"Watch your back, idiot!"

Napatingin yung babae sa likuran niya pero pumutok na yung baril nung leader. Akala ko nga tatamaan na siya pero nagawang ihampas ni Kelsey yung whip niya sa ere, at nastock doon yung bullets na papunta dapat doon sa babae.

Bago pa makakilos ulit yung leader, pinaputukan na rin siya nung babae sa dalawa niyang kamay kaya nabitawan niya yung mga baril niya.

Bigla ko namang naalala yung unang beses na nagkita kami ni Krystal. Halos ganito rin ang nangyari nun, sa pagkakatanda ko.

"Hah! Ang yabang mo kanina tapos hindi mo man lang binabantayan yung likuran mo?!" Oh God. Bakit ba ganito ang personality ni Kelsey? Imbes na maganda ang una niyang sabihin, ganito agad yung binungad niya doon sa babae.

"Tss. Sinabi ko bang tulungan mo ako?!" sabi naman nung babae sabay talikod kay Kelsey.

Jusme. Mukhang pareho pa sila ng ugali. At sa tingin ko magkasing-edad rin sila. Napaface-palm na lang ako sa scenario.

"This is not good," biglang sabi ni Krystal at tumalon siya pababa kaya sinundan ko siya.

Nakatingin na kasi sa kanilang dalawa yung natitirang members at mukhang di pa nila narerealize yun. Tumakbo agad kami ni Krystal papunta sa kanila at nilabanan namin yung mga natira.

"Boss!"

"Anong nangyari kay Boss?!"

Hindi ko na lang inintindi yung mga bangkay na nagkalat sa lupa at nilabanan ko na lang lahat ng nakikita ko. Ganun rin ang ginawa ni Krystal kaya in no time, nakarating agad kami kina Kelsey. Pero...

"Aba ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit?"

"Pakialam mo ba? Kaya ko namang iwasan yun, tapos umepal ka!"

"Ikaw iniinis mo—"

"If you don't stop talking, I'll freeze the two of you to death."

Maski ako natakot kay Krystal nung sinabi niya nun dahil sobrang seryoso yung way ng pagkakasabi niya. Hindi yung trip-trip niya lang na tinatawanan ko. Napatigil agad si Kelsey at yung babae sa pag-aaway nila at tumingin sila kay Krystal.

"L-leader..."

"We have enemies in front," pagkasabi nun ni Krystal, agad siyang sumugod sa mga members na sinusubukang pumunta doon sa leaders nila. Saka ko lang napansin na yung mga baril na hawak ng leaders ay nasa side pockets na nung babae. Whoa! Ni hindi ko man lang nakita kung kelan niya kinuha ang mga yun!

"S-sino yun? She's scary," narinig kong sabi nung babae at napangiti na lang ako. Yeah. Scary talaga. Maski ako natakot.

"Hoy Nene, kunin mo na yung dalawang insignia," sabi ko kaagad dahil yun ang kailangan namin kahit na aksidente lang na nakita namin 'tong dalawnag gangs na 'to.

"Tss. Tanda!"

Haha! Asar-talo talaga.

Napatingin naman ulit ako sa side ni Krystal at napatumba niya na lahat. Grabe. She's really a monster.

"Oh my gosh. Did she just...freeze the face of that guy?" Nakita ko naman na shocked yung itsura nung babae. Oh well, sino bang hindi mashoshock kapag nakita nila yun?

"She's scary, right?" then I grinned at her.

Bigla naman siyang umiling-iling na parang gusto niyang gumising sa isang panaginip. Then tumalikod siya at tinignan yung dalawang leaders na napabagsak niya.

"Hmm. Paano ko kaya sila dadalhin sa White Division?" sabay kamot niya sa ulo niya. "Kasi naman! Bakit sabay ko silang tinira! Dapat pala isa lang! Ang hirap neto!"

"Why don't you just contact them para sila na lang ang pumunta dito?" suggestion ko. Bigla naman siyang tumingin sa akin at tinuro niya ako.

"Whoa! Ang talino mo! Tama! Yun na lang!"

Natulala naman ako sa sinabi niya. Di ba yun naman ang maiisip mo agad?

"Tanda, di ko akalaing may utak ka pala. Nice," dagdag pa ni Kelsey.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. They are really talented, yes. But they are both idiots. Nagulat naman ako nung tumakbo bigla yung babae palayo sa amin.

"Oyyy! Pakibantayan yang mga kumag na yan! Tatawag lang ako ng officer!" sigaw niya at saka siya ulit tumakbo.

"Wait! Hey wait!" pero hindi siya lumilingon.

Dahil wala na akong choice, binato ko yung bokken ko papunta sa direksyon niya at tumama yun sa puno na nasa harapan niya. Napatigil agad siya sa pagtakbo at lumingon siya na parang takot na takot ang pagmumukha.

"Why the hell are you running? You can contact them through phone," sabay taas ko ng phone ko. "Pakikuha ng bokken ko," dagdag ko pa.

"B-b-bokken?"

"That wooden sword," saka ko tinuro yung sword ko na nakatusok sa may trunk ng puno. Agad naman niya yung hinatak at kabadong naglakad papunta sa akin. Napatingin naman ako kay Krystal na nakatingin rin doon sa babae. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko na kung anong iniisip niya.

This kid, is an interesting one.

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionDär berättelser lever. Upptäck nu