Chapter Twenty One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko naman napapabayaan ang responsibilidad ko sa malaking mansyon, senyorito. Kaya kung iniisip mong nakaka-abala ka sa trabaho ko, hindi. Gusto kong ako mismo ang magdala at magluto ng pagkain mo. Kailangan mong maibalik ang sigla ng pangangatawan mo. Baka mamaya pa n'yan ay magkasakit ka."

"Salamat ho, Manang. Pero kaya ko nah o ang sarili ko," nasabi ko na lang para hindi na mag-alala sa akin ang matanda. "Siya nga po pala, Manang. Nasaan si Eros?"

Narinig ko sa isa sa mga katulong na dumating dito kahapon ang tungkol sa pag-uusap nila sa nakaraang sunog at nakawan sa isla.

Gusto ko sanang personal na makausap si Eros at makipag-ayos dito dahil sa mga inarte ko at para makatulong na rin sa kasalukuyang problema dito sa isla.

"Nako, Senyorito Gael. Iyan din ho ang hindi ko alam."

"Bumalik ba siyang Manila?"

"Hindi ko sigurado. Kadasalan naman ay nagpapaalam muna ang senyorito at nag-iiwan ng habilin sa gagawin sa may bukirin," paliwanag sa akin ni Manang. "Nag-aalala nga ako. Kahit si Monique wala rin dito."

"Sinong Monique?" kunot-noong tanong ko.

"Bago naming kasama dito."

"Gano'n ba..." nasabi ko na lang at hindi na nag-usisa pa.

"Alam mo ba, senyorito. Parati ka ngang tinatanong ni Monique sa akin. Hindi ka personal na kilala no'ng batang iyon pero alalang-alala siya sa'yo."

"Bakit naman siya mag-aalala para sa akin?" muling kumunot ang nook o sa tinuran ni Manang.

"Hindi ko nga rin alam. Pero lagi siyang nagtatanong ng tungkol sa'yo, sa relasyon n'yo ng Senyorito Gael at inyong mga Mondragon. Para nga siyang batang nakikinig sa mga kwento ko kapag nababanggit ko kayo."

"Manang, hindi po magandang ikwento n'yo sa estranghero ang tungkol sa amin ni Eros. Ikaw na rin ho ang nagsabi na hindi kami magkakilala," sabi ko matapos ang malalim na buntong-hininga. "Saan ba nanggaling ang babae na 'to? Taga-rito rin ba siya sa isla?"

"Ay, nako! Hindi! Dayo lamang si Monique dito. Halos agaw-buhay na nga siya nang makita ng Senyorito Gael."

"Bakit? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Nako, senyorito. Hindi lang masama. Kawawa nga ang bata na 'yon dahil wala siyang maalala mula sa kanyang nakaraan. Bigla na lang siya napadpad dito sa isla. Tila taga-Maynila yata na naligaw sa lugar natin."

"Hindi ba siya taga-El Nido? Paano siya nakarating dito—" hindi ko na natapos ang mga tanong ko na may isang ideya na bilang pumasok sa utak ko. "Manang! Sabihin n'yo sa akin! Anong buwan dumating si Monique dito?" halos pasigaw ko nang itanong ang bagay na iyon kay Manang Pising.

"Mag-a-apat na buwan na rin siguro mahigit. Bakit? Saka bakit tila aligaga ka yata?"

It could be.... Could it be...

Could be that this Monique is Eliz?

Apat na buwan na nang mawala si Eliz sa El Nido at sa apat na buwan din na iyon naman dumating ang Monique na 'to.

I need to see her!

"Kailangan kong makita ang Monique na sinasabi n'yo, Manang! Nasaan ho siya ngayon? Sabihin n'yo! Nasaan siya?"

"Hindi ko alam, senyorito. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita dito sa mansyon. Wala rin siya doon sa may kubo ng pinsan—"

"Kubo? Saang kubo?!"

"Iyong pahingahan ng Senyorito Eros sa dulo ng isla. Sandali nga lang, Senyorito Gael—saan ka pupunta? Senyorito Gael!"

Hindi na ako nagpapigil kay Manang nang ilang beses niyang isigaw ang pangalan ko saka patakbong lumabas ng bahay at pumunta sa may kalapit na kwadra para kunin ang kabayo at agad sumakay sa likod nito.

"Senyorito! Saan mo balak pumunta?"

Muli kong hindi pinansin ang tawag ni Manang saka mabilis na pinatakbo ang kabayo papunta sa kabilang dulo ng sila.

Hindi p'wedeng aksidente lang ang nangyari.

Ang pagkawala ni Eliz. Ang pagdating ni Monique.

Isa pa sa hindi sinasadyang insidente ang pangalan ng babaeng dayo na sinasabi ni Manang.

"Bakit hindi mo nilalagay ang totoo mong pangalan sa mga paintings mo? Hindi mo ba gustong makilala ka ng mga tao?"

"Gusto kong mas ma-appreciate nila ang art ko kaysa sa akin na artist."

"Paano kung may mag-claim na ibang artist sa mga gawa mo? Common ang pangalan na Monique baka hindi mo pa alam. Hindi ka ba natatakot doon?"

"I know my art, Gael. My art is me. Kaya walang makakaagaw sa kanila sa akin. Saka hindi ba mas sweet pakinggan ang Monique? Ayon sa nabasa ko, French version ng Monica ang Monique. Saka alam mo namang obsess ako sa French culture, 'di ba? Kaya mas tama lang na Monique gamitin kong pen name."

Eliz use her first name into her painting.

It's always signed with her pen name Monique.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon