Chapter 65 - See You Soon

882K 31.5K 12.7K
                                    


It's been three days.

Hindi na kami nakapag-usap ni Hiro tulad nang napag-usapan namin dahil sobrang busy sa school. Ang daming kailangang ayusin at asikasuhin. Ngayon din ang mass para sa mga namatay sa war.

The last three days felt like hell.

After the war, we were informed that Ma'am Sera had died. When she was brought to the medical team, they were attacked by Shinigamis. She protected them because she knew they were needed to save more people. She sacrificed herself for them.

Noong narinig ko 'yon ay sobrang bumigat ang loob ko. Isa siya sa mga tinitingala at nirerespeto kong teachers.

Nagkanya-kanyang pwesto kami nina Akane at Riye noon sa dorm at kahit hindi namin sabihin sa isa't isa, alam kong para hindi namin makita ang isa't isa na umiiyak. We needed space. We needed to be alone for a moment.

Pumunta ako sa C.R. at doon umiyak nang umiyak dahil sa mga nangyari.

'It's a war. Not everyone will survive,' Akane said as her voice cracked.

'But it still hurts,' Riye sobbed.

Halos ilang oras ako nag-stay sa banyo bago ako lumabas. My eyes were red and puffy and my nose was clogged. Pagtingin ko sa kwarto ay tulog na si Riye at nakita kong tumutulo pa rin ang mga luha niya. I could also read her mind and she was dreaming about what happened a while ago. Tama nga ang sinabi ni Ken na mas mababasa mo ang isip ng isang tao kapag tulog siya. Riye's mind is vulnerable right now.

"Hindi ka rin makatulog?" tanong ni Akane at nandoon pa rin siya sa isang sulok.

"Mukhang ikaw rin," sabi ko naman.

"I was thinking about Mom."

Nakaupo siya sa gilid habang yakap ang mga tuhod niya. Her tears fell so she buried her face between her knees. Nilapitan ko siya at niyakap.

"I'm sure masaya ngayon ang Mommy mo kasi ligtas ka," I said and she gently lifted her face.

Kahit hindi ko alam ang nangyari sa kanya ay alam kong para 'yon sa mga taong mahalaga sa kanya. Just like what my mother did.

Sumandal naman siya sa balikat ko habang patuloy na umiiyak at nagpakatatag ako para sa kanya. After several minutes, she fell asleep, thinking about her Mom.

***

Nandito kami ngayon sa quadrangle at katatapos lang ng mass para sa mga namatay. 'Yong mga magulang ng mga estudyante ay nandito rin kaya medyo maraming tao ngayon sa school.

"They will be remembered for the rest of our life. They are the heroes that fought the enemies for the future's sake, for your sake," sabay turo nung speaker sa mga nakikinig. "Rest in peace, our beloved heroes. You will always be in our hearts."

After that ay nagsitayuan na kami at pumunta sa graveyard sa campus. People went to their families' tombstone and put white roses in front of them. Pumunta ako sa puntod ni Ma'am Sera at nag-iwan ng white rose saka umupo sa harapan niya.

"Thank you po sa lahat. Sa pagtuturo sa akin ng mga kailangan kong malaman...at sa pagligtas sa amin."

"Thank you for guiding us and for being a great senior."

Paglingon ko ay nakita ko si Papa at matapos niyang mag-iwan ng white rose kay Ma'am Sera ay ngumiti siya sa akin.

"Buti at hindi ka na umiiyak," sabi niya sa akin. "Not that it's bad. Crying is the best way to express the pain."

Ngumiti naman ako. "Narealize ko lang po na hindi lahat ng bagay, kailangan kong iyakan."

He nodded. "Yes. Life isn't to be cried for but to be fought for."

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon