Epilogue

1.4M 40.6K 51.5K
                                    


"Good work, everyone."

Napangiti naman ako sa pagbati sa amin ni Sir Hayate. Katatapos lang naming mag-solve ng isang murder case at isa ito sa mga pinakamabilis naming natukoy ang killer. Siguro dahil na rin kasama namin si Ma'am Reina at mabilis na na-identify ang time of death at may loopholes talaga sa alibi ng murderer.

"Sige na, bumalik na kayo sa school. Gamitin n'yo na lang si Miyu dahil may pupuntahan pa kami," sabi naman ni Ms. Reina habang nakaturo siya kay Sir Hayate.

"Date?" pang-aasar ni Ken kaya biglang nagsugat si Ms. Reina ng daliri at mukhang balak niyang mag-summon.

"J-Joke lang, Ma'am!"

"Hay. Wala akong panahong makipag-date dahil sa dami ng gagawin." Bigla naman siyang nag-emote sa harapan namin. "Bakit ba naman kasi tayo pinapa-travel ni Sir Hideo sa kung saang lumalop ng mundo para lang hanapin ang Shinigami rebels?!"

Nawala naman ang ngiti ko nang marinig ko 'yon. Hinahanap nila sina Darwin?

"Reina, I told you it's for alliance purposes," sagot naman ni Sir Hayate.

"Hah! Fine, fine. Pero nasaan na ba si Hiroshi? Sabi ko dapat nandito na 4 PM sharp! Late na siya ng one minute and thirteen seconds!"

Pagkasabi ni Ms. Reina no'n ay may naramdaman akong humawak sa balikat ko pero pagtingin ko ay wala namang tao sa likuran ko. Chills coursed through my body and I became rigid.

M-Minumulto na ba ako?

"Sorry, I'm late," a voice behind me said and when I turned around, Sir Hiroshi was already there. "And sorry I scared you. Well, that's my plan, actually," he said with a subtle smile on his face.

"At anong kalokohan na naman yan, Hiroshi? Ginamit mo na naman ang invisibility fluid mo?" sabay pamaywang ni Ms. Reina.

"I just want to," Sir Hiroshi retorted while adjusting his glasses.

"Enough," awat naman ni Sir Hayate. "Let's go or we'll be late."

"O, sige aalis na kami. Walang gagawa ng kahit anong kalokohan habang wala ako, ha! Ako ang adviser n'yo kaya ako ang mapapagalitan kapag—"

"Yeah, yeah," sabay hawak ni Sir Hayate sa balikat ni Ms. Reina mula sa likuran at inilayo niya siya sa amin.

"You should stop lecturing your students. It's annoying," dagdag pa ni Sir Hiroshi. Magsasalita na ulit sana si Ms. Reina pero hinatak na siya palayo nina Sir Hayate at Sir Hiroshi.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan silang naglalakad palayo. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, magkakasama pa rin sila.

"Let's go," sabi naman ni Hiro kaya sumunod kami sa kanya. Sumakay agad kami kay Miyu at na-miss ko talaga siya. Kanina lang ulit namin siya nakita.

"Welcome back, Masters."

"Hello, Miyu," Riye greeted. Sunud-sunod namin siyang binati at after that ay umupo kami sa lapag habang nakakalat ang mga papel na ginamit namin kanina sa may table. Pero sa isang bagay lang ako naka-focus at 'yon ay ang librong nasa gitna ng table—the 'Beyond the Sixth Sense.'

Of course, Hiro won the contest. He answered the questions in five minutes and twelve seconds. Reiji placed second and I was third. Sumunod sina Akane, Ken at Riye. Pero shinare niya rin kaagad ang libro after one day. Simula no'n ay sama-sama na naming finifigure-out kung ang mga nakasulat sa libro.

"Tsk. Bakit ba kasi nakasulat din sa code 'tong book? Ang sakit tuloy sa ulo!" Akane complained.

Yeah. Kaya wala pa kaming progress ay dahil dine-decode pa namin ang buong book. It was written with a different writing system and we have yet to decode the whole system.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon