Chapter 43 - Demi

1M 33K 9.4K
                                    


 "Good work, guys. Kami na ang bahala sa kanya. Sumunod na rin kayo sa agency," sabay turo ni Sir Ryuu sa isang sasakyan.

Lumapit naman kaming tatlo ro'n at sumakay. Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay naramdaman ko kaagad ang pagod ng katawan at stress sa utak ko.

"Akala ko talaga noong una ay si Richard Andres ang murderer," biglang sabi ni Ken na umupo sa kaliwa ko.

At first, mukhang si Mr. Andres nga ang killer. He was angry at his wife because of their separation and he knows her house more than anyone else. Pero mukhang sinetup lang talaga siya ni Mr. Mercado para maging scapegoat.

But Mr. Mercado had a miscalculation and that was Ms. Carla Gomez, his current partner. Hindi niya alam na sinundan siya ng kinakasama niya kaya pwede nilang maging alibi 'yon.

"Pati na rin ang collector," dagdag pa ni Ken.

Yes. That collector was both suspicious and scary but it seemed like he was only interested with the antique items. Pero ayon kay Hiro, mas gusto niyang bilhin ang mga 'yon sa mas mababang halaga. He was infamous for mentally torturing sellers to have their valuables at a much lower price. Kaso mukhang hindi iyon umubra kay Mrs. Andres kaya lagi niya itong kinukulit at balak nilang mag-meet kanina. But when he arrived, her house was already on fire. Kaya rin siya galit kanina ay dahil siguro iniisip niya kung anong nangyari sa mga antique items na gusto niyang bilhin kay Mrs. Andres. Siguro ay gusto niyang pumasok sa loob ng bahay kaya siya tingin nang tingin doon. Tinanong din siya ni Hiro kung sino ang tinext o kung anong ginawa niya sa phone niya noong time na sumabog ang bomba sa bahay ni Mr. Sison at ang sabi niya ay kinontact niya raw ang isa pang antique seller na kailangan niya ring i-meet.

Bigla ko namang naalala kanina ang pagkuha ni Hiro sa phone ni Mr. Mercado noong naposasan at natali na siya. Pinakita niya sa amin ni Ken ang number na huling dinial ni Mr. Mercado at sakto 'yon sa oras ng pagsabog.

Sumakit ang ulo ko dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. I just hope Akane is fine.

Naalala ko rin ang encounter namin ni Hiro kay Rin at bigla akong kinilabutan. She was about to kill me that time but my mother saved me. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iniwasan ni Sir Hayate ang tanong ko.

'Stop thinking about them.'

Napatingin naman ako sa kanan ko dahil narinig ko ang boses ni Hiro at nakita kong nakasanda siya sa bintana habang nakapikit.

'But . . .' Bigla naman siyang dumilat at umayos ng upo.

'We're here.'

Huminto ang sasakyan kaya lumabas agad kami at tumakbo papuntang agency. We ran through the creepy hallway and headed to the Medical Department. Agad naman kaming dinirect kung saan ang kwarto ni Akane.

"Okay na siya," rinig namin kay Dra. Yuuki. "Her muscles and nerve tissues are alright. Kailangan lang niya ng pahinga."

After that ay agad na lumabas si Dra. Yuuki at sinundan ko pa siya ng tingin dahil namangha na naman ako sa kanya. Ang bilis niyang nagamot si Akane.

Akane was already sleeping and it seemed like she was really okay since the color of her face returned to normal.

Ken sighed in relief. "Good work, Akane," he whispered as he pat her head.

Napaupo na lang ako sa tabi ni Riye sa may sofa dahil drained na ang utak at katawan ko.

"You two should rest," sabi naman ni Hiro kaya napatingin kami sa kanya. Tumango naman agad si Riye at saka niya ako hinila palabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa dorm na halos pikit na ang mga mata namin. Pagbukas namin sa kwarto ay agad kaming nag-collapse sa kama.

***

Sunog.

Nakakaamoy ako ng sunog. Another arson case?

My eyes fluttered open and I immediately smelled something burning. Napatakbo agada ko sa kusina at nakita kong nagpa-panic si Riye sa harap ng kalan.

"Riye!"

She looked at me, teary-eyed. "Nee-chan . . ."

Pinatay ko agad ang kalan at hinatak ko siya palayo sa kusina. Sinabi ko na lang na ako na ang magluluto pero napangiti pa rin ako dahil nag-try siya. SAbay kaming kumain at pinagbalot din namin si Akane.

Nag-prepare kami para sa PD at Technology Development classes namin pero dumaan muna kami sa Medical Department para ibigay 'to kay Akane kaso tulog pa siya kaya iniwan na lang namin sa kwarto niya.

"Nee-chan," tawag ni Riye.

"Hmm?"

"She's been following us ever since we passed by the library."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Riye dahil akala ko ay may sumusunod na Shinigami but it turned out it was just the cat I saw in the library yesterday.

Sinubukan naman siyang i-pet ni Riye pero bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Napaupo na lang ako dahil natakot ako sa pagtalon niya. Buti na lang at nahawakan ko kaagad siya.

I put her back to the ground and we continued walking toward our class but she was still following us.

"It seems that she likes you."

"Really? Kakakita ko lang sa kanya sa library kahapon."

"Right. She's the cat in the library. Sabi nila, hindi raw siya umaalis doon kahit anong gawin sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang lumabas sa library."

"Whoa. Talaga?" Napatingin tuloy ako sa pusa.

"Yup. And she only likes to interact with Sir Hideo and Ma'am Michiko."

"Bakit naman?"

"I don't know. Maybe she was their pet before?"

Nakarating naman kami sa PE class naming at kasama namin ang pusa. As expected, nandoon na ang boys pati na rin si Ma'am Michiko. Nagulat naman ako nang biglang tumakbo ang pusa papunta kay Ma'am Michiko at nakita ko ang pagkagulat niya pero agad niya rin itong sinalubong.

"'Di ba 'yan 'yong pusa sa library?" sabay turo ni Ken doon. Napansin ko naman na may eyebags siya. Mukhang binantayan niya talaga si Akane kagabi.

"Yeah. Bigla na lang siyang sumunod kay nee-chan kanina," sagot ni Riye.

Lumapit naman sa amin si Ma'am Michiko habang karga ang pusa.

"Okay, kids. I'll help you improve your skills through different methods. Summon your weapons so we can start."

We followed her order and I summoned my bows and quiver. Nagkatinginan naman kami ni Ma'am Michiko at agad siyang naglakad papunta sa akin.

"Hmm. So, sinundan ka pala ni Demi."

Napakunot naman ang noo ko. "Demi?" I asked.

"It's her name," sabay taas niya sa hawak niyang pusa.

"Oh." Her name was cute. "Uhm, opo. Totoo po bang hindi siya lumalabas sa library at sa inyo lang siya ni Sir Hideo lumalapit?" tanong ko nang marinig ko 'yon kanina kay Riye.

"Yeah," she responded. "This cat belongs to the Great Seven. Well, technically, it's her cat."

"Her?"

She smiled at me. "My close friend's cat. It seems like Demi likes you. No wonder," she muttered as she walked away from me.

Close friend? Sino kayang close friend ang tinutukoy niya?


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon