Chapter 35 - Fourth Case: Opening

1M 29.1K 4.9K
                                    


"Thank you po, Dra. Yuuki."

Lumabas ako sa hospital room at naglakad papunta sa dorm namin. Ngayon lang ako dinischarge at siguradong wala akong makakasama sa dorm dahil nasa klase ngayon sina Akane at Riye.

Napatigil naman ako bigla sa paglalakad. Maraming estudyante ngayon sa field at ngayon ko lang na-realize na wala man lang akong nakakausap o nakakasalumuha na taga-ibang family. Siguro dahil na rin sa schedule namin. Masyado na rin kasi kaming busy at tingin ko ay gano'n rin ang ibang families. Pero nakakatuwang makita na marami talaga akong katulad. Nakakatuwa na magkakasama kaming Senshins dito sa Tantei High.

"Hmm. Nice thinking."

Napalingon naman agad ako sa likuran at nakita ko si Sir Hayate. Crap. Nakabukas pala ang isip ko. Nakalimutan konang isara dahil na rin siguro sa pagod at pag-iisip sa mga nangyari kagabi.

"Hello po, Sir."

"Morning. How are you?"

"Okay na raw po ang condition ko sabi ni Dra. Yuuki."

Nagsimula naman kaming maglakad ni Sir Hayate. Nasabi niya rin sa akin na may make-up classes ako para sa mga na-miss kong meetings every subject. Pagkasabi niya pa lang no'n, parang gusto ko nang manlumo.

"I heard what happened yesterday." Napatigil naman ako nang sabihin 'yon ni Sir.

"Ah. P-paano n'yo po nalaman?"

"The President told me."

"Oh." Close kaya sila?

"I'm actually under his division."

"Anong division po ang hina-handle niya?"

"Intelligence Division."

Lalo pang nadagdagan ang paghanga ko kay Sir Hideo. Pakiramdam ko ang galing-galing niya kahit hindi ko pa nakikita kung paano siya lumaban o gumawa nang kahit ano. She didn't even get intimidated with Sarah. At hindi ko akalaing nasa Intel Division pala siya, pati na rin si Sir Hayate. Akala ko dati, si Sir Hayate ay para lang doon sa Office of the Tranferees.

"Kayo po Sir, kumusta na po?"

"I'm good. Minor injuries lang naman ang nakuha ko dahil kay Hiro."

"Hmm? Si Hiro po?" Ano kayang kinalaman niya?

"Ah hindi mo pa nga pala alam ang nangyari." Nagsimula naman siyang magkwento. "When Kyuuya disappeared, we used that advantage to attack Raiden, the Reaper who was left behind. We were already winning but another Shinigami appeared. The next thing we knew, he had already disabled our weapons. Hiroshi and I tried to cover the students so we received the impact of the attacks, and he was about to kill me but Hiro made a move. He threw Akane's sword at the Shinigami and that caught him off-guard. It grazed his cheeks but he didn't try to counterattack. They just vanished."

Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yon kaya tumingin ako kay Sir Hayate.

"S-sir, that Shinigami . . . was he also wearing a black cloak? He has black hair and he's about the same height as Hiro. Is that him?"

"How did you know?" I knew it.

"Actually, I . . . I know him."

Ikinwento ko naman kay Sir ang koneksyon ko kay Darwin at naging conflicted na naman ang pakiramdam ko. I knew Darwin's rank was as high as Sarah but I didn't expect him to be as powerful as our teachers.

"I think I need to report this to the President," Sir Hayate said after listening to my story. "I need to go. Don't forget your make-up classes."

Napansin ko naman na halos malapit na pala kami sa main gate ng Tantei High. Ang layo pala ng nalakad namin ni Sir.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon