Naramdaman ko na bibigay na ang kamay ko at halos makagat na ako nitong walker na to nang biglang

~BANG!~

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na sya naman nakapagpatahimik sa hunk na walker na to. Na ngayo'y nakayakap sa akin ang mabahong katawan nito. F na F po nya mga kaibigan. Pasalamat sya gay ako! Aha.

"Babe are you alright?" Nagaalalang tanong ni Megan sakin matapos nyang makalapit.

Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mala anghel nyang mukha na alalang alala sa akin. Sa kanyang likuran ay naaninagan kong kakababa pa lamang ng baril ni Dylan. So sya pala ang tumulong sa akin. Kailangan kong magpasalamat mamaya.

Tinulungan ako nina Megan at Kylie na alisin sa pagkakayap itong si papa walker sa akin. Aha.

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinimas ang aking mga braso. Shit. Ang sakit lang. Wooo.

"Okay ka lang?" Tanong muli ni Megan at Kylie sa akin.

"I'm okay." Nginitian ko naman sila para ipaalam na okay ako.

Nakahinga naman ng malalim yung dalawa at inakap naman ako ni Megan ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap habang nangingiting parang tanga.

Ang baby ko kinabahan. Masamang damo ata to. Di ako basta basta mamamatay. Aha.

"Babe. I'm fine." Natatawang bulong ko kay Megan dahil may ilang minuto na ata kaming magkayakap.

Kumawala sya ng bahagya sa pagkakayakap sa akin sabay hinampas ako ng may kalakasan sa aking braso.

"You scared me Mischa! Akala ko mawawala ka ulit sa akin!!" Galit na sabi nya habang paulit ulit nyang hinahampas ang braso ko.

"Aw! A-aray!" Reklamo ko.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at saka sya siniil ng halik.

Matapos ang ilang segundo ay nagpull back ako sabay nginitian sya ng pagkatamis tamis.

"Baby." Umpisa ko. "Hinding hindi ako mawawala sayo okay? Hinding hindi kita iiwan dahil gagawin ko pa ang lahat maprotektahan ka lang." Binigyan ko ulit sya ng mabilis na halik sa labi.

"Mahal na mahal kita babe." Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Ngumiti sya sa akin at hinalikan nya din ako sa labi.

"Mahal na mahal din kita babe." Sagot nya sa akin.

"Ahem! Tao po kami baka nakakalimutan nyo lang po ano." Pag singit ni Kylie sa amin pero nakangiti sya sa amin.

Humiwalay ako kay Megan sa pagkakayakap at nagkamot ng batok kahit di naman makati iyon. Nahiya ako bigla sa kanila eh.

Nagtawanan naman kaming apat ng makita nila akong nagkamot ng batok.

"Makati ba? Ligo ligo din kasi pag may time." Natatawang sabi ni Kylie.

"Aish! Ewan ko sayo Kylie!" Singhal ko sa kanya.

"Mmm. Tama na yan kids." Sabi ni Megan samin at lumapit na sya sa pickup.

Lumapit ako kay Dylan habang chinecheck nina Megan at Kylie yung sasakyan.

"Dylan. Ano. Maraming salamat kanina. Sa pagligtas sa akin." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tiningnan nya din ako at ngumiti sabay sinuntok ako ng pabiro sa balikat.

"Wala yun." Maikling sabi nya. Nginitian ko din sya at luminga sa dalawa ng marinig namin silang magsalita.

"Ugh. Guys walang kambyo yun pickup. Akalain nyo yun." Asar na sabi ni Kylie.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now