Class 20: The End is Near

424 31 15
                                    

Magkakahiwalay na naghanap sina Aga. Hinati nila ang grupo sa lima upang mas mapabilis ang paghahanap kina Tine at Janine. Magkakasama ang magaasawa habang kasama naman ni Vice sina Dawn. Habang naghahanap ay muli nilang narinig ang nakakakilabot na musika kung saan sila naroroon. At isa lamang ang ibig sabihin nito, panibagong panganib.

"And now, the end is near
And so you'll face the final curtain
My friends, I'll say it clear
I'll state my case, of which I'm certain" 🎶

Pagkanta nito na siya naman nilang kinais. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malakas na tawa.

"Tila may hinahanap kayo. Maaari bang malaman kung sino?"

Nabakas ang galit sa muka nila sa tinuran nito at naikuyom nila ang kanilang mga kamay. Hawak na niya ang dalawa.

"Oh, bakit? May masama ba sa tanong ko?"

Muli itong tumawa ngunit agad din itong huminto.

"Ahh, Alam ko na. Hinahanap niyo 'yong dalawa pang mandaraya, tama ba ako?"

Napangisi ito na tila ba nakikita siya ng grupo.

"Isang minuto upang mailigtas niyo ang buhay ng dalawang mandaraya na ito. Alam niyo na siguro ang mangyayari kapag hindi niyo sila nakita sa oras"

Pagkatapos nitong magsalita ay lumabas ang timer sa kanya kanyang gusali kung saan sila naroroon. Agad nilang inikot ang bawat sulok ng gusali kung nasaan sila upang hanapin ang dalawa.

"45 seconds"

Mababakas sa muka nila ang determinasyon na makita at mailigtas ang buhay ng dalawa nilang kasama. Hindi na nila hahayaan pang may mamatay muli sa kanila.

"30 seconds"

Muling paalala ng timer. Nang walang makita sa gusaling hinahanapan ay agad nila iyong nilisan. Nagkita kita sila sa labas malapit sa gym.

"Wala kaming nakita" Jodi.

"Kami rin walang nakita" Albert.

"Wala rin sa'min" Sharon.

"Wala rin sila sa old building" Dawn

"Wala rin sila sa hinanapan namin" Aga.

"Saan kaya sila pwedeng naroroon?" Lea.

"Ano pa bang hindi natin napupuntahan?" Richard.

"20 seconds"

Tila nataranta sila nang muling magpaalala ang timer.

"Sa Gym!" Vice

"Ano?" Agot.

"Walang naiwan sa gym! Baka nandoon sila" Vice.

Kung naroroon man ang dalawa, malaki ang tsansa nila na maabutan ito ng buhay dahil malaki pa ang oras na meron sila. Agad silang nagtungo sa gym. Pagbukas ng pinto ay nabakas ang gulat sa kanilang muka. Hindi maaari.

"Oh My God!" napatakip ng bibig si Lea sa nakita at pumatak rin ang luha sa kanyang mga mata. Naikuyom naman ni Dawn ang kanyang kamao sa galit.

"Walanghiya ka!" sigaw ni Dawn at nanlumo sa imaheng nakaharap sa kanya ngayon.

"Hayop ka! Bakit mo ito ginagawa sa'min?" Lea.

Agad namang ibinaba ng mga kalalakihan ang katawan nina Janine at Tine na nakabitin sa stage. Nakabigti ang dalawa at tila wala na itong buhay. Sinubukan pa nila itong iligtas ngunit huli na ang lahat. Patay na ang dalawa. Tila kanina pa ito nakabigti. Ngunit, bakit? Hindi pa tapos ang oras nila?

"Regrets, I've had a few
But then again, too few to mention
I did what I had to do
And saw it through without exemption" 🎶

Muli nitong pagkanta.

"Alam niyo ba kung ano lang ang hindi ko pinagsisihan na ginawa ko? Itong munting laro ko para sa inyo."

Turan ng misteryosong boses.

"Hindi pa tapos ang oras namin. Hindi ka sumunod sa usapan!" turan ni Aga na bakas na rin ang galit sa muka.

"Oh, no, my dear Aga, this is my game. My game, my rules!"

"Hayop ka! Ang sabi mo sa amin ay isang minuto upang mailigtas sila pero wala pa sa oras ay patay na sila?"

"Mahihina ba talaga ang mga ulo niyo? O sadyang mahirap lang talaga itong munting laro ko?"

"Anong ibig mong sabihin?" Lea.

"Hindi ba't matalino ka, Lea? Dapat ay alam mo na kung anong nangyayari!"

"Hindi na kami makikinig sa sasabihin mo! Hindi ka marunong sumunod sa sarili mong salita!" Dawn.

"Tsk. Sumusunod ako, Dawn, kaya nga ito nangyayari."

"Sa tingin mo maniniwala pa kami sa'yo?" Dawn.

"I've loved, I've laughed and cried
I've had my fill my share of losing
And now, as tears subside
I find it all so amusing" 🎶

Tila mas lalo silang nainis ng muli itong kumanta. Ano bang ibig sabihin ng kinakanta niya?

"Yes, it was my way" 🎶

______

Short update!

Last 5 chapters na langggg!!

By the way, the song is "My Way" 😉


Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon