Chapter 64 - Unveiling the Truth

901K 28.7K 8.3K
                                    


Sinundan ko si Sir Hideo habang papunta siya sa bandang pusod ng gubat. Tahimik lang kami habang yakap ko nang mahigpit si Demi.

After several minutes of walking, we ended up in a grassland in the middle of the forest. At the boundary of the grassland and the forest on the other side, there was a wooden cross that looked like grave. We went toward it and he sat in front of it.

"The elders didn't want to bury her inside the campus," sabi ni Sir Hideo.

Ang alam ko kasi ay may isang building na allotted for Senshins na namatay sa war fifteen years ago and during duties. Pero ngayong nakita ko na ang puntod ni Mama ay nandito lang sa may gubat ay nasaktan ako para sa kanya.

"Dahil ba Shinigami siya?" tanong ko naman.

"Yeah. Even though she was an excellent student, they couldn't accept the fact that she's a Shinigami."

Napansin ko naman ang dami ng bulaklak na nakapaligid sa puntod niya. Halos napapalibutan na nga ng bulaklak at parang may tumubo na lang na iba't ibang bulaklak sa tabi. Tiningnan ko si Sir Hideo at sobrang lungkot ng expression niya.

"I don't want her to be alone so I always go here," he said. "Now, you won't be alone anymore."

Napatingin naman ako kay Demi at napangiti rin ako. Alam kong hindi siya malulungkot dahil kasama na niya ang amo niya. Kasama na niya si Mama.

Naghukay kami sa tabi ng puntod ni Mama at nilibing namin si Demi ro'n. Kumuha rin ng makapal na sanga si Sir Hideo para gawing cross at binaon niya 'yon sa pinaglibingan namin kay Demi.

"Rest in peace, Demi," I whispered.

Napatingin ulit ako sa puntod ni Mama. Ang dami-dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya. Gusto kong makita kung paano siya ngumiti at gusto kong marinig ang boses niya, pero alam kong imposible.

Thank you, for giving me a chance to live, I wanted to say. Kung hindi dahil sa inyo ni...ni...Papa, sana wala ako ngayon. Alam kong sobrang laki ng sakripisyo n'yo para sa akin kaya hindi ko sasayangin ang buhay ko. Gusto ko pa kayong makilala. Gusto ko pang malaman ang maraming bagay tungkol sa inyo. Even though they see your existence as a curse, I see you as a gift. You are the greatest woman for me. Not because you are my mother, but because you chose to be a mother than to be a Shinigami. I love you so much, Mama.

Pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya ay naramdaman ko ang pagyakap ni Sir Hideo mula sa likuran ko.

"She loves you, too. And I will be here for you."

"Thank you, Sir—P-papa."

Kahit hindi pa ako sanay na magkaroon ng tatay ay ayaw kong sayangin ang panahon na 'to. I need him. I need my father and I'm really thankful na nakilala ko rin siya.

Bigla naman niyang tinanggal sa pagkakayakap ang isa niyang kamay at may inilagay siya sa kamay ko.

"I want you to keep these," he said. "Theses belong to your Mom but now, it's yours."

Pagtingin ko ay hawak ko na ang cards na ibinigay sa akin ni Demi kanina. The same cards that Mama—Naomi, and Sir Hi—Papa, used.

"Sa kanya po 'tong cards?"

The cards were covered with blood but I still held them tightly.

"Yes. Those were her main weapons. We thought they were already lost but it turned out Demi had them. It seems like giving them to you was also one of your mother's wish to her."

Bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yon. Demi did everything my mother told her to and I didn't even had the chance to say thank you. Ni hindi ko man lang nasuklian lahat ng ginawa niya para sa akin.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon