Chapter 28 - Riye's Secret

1M 31.2K 8.9K
                                    


Nandito kami ngayon sa Medical Department para bantayan si Riye. Sabi ni Dra. Yuuki, nagising na raw siya kanina pero natulog na ulit para magpahinga. Dahil nag-aalala kami sa kanya ay dito na namin napagpasyahan ni Akane na magpalipas ng gabi. Mukha ngang tulog na rin siya. Alas-dos na rin kasi ng umaga. Ako naman ay hindi makatulog dahil sa dami ng naiisip ko ngayon.

First was the fact that Akemi was one of the Great Seven. Sabi niya, hindi raw dini-discuss o pinag-uusapan ang dating Akemi sa klase nila dahil ipinagbawal ng Council. In addition, almost all students know how great the seven were but they don't have any idea how the five died.

Second was that cloaked guy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa amin ni Riye sa gubat. Buti na lang talaga at hindi masyadong malalaaung nangyari kay Riye at na-recover pa ni Sir Hiroshi ang arrow mula ro'n sa lalaking sumugod sa amin. Hinihintay na lang namin ngayon ang result ng blood analysis na ginagawa ng Medical Department doon sa arrow. Sabi rin nila, malaki ang possibility na isang Shinigami ang naka-encounter namin. Pero ano bang kailangan nila kay Riye?

Third was the robbery cases. Having simultaneous cases of it in neighboring towns weren't normal. May kinalaman na naman ba ang Shinigami dito?

Last was Sarah Angeles. Kahit nasabi ko na lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya kay Miss Reina ay hindi pa rin talaga ako mapakali. Natatakot ako sa kanya. I think she was the girl who told me those words during my second case.no

'No, dear. To have great powers is to also experience great misery. That's the rule of the world. That's the rule of our world.'

'That's right, dear. Solve this crime and prove yourself. Then I shall decide whether to take you or not.'

Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita pero sigurado ako na binabantayan niya ang bawat kilos ko that time.

But what bothered me the most was my own mother. Pakiramdam ko ang dami-dami niyang tinatago sa akin. Oo, close kami ni Mama pero hindi ko akalaing hindi ko pala talaga siya kilala. Sabi nina Akane dati, halos lahat ng parents ng Senshins, tinuturo sa mga anak nila ang basics ng pagiging Senshin. Pero si Mama, ni wala man lang sinabi o ikinuwento sa akin. Sigurado naman akong may rason siya kung bakit hindi niya sinabi sa akin pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mapaisip kung ano iyon. At isa pa, bakit parang walang nakakakilala sa kanya rito? Okay, alam kong dahil hindi ko alam ang alternative name niya pero hindi kaya siya 'yong cursed Akemi at sa kanya ko narinig ang name na 'yon? Pero sabi kasi nila, patay na ang last Akemi. Lalo lang tuloy gumulo ang isipan ko.

"Nee-chan? Bakit gising ka pa?" napatingin ako kay Riye at nginitian ko siya. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang gising na at nakatingin sa akin.

"Hindi ako makatulog, eh. Andami kong iniisip sa ngayon."

Bigla namang lumingun-lingon sa paligid si Riye at nakita niya rin si Akane na natutulog sa may couch. She suddenly moved out of the bed so I panicked.

"Wait, Riye. H'wag ka munang tumayo at baka may mangyaring masama sa'yo."

"No, I'm okay nee-chan. Galos lang naman ang mga 'to. Besides, may gusto akong sabihin."

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Lumingun-lingon ulit siya sa paligid na para bang sinisiguradong walang nakikinig sa amin. Naglakad siya papunta sa akin at umupo siya sa tabi ko.

"What do you mean, Riye?"

"Do you remember what he said? The guy said he needs me, right?" Doon ko naman na-realize na 'yong lalaki sa gubat ang tinutukoy niya. "I know what they want from me."

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon