Chapter 10 - First Case: Bloody Letters 2

1.2M 33.9K 7.3K
                                    


Nang makaalis si Ms. Bianca ay naghanap kami ng kanya-kanya naming pwedeng magawa habang naghihintay sa party. Bumalik na rin si Sir Hayate at mukhang nauna na siyang mag-investigate sa area mamaya. The boys, along with Sir, were playing card games. Kami naman nila Riye at Akane, nagbabasa ng kung anu-ano rito, pero nagulat ako nang makita kong reference book ang hawak ni Riye. Wow. Bilib na talaga ako sa kanya.

May nakita rin akong notebooks na nakapangalan kay Ms. Bianca. In fairness, ang cute ng sulat niya. The way she wrote a, t and g was in serif typeface style. Parang computerized tuloy ang dating.

Hindi ko na namalayan ang oras sa katitingin sa mga nakalagay sa shelves kaya nagulat ako nang bumukas ang pinto at muling pumasok ang kasambahay na naghatid sa amin dito kanina.

"Pinapabigay po ni Ma'am Bianca," sabay lapag niya ng mga dala niya sa kama. "Eto raw po ang suotin ninyo mamaya para sa party niya."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad din siyang lumabas. Ako naman ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga dinala niya.

"Wow ang cute naman nito! Bikini!" sabay taas pa ni Akane doon sa bikini na hawak niya.

Nanlumo ako nang nakita kong walang normal na T-shirt doon at nakuha na nina Riye at Akane ang parang net na croptop at see-through na blouse. Sa huli ay kinuha ko na lang ang isang bikini set pati ang mahabang tela na nandoon.

Isa-isa naman kaming nagbihis at namangha na lang ako sa mga katawan nila. Hindi halata kapag naka-uniform sila pero fit silang lahat, lalo na si Sir. He looked like a celebrity. Riye was wearing a bikini, topped with a thin-fabric of blouse and beach shorts while Akane wore a red pair of bikini, matching her red hair. Wow. Samantalang ako . . . hay. Ipinulupot ko na lang ang tela sa katawan ko at pinag-cross ang magkabilang dulo sa leeg ko.

Paglabas namin ay ni-lead ulit kami ng kasambahay papunta sa napakalaking pool area. Pagdating namin doon ay may halos thirty na tao na.

"Hi guys! Wow, you all look wonderful!" Miss Bianca beamed while holding a glass of wine. She looked drunk. "Sige, iwan ko muna kayo r'yan, ha!" Lumapit naman siya nang kaunti sa amin. "And inspect well," she whispered.

Pagkatapos no'n ay naglakad siya palayo sa amin. Medyo naguluhan naman ako sa kinikilos niya. Ganyan ba ang may death threats? She just made herself vulnerable by drinking alcohol.

"Let's divide into two teams," bigla naming sabi ni Sir Hayate. "Observe her guests and this place. Inform each other if you see something strange."

Gagamitin kaya namin ang inner voice namin para makipag-communicate?

"No," Sir suddenly said. Oh my god, he read my thoughts. "Inner voices can only be used within a certain distance. Also, even though humdrums can't hear us, due to the differences of their individual brain frequency, they can still interfere by producing static noise. It's more efficient to use this." He handed each of us a device that looked like an earpiece. "Akemi, Riye at Akane. Kayo ang magkakasama."

Humiwalay kaming tatlo sa kanila at naglakad sa pool pero nakuha agad namin ang atensyon ng ilan dahil mukha kaming high school students, samantalang sila ay mga nasa mid-twenties na. Sinabi naman ni Ms. Bianca na pinakilala niya kami bilang friends ng kapatid niya so I think safe kami.

Unti-unti namang dumami ang mga tao. Medyo nakakahiya na ngang maglakad-lakad dahil halos lahat ng nandito ay models at ang gaganda ng mga katawan nila.

"JL's here," rinig ko sa earpiece. That was Ken's voice.

JL? Sa pagkakatanda ko, 'yon ang ate ni JC at isa siya sa naiisip ni Bianca na suspect ng pagpapadala ng letter na 'yon.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon