Chapter 31 - Third Case: Shinigami Duo

1.2M 30.4K 6.1K
                                    


Napadilat ako nang maramdaman kong umaalog ang kama. Pagtingin ko, nakatingin sa akin si Riye with a worried exprwssion. Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita kong tulog na tulog pa rin si Akane.

"Nee-chan, sorry nagising kita," sabi niya. Nakita kong may kinuha pala siya sa may higaan niya kaya naalog ang kama namin.

Bumangon na ako dahil hindi na rin ako makatulog. Pagtingin ko sa wall clock, 3 PM na pala. Grabe, 11 hours tulog ko. Doon ko naman naramdaman ang gutom.

"Magluluto ka, nee-chan?"

Napatingin naman ako kay Riye at natawa lang ako dahil parang nagningning yung mata niya. Mukhang gutom na rin siya.

"Oo. Wait ka lang dyan."

Habang nagluluto ako ay naligo naman si Riye at pagkatapos ko ay ginising ko naman si Akane pero mukhang ang lalim ng tulog niya.

'Mommy! Mommy!' Narinig kong umiiyak si Akane sa isip ko.

Am I hearing her voice in her dream? Right. Sabi niya, bukas by default ang isip ng tao. And it would be easier to read when they are sleeping.

'Mommy! Help my Mommy!' she cried and the desperation in her voice was heartbreaking.

Minabuti ko nang gisingin ulit siya. Ayoko nang marinig ang panaginip niya dahil ayokong ma-invade ang personal life niya. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya para magising siya at makalipas ang ilang sandali at dumilat na rin siya sa wakas. She immediately wiped off the tears welling up in her eyes and smiled at me.

"Hmm. Bango! Nagluluto ka ba?" she asked and I smiled.

"Yup. Adobong sitaw."

Sabay-sabay naman kaming kumain at halos 5 PM na rin kami nakalabas sa dorm. We went straight to the agency and the three guys, along with Sir Hayate, were already there.

"Ang aga n'yo naman," sabi ni Akane sa kanila at saka dumiretso doon sa sofa. Sumunod din naman agad kami ni Riye.

"Hindi kami maaga. Sadyang mabagal lang kayong kumilos," Ken retorted.

"Wow, ang bilis mong kumilos ha? "

"Sir, nasaan na po pala si Ma'am Ana?" tanong ni Riye at natigil naman sa pagsasagutan ang dalawa.

"Bumalik na siya sa kanila. Susunod tayomamayang 6 PM. She already gave me her address."

"Sir, sasama rin po ba sina Ms. Reina at Sir Hiroshi?" tanong ko naman. Mas mabuti na kasi na marami kami since Shinigami ang makakaharap namin.

"Reina can't make it. May inaasikaso pa kasi siya pero si Hiroshi ay sasama."

"Am I late?" bungad ni Sir Hiroshi nang buksan niya ang pinto galing sa hallway.

"Just in time."

The two of them marched in front of us with serious expressions

"You have seen the two Shinigamis from the head gear, right?" tanong ni Sir Hayate kaya tumango kami.

One of them has jet black hair and savage green eyes. He was also smoking when we saw him in the CCTV. The other one has a calm expression and has soft features but his cold demeanor was also frightening. They were also wearing cloaks just like that woman I saw before.

"We also know them," dagdag naman ni Sir Hiroshi at tumingin siya kina Hiro at Ken. "Good thing you didn't engage in a fight when you encountered them."

"Why?" tanong ni Ken sa kanya.

"Because you'll be dead by now."

Natahimik naman kami nang marinig namin'yon. Were they that strong?

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon