Ngumisi lang siya sa akin, pinapakitang hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Na kahit anong gawin ko, kahit ilagay ko pa sa gitna ng kamatayan ang sarili ko, mayroon at mayroon pa rin siyang pagdududa sa intensyon ko at pagkakatuntong ko dito sa isla.

"Isa pa," singit ko bago pa siya makapagsalita ulit. "Hindi mo ba naisip na baka ikaw talaga ang target nila at hindi ako? Dahil kung simple lang silang magnanakaw, hindi ba mas dapat silang matakot sa'yo nang tangkain nilang sunugin ang isla?"

Mukhang nakuha ko ang atensyon ni Eros doon sa sinabi ko nang makita ko ang pagkunot ng noo nito saka ito muling humarap sa akin.

"What do you mean?"

Sinabi ko kay Eros ang mga alternatibong dahilan na naisip ko kahapon sa kung bakit kami hinahabol ng mga lalaki na iyon.

Hindi ko malaman kung siniseryoso ba ni Eros ang mga teorya ko o iniisip niya na isa na naman 'to sa kawalan ko ng common sense. Pero laking pasalamat ko na lang na kahit papaano, nakikinig pa rin siya sa akin.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko matapos kong masabi sa kanya ang mga rason.

"I could consider that." Nakahinga ako nang maluwag nang sa unang pagkakataon, napasang-ayon ko sa sinabi ko ang mahal na haring si Eros Mondragon. "Halos sa isla na ako lumaki pero hindi pumasok sa isip ko na may iba pang p'wedeng makuha sa lupa ko maliban sa mga inaani namin sa isla."

"Hindi kaya may ginto sa isla n'yo? Alam n'yo na? Iyong mga ginto ni Yamashita?"

Muling sumama ang timpla ng mukha ni Eros matapos niyang marinig ang sinabi ko.

"You amused me sometimes, Monique. It's amusing how irrational you can be. Keep up the good work."

Kung hindi lang talaga siya pisikal na masasaktan sa gagawin ko, ibubuhos ko na sana iyong umuusok na kape sa mukha niya nang mahimasmasan naman siya sa kagaspangan ng ugali niya.

Hindi ko na nga maintindihan kung saan ko pa nakukuha ang pasensya ko para sa lalaki na 'to. Kung paano ko pa siya natitiis at paano ko pa nagagawang maging matino sa harapan niya kahit na ilang beses ko na siyang pinapatay sa utak ko.

"Ano na ngang plano mo ngayon?" naitanong ko na lang ulit at habang pinipigilan ang sarili ko na gawan siya nang masama para man lang makaganti ako sa lahat ng masasakit na salita at insulto na nakuha ko sa kanya.

"We'll hide here for the meantime. Let them think that we're actually dead. Saka tayo babalik sa mansyon para mas makapag-imbestiga at makakuha na rin ng tulong mula sa mga awtoridad," paliwanag pa niya. "I won't let them harm what's mine again."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kilig doon sa sinabi niya.

Ibig sabihin ba no'n...

"Of course, that doesn't include you. I was talking about my land."

Pinaikot ko na lang ang mata ko para sa nakaka-dismayang sagot niya.

Ano bang iniisip mo, Eliz? Na talagang may pake sa'yo si Eros? sa isip ko pa. Siguro nga niligtas ka niya. Pero kung saka-sakali na wala siya doon, malamang ni pagbibigay na maayos na libing sa bangkay mo hindi niya gagawin.

Sino nga ba naman ako para pagtuunan ng pangangalaga at atensyon ni Eros?

Sino ka nga sa kanya, Eliz?

"You look disappointed?"

Bigla akong napahawak sa pagkabilang pisngi ko saka hinimas-himas ang pisngi at noo ko para alisin iyong sinasabi niyang disappointed na itsura ko.

"Ha? Sinong nagsabi? Ayos ka lang?" sinubukan ko pang umarte na walang emosyon at walang pakialam sa sinabi niya. Kahit pa nga ang totoo, nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko sa kahihiyan dahil nahuli niya ako sa akto.

"Don't tell me you like me, Monique?" kulang na lang matawa si Eros nang sabihin niya ang mga salita na iyon. "C'mon, woman! I just saved your life. I didn't fucked you."

"Alam mo, hindi lang magaspang ugali mo. Ang bastos din pala ng bibig mo! Sino namang nagsabi sa'yo na kailangan munang may mangyari sa dalawang tao bago sila magkagustuhan?"

"So, you're admitting that you actually like me?" nang-aasar at may diin pang sabi ni Eros. "Besides, women always fall for a good sex."

"Ha! Asa ka!" singhal ko sa kanya. "Saka kahit maghubad ka pa sa harapan ko, hinding-hindi kita papatulan ano!"

"Oh really?"

Bigla akong napalunok sabay napakagat sa ibabang labi ko nang wala sa loob dahil sa biglang pagbaba ng isang kamay ni Eros saka iyon pumasok sa garter ng may kaluwagan sa kanya na cotton pants saka dahan-dahang hinihila ng mga daliri niya iyong garter pababa sa pagkakakapit no'n sa may baywang niya.

Mas lalo pang lumaki ang mata ko nang makita ko nang lumabas mula doon sa pang-ibabang suot niya iyong ilang buhok na kasing itim at kasing kapal ng mga buhok sa dibdib niya.

"A-anong ginagawa mo?" natataranta at halos pasigaw nang sabi ko.

Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko rin magawang itulak ang sarili ko na lumayo ang tingin doon sa bumababa niyang pants.

"I thought you wouldn't jumped to me even if I'm naked?" nang-aasar na tanong niya. "I just want to know if that is true. Because if you haven't noticed it yet, Monique, you've been staring at my chest the whole time."

Kung kanina, iyong pisngi ko lang ang namumula, ngayon ay buong mukha ko na. Kaya mabilis akong umikot palayo doon sa panunuksong ginagawa niya saka tinakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko at nagsimulang magdasal na sana lamunin na ako ng lupa o ng kasukalan ng kagubatan sa labas.

"Don't worry. I never forced a woman to have sex with me," narinig kong muling nagsalita si Eros. "I never forced myself to anyone, Monique."

Nang muli akong humarap sa kanya para tingnan kung seryoso ba siya doon sa sinabi niya, gano'n na lang ang gulat at pagsinghap ko nang makitang tinawid ni Eros ang espasyo sa pagitan namin dito sa may ibabaw ng kitchen counter at halos gahibla na lang ng sinulid ang layo ng mukha niya sa akin.

"But I make them beg for me. Want me. Crave for me. Lose their minds to me. And the next thing they'll know, they already can't stop thinking about me with these lustful and wild fantasies inside their head."

Kitang-kita ko sa labi niya na halos dumampi na sa labi ko sa tuwing ibubuka niya iyon ang isang nang-uuyam na ngiti na tila rin naghahamon sa akin.

"I hope you won't be that type of woman, Monique. I hope you won't beg to be touched by me. Don't disappoint me this time. Prove to me that you will never lose your mind because of me."

Nang lumayo na sa akin si Eros at bumalik sa kwarto nito, saka ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko.

Wala rin sa loob na dinama ng isang kamay ko ang dibdib ko saka ko naramdaman ang malakas na kabog ng puso ko.

"I hope you won't be that type of woman, Monique. I hope you won't beg to be touched by me."

Kaya ko nga bang gawin iyon?

Kaya ko nga bang umiwas sa isang matinding tukso gaya ng isang Eros Mondragon?

Kakayanin ba ng puso at katinuan mo si Eros, Eliz?

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now