Class 24: Last Death/End of Reunion

618 27 46
                                    

"Tila yata nagmamadali ka Lea. Oo nga't sinabi kong tapos na ang larong ito, pero hindi ko sinabing lahat kayo ay makakalabas ng buhay"

Naguluhan naman sila sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin? Hindi kaya?

"Ang sabi mo ay tapos na 'to, Raiver. Nangako ka!" Lea

"Hindi ko naman sinisira ang pangako ko, Lea. Ang sinasabi ko lang ay wala akong sinabi na lahat kayo rito ay makakalabas ng buhay."

"Ano bang ibig mong sabihin? Diretsuhin mo na kami!" Sharon.

"May nakalimutan pa kasi akong sabihin sa inyo. Ang totoo kasi niyan ay hindi ko pa nakukumpleto ang mga sagot!"

Tila mas lalo silang naguluhan sa sinabi nito. Anong sagot?

Sa kabilang banda naman ay tama ang hinala ni Aga, hindi pa nga tapos ang munting laro na ito. At nakakasiguro siya na may isa sa kanila ngayon ang nanganganib ang buhay. Ngunit, sino? Sino ang huling sagot na tinutukoy niya? Nagisip si Aga ng pwedeng pagbasehan upang malaman niya ang sunod at huling biktima. Hanggang sa maalala niya ang mga papel na nakadikit sa dingding nito kung saan siya nagtatago. Nakapaskil doon ang sample ng invitation na naiiba ang nakasulat kapag nababasa ng tubig. Marahil ay ganitong klase ng invitation ang natanggap ng mga namatay. Ngunit, sino ang panghuli?

"Sinabi ko na sa inyo kanina na si Coach Monreal ang unang sagot. Buhay ng tao ang sinasabi kong sagot na dapat kumpletuhin. Pangalawa ang buhay ni Rafael, sumunod ang kay Cheska, Tricia at Arabelle, panganim at pampito ay kay Denise at Erika, sumunod ay sina Janine at Christine. Sampu ang kabuuan ng sagot na nais kong makumpleto, at kulang pa 'yon ng isa."

Bigla itong naglabas ng baril mula sa likurang bulsa niya. Napasinghap silang lahat nang ikasa ito ni Raiver at paglaruan sa kanyang kamay.

"Ngayon, kaninong buhay ang huling sisingilin ko?"

Napapikit si Aga at nagisip ng mabuti. Sino pa ang maaaring nakatanggap ng invitation na kapareho noon? Bigla sya6ng napadilat nang may maalala.

"Lei, bakit?" Dawn. Hindi sumagot si Lea. Napatingin din sa kanila si Aga. Nilapitan niya ang asawa nang makita ang ekspresyon ng muka nito.

"Hey, babes. What happened?" Aga. Itinuro lamang ni Lea ang invitation na ngayon ay nasa ibaba na ng lamesa.

Agad itong dinampot ni Aga at binasa ang nakasulat. Nabakas din sa muka niya ang pagkagulat nang mabasa ang nakasulat dito.

"Bakit, Aga? Ano bang nakasulat diyan?" Dawn.

Iniabot naman ito ni Aga kay Dawn para siya na mismo ang magbasa.

"See you in hell?" gulat na basa ni Dawn dito.

"Anong ibig sabihin nito? Hindi naman ito ang nakalagay sa invitation na sinend sa atin, ah!" Dawn.

"Nabago ang nakasulat sa papel nang mabasa ito." Lea

Posible kaya? Hindi. Hindi maaaring si Lea ang tinutukoy nito. Hindi siya papayag. Napabalik siya sa kanyang ulirat nang marinig ang muling pagsinghap ng mga kasama.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon