Chapter 7: The Attempt

Start from the beginning
                                    


"Ah sige. Uhm, Precious punta muna ako don. Pakabusog ka ha?"


Tumango si Precious pagkatapos ay pumunta nako ng kusina at kumain. Matapos ay lumabas muna ako ng bahay.


Nag-isip-isip ako. Masasabi kong gusto ko talaga si Precious pero parang diko maramdamang may gusto sya sakin. Ano bang dapat kong gawin? Tsk! Bakit ba ako nagkakaganito? P*steng buhay naman oh!


Nakarating ako sa isang garden. Naisip kong pumitas ng rose. Sana magustuhan ni Precious.


"Who are you? Why are you picking up a rose?"


Aw! Sh*t! Natusok ako!


"Those are the roses of my wife."


Wife nya? Napatingin ako sa lalaki. Siya siguro ama ni Precious. Oh Dad! Ehem. Umaayos ka Ian.


"I'm sorry sir. Nagandahan lang po kasi ako sa mga rosas. Naisipan kong pumitas ng isa para ibigay sana kay Ms Fuentes. Hindi naman kasi sya nakakalabas. Pasensya na po hindi ko kasi alam na-" hindi ko natapos yung sinasabi dahil sumabat si dad. Ehem, si boss.


"I believe you are Mr Reyes?"


"Yes sir."


"You know what, you really impress me. I already recieved some reports from Mr Baylor. Keep up the good work Mr Reyes."


"Thank you sir." Yeah man! May pogi points na ako.


"If it's for my daughter then I will allow you to pick a rose since it's her birthday today. Please don't do it regularly because those roses have sentimental value." Teka. Birthday ni Precious ngayon?


"a-I understand sir. Thank you po ulit."


"Alright. Good day."


"Same to you sir."


Parang bigla ako namrublema. Pano ko ba mapapasaya ang babaeng gusto ko? Ako nalang ulit mag-isa sa garden kaya linubos ko na ang pag-iisip.


Wala naman problema dati sa mga babaeng pampalipas ko ng oras. Wala pa ngang gastos YON. Tapos sila pa humihingi NON. Syempre go ako. Wala akong nabuntis ni isa sa kanila. Protektado ata to. Haha. Si Precious kaya?


Ay sh*t!


Ano bang iniisip ko? Ang g@go ko naman para gawin sa kanya YON! Special sya sakin. Pero anong special gift ko sa kanya? Isa pa, parang di pa nya alam YON. Kiss nga di pa niya gets kanina. Tss. (-_-)


Ang letcheplan talaga! Bakit ba kasi ako nagkagusto? Bakit sa weird na babae pa?

---


Kanina pa din ako nag-iisip ng paraan pero wala talaga. Tae na!


Tinignan ko na yung oras. Malapit ng mag-10:30am. Tsk! Kailangan na palang uminom ng gamot si Precious. Kinuha ko na yung mga kailangan at pumunta na sa kanyang silid. Dinatnan ko syang nagbabasa. Agad syang tumingin sa aking ng mapansin na nya ako.


Tsk! Ayan na naman yang mga titig nyang parang may gustong sabihin. Put!k naalala ko tuloy yung tungkol sa bday gift. Lagi akong may baong proteksyon pero napaka-u!ol ko naman para igaya sya sa mga ka-fling ko. Tss. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakakailang. Anak ng tokwa!


 "Ayos ka lang?" Hindi ako ayos! Bakit kasi hindi ko man lang maramdaman na may gusto ka sakin Precious? Ni katiting wala.

"Yeah, I'm fine." sabi ko. "You're just hard to get." dagdag ko pero mahina lang.


"Huh?"


"Ah sabi ko may kulangot ako. It's hart to get." Hindi parin ako makatingin sa kanya. "Sige Precious alis muna ako. Tatanggalin ko yung kulangot." Yun nalang nasabi ko sa kanya pagkabigay ko ng gamot.


Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng kwarto niya. Phew! Ang cute talaga ni Precious. Mukhang napaniwala ko naman ata sya dun sa 'kulangot palusot.' Hehe.


"Oh Ian!"


"Ay kulangot!"


"Anong kulangot pinagsasasabi mo jan? Eeew." Arte. Si Precious nga hindi nag-react tas sya lakas mandiri. Kala mo di pa nagkakulangot. (-_-)+


"Natahimik ka naman ngayon? Sus. Halika na nga muna. Tulungan mo kaming mandala ng mga regalo. Mga binili ni sir Ed." Ah si dad daw. Ehem. Si boss pala.


---


Natapos na yung napakasimple at napakaboring na bday party na in-attend ko. Ako at sina ate Mel, tandang Darwin, sir Ed, lang mga invited. Anong ginawa? Kumanta ng bday song tapos, nagbukas ng mga regalo si Precious tapos, niligpit namin yung kalat tapos, tapos na. Lumabas na kami ng silid.


Pinitas ko na yung rose. Mukhang heto nga lang gift ko sa kanya. Nasa kusina ako ngayon at nakatingin lang sa rose.


Hindi ko talaga lubos maisip na darating sa buhay ko na mahihirapan ako sa pagbigay ng isang l*tcheng bulaklak sa isang babae. Chicken lang ito dati ah? Ano kaya magiging reaction ni Precious? Matutuwa? Psh. Malabo. Malulungkot? Tss. Mas malabo. Malamang tititigan nya lang ang rosas.


Paano ko ba kasi sya mapapasaya? Kanina nga lang, ang dami-dami na nyang regalo pero yung expression parang ewan lang. Parang alam nyang ganon laman ng mga kahon. Hirap naman! Ganito ba talaga kapag nagkagusto ka na? Dati ang dali lang pumorma sa isang babae. Pakiramdam ko ang gwapo ko na totoo naman. Yung pakiramdam na gagawin nila lahat ng gusto ko. Ang dali lang talaga mapa-oo sila. Kung hindi naman, makakaramdam ako ng pagka-challenge sa babaeng hindi ko makuha. Lahat ng mga yon nag-iba ng nakilala ko si Precious.


Pakiramdam ko hindi ako gwapo sa mga mata nya. Nakakawala pag-asa. Wala rin yung nakaka-challenge na pakiramdam pagdating kay Precious. Ang laki ng alinlangan sa loob-loob ko pero gusto ko paring subukan. Ay peste! Napaka-emo ko na ata. Tss.

Namalayan ko nalang na nasa harap na pala ako ng pintuan ng silid ni Precious. Gusto ko siya kaya bahala na.


Inhale.


Exhale.

Kumatok ako sa pinto bago ko binuksan. Ibibigay ko yung rose tapos aalis na ako.


Yon sana ang balak ko pero nag-iba dahil sa aking nadatnan.


Natutulog sya sa sofa na may hawak na libro. Nakatulog sa kakabasa? How cute. Haha. Ibang klase. Sya lang nakakagawa sakin ng kakaibang pakiramdam tulad netong nararamdaman ko ngayon. And I like it.


Natuon mga mata ko sa mga labi nya...


Tinignan ko mga labi nya...


Tinitigan pa mga labi nya...


Sh*t! Heto na ata yung karumaldumal na sinabi ni ate Mel?


Pero tulog si Precious kaya di nya magagamit yung bell.


Bakit ba? Tao po ako. Lalaki din ako. Nakakaramdam ng tukso. Isang kiss lang naman. Smack lang. Pramis! (*u*)


Inilapit ko na mukha ko sa kanya. Ang lapit ko na talaga dahil ramdam ko hininga nya sa mukha ko. Ang bango. Hahalikan ko na sya.


Humangin.


Sa loob ng kwarto?


Letcheplan! Konti nalang oh! Inayos ko sarili ko dahil magigising na si Precious. Malamang ramdam din nya yung malakas at malamig na hangin kanina. San galing? Weird.


Nagsalita si Precious pagkagising.


"Rener?"


Ano raw?


(o_O)


______o0o______


NOTE: Paki-VOTE naman. Pede ring mag-COMMENT. Mas masaya kung ni-RECOMMEND din. hahaha. SOLOMOT! (^0^)/

**Next==> "The Return"


-->BelomaCassidy

Precious [Short / COMPLETED]Where stories live. Discover now