Class 10: She's Alive?

536 34 23
                                    

Pagkatapos ng mga nalaman ay mas lalong nabagabag ang lahat. Anong sikreto ang tinatago ng kanilang eskwelahan at ng dati nilang principal na may kinalaman sa kanilang lahat? Ano ba talagang nangyari noong 1988?

Habang nagpapahinga ang lahat ay hindi mapakali si Aga. Nais niyang muling bumalik sa silid ng Principal. Gusto niya pang alamin kung may iba pa siyang makikitang impormasyon doon. Tiningnan niya ang mga kasama at halos lahat ay tulog na maliban sa kanya. Maya maya pa ay dinalaw na rin siya ng antok kaya't napagpasyahan niyang tabihan na ang asawa.

"Ahhhhh!"

Nagising silang lahat sa malakas na sigaw na iyon. Agad namang tumayo ang mga lalaki upang tingnan at hanapin kung saan nanggaling ang malakas na sigaw. Ngunit, wala silang nakita.

"Guys, nawawala si Cheska!" sigaw ni Arabelle na nakapukaw ng atensyon ng lahat

"Ano? Paanong nawawala?" tanong ni Ian

"Kanina lang kasi ay katabi ko siya. Tapos noong nagising tayo dahil sa malakas na sigaw ay wala na siya rito" Arabelle.

"Baka nandito lang siya sa building. Hanapin natin" Aga.

Magkakasama sina Aga-Lea-Vice, Albert-Agot-Janine, Richard-Dawn-Tine, Gabby-Sharon-Arabelle-Tracy, Ian-Jodi-Erika-Denise sa paghahanap kay Cheska sa buong building. Bawat isa sa grupo ay may kasamang lalaki para na rin sa kaligtasan nila. Hiwa-hiwalay silang naghanap para mapabilis ang paghahanap kay Cheska.

"Cheska!"

"Cheska! Nasaan ka?"

"If you can hear us, Cheska, please sumagot ka!"

"Cheska!!"

Matapos ang halos kalahating oras na paghahanap ay muli silang nagkita kita sa tapat ng entrance ng gym.

"Ano? nakita niyo?" tanong ni Aga sa grupo nila Richard

"Wala, pare!" Richard.

"Albert? Gabby? Ian?" Aga

Umiling lang ang mga ito bilang sagot.

"Oh My God! Si Cheska na ba ang susunod?" Arabelle.

"Hindi. Hindi ko na hahayaan na may mamatay pa ulit na isa sa'tin. Pumasok muna tayo sa loob. Doon na tayo magisip ng plano." Aga.

Pagpasok sa loob ay umupo muna sila habang nagiisip ng kanilang mga susunod na hakbang. Pagkapasok ay nakita ni Lea na bukas ang bag na dala niya. Dali dali siyang pumunta roon upang tingnan kung may nawawala ba sa gamit niya. Wala namang nawala roon maliban na lang sa isang papel na hindi naman laman ng bag niya. Kinuha niya ito ngunit nahulog ito sa kanyang kamay. Dadamputin na sana niya ito nang masagi niya ang baso na may lamang tubig sa ibabaw ng mesa at tumapon sa papel.

Dahan dahan niyang pinulot ang papel na basa nang tubig. Nagtataka siya kung bakit hindi napunit o natunaw ang papel kahit basang basa pa ito. Dahan dahan niya itong binuklat. Laking gulat niya nang makita na kapareho ito ng invitation na natanggap nila. Pero mas lalo siyang nagulat nang magiba ang nakasulat sa ibabang bahagi nito nang mabasa ito ng tubig.

Class 1988: The Reunion

Come and join us as we are Reunited after 31 years.

A night full of fun and excitement awaits the Class 1988.

What: Class 1988 Reunion

When: March 5, 2019

Where: St. Mary Catholic School's Gymnasium

We're expecting everyone to come.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon