Chapter Twenty Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko napigilang mapahagalpak ng tawa dahil sa huling sinabi niya.

Dinig na dinig sa buong parte ng isla kung nasaan kami ngayon ang tawa ko. At sa oras na iyon, nawala sa isip ko ang posibilidad na marinig kami ng mga humahabol sa amin, maka-gising ako ng mababangis na hayop o kahit pa iyong katotohanan na nasa harapan ko iyong taong hindi ko gustong makita na tumawa ako nang malakas ng ganito.

"What's so funny?"

"Sino pa ba? E, 'di ikaw!" yakap ko pa ang tiyan ko dahil hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin ako sa sinabi niya.

"I heard enough," may iritasyon at pagbabanta sa boses ni Eros na naging dahilan para tumigil ako sa malakas kong pagtawa.

Kaya kong makipagsabayan ng pang-aasar sa kanya pero hindi ko naman gusto dagdagan pa iyong kwestyunable niyang galit sa akin.

"Alam bang tingin mo sa sarili mo, Eros? Diyos sa Olympus na tipong lahat ng babae magkaka-interest sa'yo?" natatawa pa rin na sabi ko.

"I am. I actually am—that is, if you haven't slept on your mythology class. You will know that name literally came from one of the gods."

Bwisit talaga ang lalaki na 'to! Ginamitan na naman ako ng ka-arogantihan niya! Ang nakakainis pa, tama siya sa pagkakataon na 'to, sa isip ko pa.

"Please, lang ano," panimula ko bilang pambawi. "Kung nakangiti man ako at nakaharap sa'yo, hindi ikaw ang ngini-ngitian ko. At mas lalong not in a million years kang mapapasok sa isip ko," panggagaya ko pa sa isa sa mga sinabi niya.

"Anyone can lie. But not everyone can be a poor liar as you, Monique," sagot pa ni Eros saka nito kinuha iyong dalawang sagwan na sandali nitong binitawan para siguro gisingin ako sa pagkakatulala ko sa kawalan kanina.

Naibuka ko na lang ang bibig ko sa hindi pagkapaniwala sa tao na 'to sabay napasuklay sa buhok ko na gusto ko na sanang sabunutan sa inis.

Saan ba kinukuha ng lalaki na 'to ang kakapalan ng mukha niya?

Bakit? Porke't ba ang ganda ng asul niyang mga mata, porke't ang ganda ng pagkaka-iskulptura ng panga, ilong at buong mukha niya, porke't ang ganda ng hubog ng labi niya na tila ang harap humalik, porke't ba't ang ganda ng pangangatawan niya at nakaka-distract iyong paglitaw ng muscle niya sa braso sa ilalim ng puting polo nito na hapit na hapit sa may bandang dibdib niya habang nagsasagwan ng bangka ay makukuha na niya lahat nga atensyon ng babae sa mundo?

Kakapuri mo lang sa katawan niya, Eliz. At harap-harapan mo na ring inamin sa sarili mo ang ganda ng aroganteng nilalang na 'to. Hindi pa ba sapat iyon na kahit ikaw ay na-apektuhan ng pisikal niyang karisma, bulong ng isang bahagi ng isip ko.

At gusto kong saktan at sampalin ang sarili ko dahil sa naisip ko na iyon.

Pinilit ko na lang na huwag nang tumingin at obserbahan ang lalaking nasa harapan ko na muling naglitaw ng nakakalokong ngisi sa labi niya. Dahil kahit hindi nagtama ang mga tingin namin, paniguradong alam niya na tahimik kong ino-obserbahan at pinagmamasdan ang katawan niya. At na ang pamumula ng pisngi ko ngayon ay dahil sa kanya at doon sa katotohanan na para ko na ring inamin na talagang nagsisinungaling ako sa sinabi ko sa kanya—kahit hindi naman talaga siya ang nasa isip ko kanina.

"Enjoying the view, Monique?" dinig kong tanong ni Eros habang patuloy ito sa pagsagwan ng bangka at habang nakatingin din sa kabilang direksyon ang tingin niya.

"Hindi ko sinasadya na matingin sa katawan mo, okay?" depensa ko bago pa siya makahirit ng panibagong baraha na gagamitin laban sa akin. "Hindi ko kasalanan kung nakabalandra sa harapan ko ang katawan mo, mas lalong hindi ko kasalanan kung masyadong namumutok 'yang dibdib mo na tipong polo mo na mismo ang kusang magpupunit sa sarili nito oras na mapalakas ka ng hila d'yan sa sagwan mo!"

Pulang-pula na siguro ang mukha ko habang sinasabi ko ang mga bagay na iyon. Tutal naman napahiya na ako, mas mabuti pang ako na ang magpahiya sa sarili ko kaysa siya pa mismo.

"This was my cousin's size. Not mine. That's why it's too fit for my body and I won't say sorry for that—considering the fact that you seem to like my chest a lot," sagot niya saka siya muling humarap sa akin at hinuli ang mata ko. "Beside, I'm not talking about my body here, Monique. I was actually talking about the island view."

Wala sa loob na mabilis kong naitakip ang dalawang palad ko sa mukha ko sabay yumuko at tinago pa ang mukha ko sa pagitan ng mga binti ko at doon pilipit na nagsisigaw sa sobrang inis ko sa sarili ko at sa kahihiyan na hindi ko naman pala nakuha, pero ako na mismo ang naglabas sa sarili ko.

"Try to be a little honest next time, Monique," panunukso pa ni Eros. "I don't like you but I won't judge you for having a physical interest on me. I mean, who doesn't?"

Nakalimutan ko kung nasaan ako dahil sa mas nag-uumpaw na sa isip ko ang kahihiyan sa ginawa ko.

Kaya nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko, hindi ko inaasahan na biglang magagalaw ang bangka at mawawalan ng balanse.

At dahil sa hindi rin inaasahan ni Eros ang nangyari, hindi niya agad naagapan ang paggalaw at pagtaob ng bangka na sinasakyan namin. Kaya ang sunod na nangyari, muling pumaibabaw sa ere ang malakas kong hiyaw bago kami tuluyang sabay nahulog ni Eros sa tubig.

"What the—"

"Tulong! Hindi ako marunong lumangoy! Tulong!" malakas at histerikal na sigaw ko habang nagtataas-baba ang ulo ko sa tubig, sinusubukang huwag ako tuluyang mahila ng malalim na dagat na nasa ilalim ko.

Parang pamilyar sa akin ang sitwasyon na 'to...

Nalagay na ako sa sitwasyon na 'to...

"Nako, ineng! Walang bumabyahe na bangka ngayon papunta sa islang sinasabi mo. High tide ngayon. Delikadong bumyahe ang maliit na bangka na gaya sa amin. At isa pa, may paparating bagyo ngayon dito sa amin kaya baka wala talagang maghatid sa'yo."

"Magbabayad po ako kahit magkano! Isa pa, maaliwalas naman po ang klima n'yo dito. Saka hindi naman po siguro gano'n kalayo ang byahe papuntang Alta Puebo, hindi po ba?"

"Pakiusap ho. Kailangan ko pong makarating sa isla!"

"Pasensya ka na, ineng. Gusto man kitang ihatid ngunit hindi talaga maari. Pero kung talagang mapilit ka, p'wede kong ipahiram sa'yo ang bangka ko at ikaw na mismo ang magpunta sa isla na gusto mong puntahan."

"Talaga ho?"

Naalala ko na. Naaalala ko na.

May isa akong lugar na kailangang puntahan. Isang isla.

Bago ko pa mapilit ang sarili ko na maalala kung saang eksaktong lugar ako dapat magpunta doon sa kapirasong alaala na biglang nagpakita sa isip ko, bigla ko na lang hindi naramdaman ang kanang binti ko saka ako tuluyang lumubog sa ilalim ng tubig.

Pero bago pa mandilim nang tuluyan ang paningin ko ay may isang malakas na pwersa ang biglang pumulupot sa isang kamay ko at hinila ako pabalik sa ibabaw ng tubig.

Wala ang eksena na 'to sa alaala ko.

Walang kamay ang nag-abot ng tulong at nagligtas sa akin ng mga panahon na iyon.

At wala ring labi ang bigla na lang dumampi sa labi ko at mapusok akong hinahalikan habang may dalawang malalakas na braso ang nakapulupot sa baywang ko.

And the next thing I knew, Eros and I reached the line we shouldn't have crossed in the first place.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon