Class 21: Knowing the Truth

498 29 14
                                    

"Hindi na maganda 'to. Kapag hindi pa tayo nakaalis rito, mamamatay tayong lahat!" saad ni Richard.

"We need to protect and look for each other para walang ni isa sa atin ang mawala" Aga.

Siyam na ang namamatay sa kanila mula sa dalawampung umattend ng reunion. Sila na lang na magkakaibigan ang natitira. Kung tama ang hinala ni Aga sa pagkakasunod-sunod ng mga magiging biktima, sila nang mga lalaki ang susunod sa grupo nila Denise. Mas kailangan na nilang magingat ngayon dahil sa nangyari kanina. Walang silbi kung masusunod nila ang sinabing oras ng misteryosong boses dahil gagawin pa rin nito ang gusto niya, at 'yon ay ang patayin sila.

"Richard, Albert, subukan niyo ulit maghanap ng exit bukod sa main gate. Isama niyo na rin sina Dawn, Agot at Vice." turan ni Aga.

"Ian, Gabby, pumunta kayo sa mga stock room dito sa school. Maghanap kayo ng pwede nating gamiting sandata o pwede nating gamiting proteksyon. Isama niyo si Jodi, Sharon at Lea." Aga.

"Babes, paano ka?" turan ni Lea na nagaalalang tumingin sa asawa. Lalakad na naman ito na magisa.

"Susubukan kong hanapin kung saan nagtatago ang gagong gumagawa nito sa'tin." Aga.

Nagulat naman ang mga kasama niya sa sinabi niya at naalarma si Lea dahil dito. Hibang na ba siya at ilalagay niya ang sarili niya sa panganib?

"Hindi, Aga! Hindi mo gagawin 'yan!" matigas na tugon ni Lea.

"I'll be fine, babes. Iingatan ko ang sarili ko. Hahanapin ko lang naman ang tinataguan niya para magkaideya ako kung anong pwede nating gawin at kung ano ang mga susunod nating hakbang. I'll not put myself in danger, I promise" Aga.

Wala nang magawa pa si Lea upang pigilan si Aga. Tila desidido na ito sa gagawin niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan naman siya ni Aga sa noo bago sila naghiwa-hiwalay na umalis. Nahuli si Aga na umalis ng gym.

Hindi pa man siya nakakalayo ay may nakita siyang pigura ng tao na nagtungo sa likod ng gym. Sinundan niya ito para makita kung saan ito pupunta at upang malaman niya kung sino ito. Maingat niya itong sinundan dahil sigurado siya na ito na ang hinahanap niya. Nakita niya itong pumasok sa exit malapit sa stage sa loob ng gym. Nagpaliban siya ng mga ilang segundo bago ito muling sundan sa loob. Pagpasok niyang muli sa gym ay nagtaka siya dahil walang kung sino man ang nasa loob. Inilibot niya ang kanyang mata sa paligid ng gym upang hanapin kung saan nagpunta ang sinusundan niya pero wala talagang ibang naroon maliban sa kanya. Namamalikmata lang ba siya?

Humakbang siya ng kaunti, nasa gilid niya ang stage dahil sa fire exit siya pumasok malapit dito. Lumapit siya rito at umakyat sa stage. Hindi siya madalas rito noong mga panahong nagaaral pa sila sa eskwelahan dahil kung wala sila sa close garden, kung saan sila madalas tumatambay noon ng barkada, ay nasa court siya dahil sa praktis. Dito noon ang basketball court ng eskwelahan, ngunit inilipat ito nang maitayo ang PE building, kaya't hindi na rin ito madalas na nagagamit. Naglibot siya sa stage at hinaplos ang pader kung saan nakadikit ang hindi nila nakompletong sagot sa ikalawang tanong. Nang makarating sa kabilang dulo ay napansin niya na may ilaw sa siwang sa gilid ng stage. Agad siyang bumaba at tiningnan kung saan ito nanggagaling.

Pagkababa ay pinagmasdan niyang mabuti ang siwang sa sahig ng stage at sinundan ito, ngunit sa plywood na dingding ito huminto. Tinitigan niya ito mabuti at may napansin siyang kakaiba rito. Nang malaman kung ano ito ay agad niya itong binuksan. Masyadong maganda ang pagkakagawa rito dahil hindi talaga agad mapapansin na may pinto rito.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang hagdan pababa.

Agad syang bumaba rito upang makita kung ano ang naroroon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad syang bumaba rito upang makita kung ano ang naroroon. Pagdating sa ibaba ay nakita niya ang ilang mga gamit, maaaring isa itong stock room. At dito rin nanggagaling ang ilaw na nakita niya sa sahig ng stage, ang ibig sabihin ay nasa ilalim ito ng stage.

Iginala nya ang mata sa buong silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iginala nya ang mata sa buong silid. Maraming bagay ang naroroon. Bakit ngayon niya lang nalaman na mayroon palang ganito sa ilalim ng stage?
Humakbang siya at akmang lilibutin ang buong lugar nang may marinig na boses. Agad siyang nagtago sa isa sa mga shelves na naroroon at sumilip upang makita kung sino ang nagsasalita.

Ngunit, tila nagulat siya sa nakita. Buhay siya? Tama nga ang hinala niya, buhay pa ito at nakakasiguro siyang ito ang nasa likod ng lahat. Pinakikingan niya lamang ito habang nagsasalita magisa. May kung anong sinulatan ito sa dingding kung saan ito nakaharap.

"Malapit nang matapos! Konting tiis na lang.

Makukuha ko na rin ang hustisya na dapat noon ko pa nakuha.

Malapit na malapit na.

9 out of 20.

Isa na lang at tapos na ang munting laro na ito."

Tila naguluhan naman siya sa huling sinabi nito. Paanong isa na lang at tapos na? Nataranta naman siya nang makita itong lumingon, tila palabas na ito ng silid. Agad naman siyang nagtago sa ilalim ng hagdan at tinakpan ang sarili ng plywood upang hindi siya makita. Pagkalabas nito sa silid ay agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan nito kanina. Kay raming papel na nakakalat sa ibabaw at sa sahig ng lamesa. Agad niya itong nilapitan at nakita ang blue print ng buong eskwelahan. Tiningnan niya pa ang ibang papel na naroroon at tumambad sa kanya ang floor plans ng bawat gusali na mayroon sa eskwelahan. Pagkatapos ay nilibot niya ang paningin sa dingding kung saan marami ring papel ang nakadikit. Dito nakalagay ang mga sketches ng mga silid kung saan namatay ang mga kasama nila. At ang mga bagay na ininstall nito sa buong campus. Tila planadong planado niya ang lahat bago niya isinagawa ang munting reunion na ito. Pagharap naman niya ay nakita niya ang mga litrato ng mga kasama na namatay. Sa ibabaw nito ay may nakalagay na The Answers.

Nasa pinakaibaba ang litrato ng unang namatay, sa ibabaw nito ay litrato nina Cheska, Arabelle at Tracy. Sa ibabaw ng litrato nina Cheska ay litrato nina Denise, Erika, Janine at Christine. Pare-parehong may pulang ekis ang mga muka nila, simbolo na napagtagumpayan na nito ang plano niya sa mga ito. Ngunit ang ipinagtataka niya ay may isang parisukat na pattern sa dingding na tila may dating litrato na nakalagay dito. Ito ba ang sinasabing niyang isa pa?

Tila ngayon ay naiintindihan niya na ang lahat. Ang tinutukoy nito na mga sagot ay hindi sagot sa mga tanong kundi ang mga buhay ng mga taong nagkasala sa kanya. Kaya't wala rin silbi kung masasagot nila ang bawat tanong at makukumpleto nila ang bawat sagot dito. Dahil ang tinutukoy nitong dapat nilang kumpletuhin ay mga buhay, dahil 'yon ang magsisilbing sagot sa bawat tanong.

Ibig sabihin ay hindi sila mamamatay lahat. Sampu lang ang tinutukoy nitong sagot kung kaya't sampu rin ang maliligtas sa kanila. Ngunit, sino? Sino ang tinutukoy nitong isa pa gayung labing isa pa silang natitira?

_____

Ctto of the pictures I used for this chapter.

Sino sa tingin nyo ang tinitukoy nitong isa pa? Comment down your answer! 😉

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon