Class 8: Second Death

541 30 18
                                    

Pagkamatay ng TV ay muli na namang nabalot ng kaba at takot ang lahat ng naroroon sa silid. Isang buhay na naman ang maaaring mawala sa ilan lamang sandali. At labis ang takot ni Lea dahil maaaring isa kay Rafael at Aga ang susunod kay Raiver. Hindi mawala ang kabog sa kanyang dibdib, ang ilang segundo na wala si Aga ay katumbas ng kapahamakan na maaari niyang matamo ano mang sandali.

Upang maibsan ang pagaalala ng kaibigan ay napagpasyahan nila Richard at Albert na hanapin si Aga at Rafael, habang si Gabby, Ian at Vice ang maiiwan kasama ang mga babae. Ngunit, palabas pa lamang sila ng gymnasium ay muli na namang tumugtog ang musika na isa lang ang kahulugan— kapahamakan. Pagkatapos ng tugtog ay muling bumukas ang malaking TV. Sa sandaling iyon ay napuno ng takot ang buong silid dahil sa nakita. Lumabas ang dalawang magkaibang video kung saan makikita si Aga at Rafael sa magkaibang silid.

"My God!" nanghina ang buong katawan ni Lea nang makita ang asawa, muntik na siyang matumba kung 'di lang siya naalalayan ni Dawn.

Iniupo ni Dawn si Lea na ngayon ay umiiyak. Sa sandaling iyon ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso nya.

"Ano, Lea? Masaya bang nakikita na ano mang oras ay maaaring mawala sa'yo ang taong mahal mo?"

Nagulat silang lahat nang marinig muli ang misteryosong boses.

"Masaya bang panoorin, Lea?"

Mas lalong lumakas ang iyak ni Lea. Hindi niya kaya kung mawawala sa kanya si Aga. Halo halo ngayon ang emosyong nararamdaman niya. Takot, kaba, galit.

"Please, 'wag ang asawa ko. Nakikiusap ako say, huwag si Aga" Lea.

"Bakit, Lea? Hindi ka na ba nasisiyahan na manood kung paanong ang isang inosenteng tao ay mawalan ng buhay?"

Naguguluhan si Lea sa kung ano man ang sinasabi nito. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang gusto nitong iparating.

"Hindi ba't pinanood mo na rin noon kung paanong mamatay ang isang inosenteng nilalang?"

Nagtataka siya kung ano ba talaga ang ibig nitong sabihin. Anong pinanood? Sino? Sinong inosenteng nilalang ang sinasabi niya?

"Isa lang sa kanila ang maaaring makaligtas habang ang isa ay makikita na ako sa impyerno.

Nakasalalay sa inyo ang isang buhay na nanganganib na magpaalam ngayong gabi.

At kung masagot niyo nang tama ang tanong ay pareho silang maliligtas.

Ngunit, kung hindi ay magpapalam na ang isa sa kanila. Malalaman niyo lang kung sino ang maaaring mabuhay sa kanila sa oras na matapos ang unang katanungan."

Pagkatapos magsalita ng misteryosong boses ay lumabas sa ilalim ng dalawang video ang unang katanungan.

Ang video na nasa kaliwa ay si Aga ang nilalaman. Nasa loob ito ng isang silid at wala itong malay. Habang ang nasa kanan ay si Rafael, nasa loob ito ng isang maliit na silid, gising si Rafael at pilit na naghahanap ng maaaring labasan.

"Hindi ko maintindihan ang tanong" Vice.

"Mayroon lamang kayong tatlumpung segundo upang sagutan ang aking katanungan. And your time starts now"

Sa pagkakataong iyon ay may lumabas na timer sa taas ng stage kung saan makikita kung ilang segundo na lamang ang natitira sa kanila.

"Shit! Anong sagot?" Jodi.

Halos lahat sa silid na iyon ay nagiisip sa kung ano ang posibleng sagot sa unang katanungan. Ngunit, tila masyadong komplikado ito.

I have no name
No face,
No trace.
But you will always remember.
I'll never be forgotten.

___ ___ ___ ___

"Anong ibig sabihin ng apat na guhit sa baba? 'Yan ba yung dapat na sagot?" Richard.

"Baka? Eh, ano yang apat na letra na yan?" Sharon.

"Labing limang segundo na lang, guys!" Vice.

Hindi makapagisip ng maayos si Lea dahil sa nangyayari, ngunit, sinusubukan niya rin sagutan ang tanong. Ilang beses niya nang inulit basahin iyon ngunit hindi niya talaga mawari ang sagot.

"Sampung segundo" Tine.

"Denise, Erika, Tine, Janine, Dawn, Lea. Diba kayo ang matatalino sa batch natin? Anong sagot?" Vice.

"I don't know, we're trying to solve it, too." Denise.

"Baka naman gusto niyong tumulong, Cheska!" Vice.

"Pasang awa nga kami noong high school tapos inaasahan mo pang masasagot namin yan?" Tracy.

"Pwede bang tumahimik kayo" Lea.

"Tatlong segundo na lang" Gabby.

Bumilis muli ang tibok ng puso ni Lea. Isa kay Aga at Rafael ang nanganganib ang buhay ngayon. Kanina pa siya nagdadasal na sana si Aga ang makaligtas. Selfish na kung selfish pero hindi niya kakayanin kung mawawala si Aga.

"Two.. One.. Zero" Ian.

Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang itinakdang oras para sagutan nila ang katanungan. At dahil wala silang kasagutan na naibigay ay may isang buhay ang mawawala.

"Sinabi ko naman sa inyo, ang blankong sagot ay katumbas ng kamatayan. Magpaalam na kayo sa isa sa kanila."

Nabalot ng katahimikan ang buong silid, naghihintay sa kung ano ang susunod na mangyayari.

Maya maya pa ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lea. Nawala ang isang video at isa na lamang ngayon ang natitira sa TV. May lumabas na kung ano mang usok sa silid kung saan naroroon ang susunod na biktima. Umiiyak si Lea habang pinapanood kung paano ito mahirapang huminga. Maya maya pa ay namatay na ang video at muling lumabas ang kanilang Class picture. Sa pagkakataong iyon ay dalawa na ang may pulang ekis sa muka, at iyon ay ang lalaking namatay kanina lang. 2/20.

Sino sa kanila?

_____

Hey guys! Comment down below your guess for the 1st question. 😉

Clue: It's in the story itself.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon