SSTGB 17 : Liberation of the Heart

Start from the beginning
                                    

"Sorry, ha, wala kami para damayan ka kagabi," masinsiredad na sabi ni Chandra. Mukhang best in chika na ang Juding, ha, kaya alam na nitong tatlo ang nangyari.

"Okay lang. Sobrang galing naman ng nagcomofort sa'kin kagabi," sagot ko nang makaupo ako sa upuan ko.

Hinila naman nilang tatlo iyong upuan nila papalapit sa akin. "Bet na bet," panunukso pa ni Clara kaya inirapan ko lang siya.

"So, ano nang plano mo kay Marcus?" seryoso talagang tanong ni Anikka at hindi ako agad nakasagot. Wala rin naman akong naisip na sagot. Bobita! "Kanina ka pa niya hinahanap," nakuhang muli ni Anikka ang atensyon ko sa sinabi niyang iyon.

Bakit niya naman ako hahanapin? Magso-sorry na naman? Tss. Mukha niya!!

"Based on your reaction, it seems like you no longer are interested to hear Marcus's side, Ara," sabi naman ni Clara na agad nakatanggap ng palo mula kay Chandra.

"Pwede ba? Pinoy tayo kaya tigilan mo 'yang kaka-ingles mo," asar niya talagang sabi. Si Clara ay tiningnan lang siya na para bang sinasabi niyang 'matuto ka rin kasing makinig sa guro kapag English na 'yong subject.'

"Hindi na talaga, as-in never! Papakatanga pa ba 'ko ulit-"

"OO! HINDI MALABO!" sabay-sabay talaga nilang sigaw kaya napalingon tuloy sa amin ang iba pa naming kaklase! Mga babaeng ito, napakaingay!

"Tumigil nga kayo," inis ko kunyaring sabi. "Swear, last na 'yon at hindi na mauulit," dagdag ko pa at seryoso talaga iyan. I've learned my lesson at nakakapagod ding umiyak nang umiyak at napakaswerte naman ni Marcus kung muli ko siyang iiyakan. Tss!

"Kahit tumalino ka pa sa Filipino?" tanong ni Anikka.

Tumango naman ako. "At kahit tumalino si Chandra sa English ay hindi na talaga ko magpapakatanga," sagot ko.

"Sa ibang tao naman?" muling tanong ni Anikka at muli akong natahimik. Sh*t, Anikka, bakit lagi ako na i-speechless sa mga tanong mo? Kaasar! "Sana next time, magpakatanga ka na sa taong mahal ka," matapos niya iyong sabihin ay ibinalik na niya sa dating pwesto ang kaniyang upuan.

"Malay mo si Kuya 'yong ibig niyang sabihin," bulong ni Chandra kaya agad ko siyang itinulak.

"Puro ka nonsense!" asar kong sabi, pero kinindatan niya lang ako! Ayoko nga sa Kuya niya. Ano, bakla na naman? Hoy, tama na! Hindi lang kasi lalaki ang nananakit, pati na rin beki! Tss.

***

Free time at iniwan na naman ako ng tatlo. Nandoon kasi sila sa library, ang lugar na pinaka-ayaw ko sa eskwelahan. Hindi naman sa hindi ako bookworm-nagbabasa naman ako basta huwag lang Filipino books-kaya lang ay inaantok kasi ako roon sa sobrang lamig kaya lagi akong napapagalitan ng Librarian. Simula nang mapagalitan ako ng sunod-sunod ay hindi na ako tumatambay roon. Depende kapag maraming gwapo-joke!

Haharot na naman? Papakatanga na naman? Tapos ang ending masasaktan, iiyak? Diyos ko, tama na, Ara, maawa ka naman sa sarili mo, please lang! Kahit ngayon lang. . .

"Ara."

. . .ipahinga mo muna ang puso mong tumibok na naman nang mabilis dahil nandito na naman ang lintik na lalaking ito! Kaasar!! Ayoko na nga sabi, hindi ba?! Cooperate naman, self!!

She Stole The Gay's Brief (Completed)Where stories live. Discover now