na makasama ang isang lalaki habang walang saplot sa ilalim ng kumot na 'to?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Thank you for the details, Monique. Now I can sleep peacefully knowing you give me a clear vision of what's underneath that blanket."

Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon dahil sa pinaghalong hiya at inis para sa antipatikong Eros na 'to.

Pero bago pa ako makapagbitaw ng ganti sa mga pamamahiya niya, nabitin lang sa bibig ko ang lahat ng iyon nang may makita akong isang maliit na de lata ng maling na inabot ng isang kamay niya sa akin.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now