Class 13: No Escape

510 30 5
                                    

"So, anong sinasabi mo, Lea? Na si Ella ang nasa likod ng lahat ng ito?" pasigaw na tanong ni Tracy.

Halata na sa muka niya ang galit. Hindi niya na kaya ang lahat ng nangyayari sa kanila ngayon. Ang inakala niyang masayang reunion ay nauwi sa madugong tagpo. Kahapon ay dalawa na ang namatay sa kanila, at kanina lang ay sumunod ang isa sa kanyang kaibigan. Tapos ngayon ang lumalabas ay si Ella ang may gawa ng lahat ng ito? Ang taong matagal ng nakabaon sa lupa.

"Hindi ko ala, pero nakakasigurado ako na may kinalamaan kay Ella ang lahat ng 'to." Lea.

"Punyeta naman! Matagal nang inuuod sa lupa si Ella. At kung may kinalaman man 'to sa kanya, bakit tayo ang sinisingil niya? Wala naman tayong ginawa" Tracy.

"Wala nga ba, Tracy? Wala nga ba talaga kayong ginawa? O baka naman tama 'yong misteryosong boses kanina, na pinapaniwala niyo lang ang mga sarili niyo na wala kayong ginawa!" hindi na mapigilan ni Lea ang sarili kaya't napagtaasan na rin niya ito ng boses.

"So, anong pinapalabas mo ngayon, Lea? Na may kinalaman kami sa pagkamatay ni Ella?" Tracy.

"Meron nga ba, Tracy?" Lea

Tila natahimik si Tracy sa tanong na iyon ni Lea. Hindi siya kaagad nakasagot dito.

"Tara na, Arabelle, wala tayong mapapala dito." hindi sinagot ni Tracy ang tanong ni Lea. Bagkus ay niyaya nito si Arabelle na humiwalay na sa iba pang natira.

"Saan kayo pupunta?" Dawn

"Maghahanap nang sagot. At patutunayan ko sa inyo na walang kinalaman si Ella dito o ang nangyari sa kanya noon. Ginagamit lang siya ng kung sino mang poncio pilato para takutin tayo." Tracy.

Pagkatapos ay umalis na si Tracy sa gym kasama si Arabelle.

"Tracy, saan ba tayo pupunta?" Arabelle

"Hahanapin natin ang demonyong gumagawa nito." Tracy

"Hindi ba mas ligtas kung hindi tayo hihiwalay sa kanila." Arabelle

Huminto si Tracy sa paglalakad at hinarap si Arabelle na nakapagpahinto rin kay Arabelle.

"Sa tingin mo ba may kaibihan kung kasama natin sila o hindi? Pare parehas din tayong mamamatay. Kaya mas mabuti pang mahanap na natin ang gumagawa nito bago pa tayo ang sumunod. " Tracy

Muling nagpatuloy ng lakad si Tracy at nauna kay Arabelle.

"Tracy, sandali, hintayin mo ako" Arabelle.

Pumunta ang dalawa sa main building ng eskwelahan upang simulan ang paghahanap sa nagmamay-ari ng misteryosong boses. Naunang pumasok ng building si Tracy dahil nahuhuli sa paglakad si Arabelle.

"Tracy, ano ba? Hintayin mo sabi ako, eh." papasok pa lang siya ng biglang magsara ang glass door. Pilit itong binubuksan ni Arabelle ngunit ayaw talaga nitong bumukas.

"Tracy! Tracy!!!" kinakatok niya ang salaming pinto upang agawin ang atensyon ni Tracy.

Nang mapansin ni Tracy na walang nakasunod sa kanya ay agad siyang lumingon. Nakita niya si Arabelle sa labas na pilit binubuksan ang pinto. Papalapit pa lamang siya sa pinto nang mamatay ang ilaw sa buong building kung saan sila naroroon.

"Tracy! Tracy, buksan mo 'tong pinto!" Arabelle. Pilit niya paring kinakatok at binubuksan at salaming pinto. Wala na siyang makita sa loob dahil namatay ang mga ilaw.

Maya maya pa ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob.

"Tracy? Anong nangyayari diyan? Tracy!!" Arabelle. At dahil ayaw talagang bumukas ng pinto ay napagpasyahan niyang bumalik sa gym upang humingi ng tulong sa iba.

Samantala, hindi mapakali si Lea dahil sa pagalis nina Tracy at Arabelle. Nanganganib ang buhay ng mga ito dahil maaaring isa sa kanila ang susunod kay Cheska.

"Babes, saan ka pupunta?" Tanong ni Aga sa asawa ng mapansing naglalakad ito palayo sa kanila.

"Susundan ko sila Tracy, hindi sila pwedeng humiwalay sa atin. Lalo pa ngayon na patay na si Cheska!" Lea. Nilapitan ni Aga ang asawa at hinawakan ang dalawang balikat nito.

"Babes, wala na tayong magagawa. Ginusto nila ang humiwalay sa atin. Ngayon ang magagawa na lang natin ay maghintay sa mga susunod na mangyayari" Aga.

"What, Aga? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Gusto mong maupo na lang tayo dito at maghintay kung sino ang susunod na mamamatay sa'tin? Nasa panganib ang buhay nila ngayon babes, maaaring isa sa kanila ang susunod kay Cheska." Lea.

"Anong sabi mo, Lea? Maaaring isa kina Tracy at Arabelle ang susunod kay Cheska? Paano? Bakit?" tanong ni Denise na kanina pa nakikinig sa kanila.

"Tama ang narinig mo, Denise. Maaaring isa kina Tracy at Arabelle ang susunod na biktima. Ang pagkakasunod sunod ng biktima ay nakabase sa kung kailan natin natanggap ang email para sa reunion." Lea

"Unang nakatanggap ng email sina Raiver at Rafael, sumunod ay sina Cheska. At ngayong patay na si Cheska, maaaring isa na kina Arabelle at Tracy ang susunod" Aga.

Nagulat si Denise sa lahat nang narinig. Ngunit, naputol ang paguusap nila nang makitang humahangos si Arabelle habang papasok ng gym.

"Arabelle? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka humahangos? Nasaan si Tracy?" sunod sunod na tanong ni Erika sa kanya.

Biglang umiyak si Arabelle na siya namang kinabahala ng lahat.

"T-tulungan natin si Tracy. N-nandoon siya ngayon sa main building. A-ayaw bumukas ng pinto at namatay ang lahat ng ilaw. N-narinig ko na lang na sumigaw siya mula sa loob. P-please, tulungan natin si T-tracy" umiiyak na turan nito.

Agad naman nilang pinuntahan ang main building upang tulungan si Tracy.

__

"Sinong nandiyan?" tanong ni Tracy habang nangangapa sa dilim.

May kaunting liwanag namang pumapasok sa building na nagmumula sa liwanag ng buwan sa labas na tumatagos sa mga bintana. Binaybay ni Tracy ang hallway at naghahanap ng pwedeng gamiting ilaw. Nakakita siya ng flashlight sa isa sa mga silid doon. Agad niya itong binuksan at umakyat sa ikalawang palapag.

Habang naglalakad ay nakaramdam si Tracy ng presensya na para bang may kanina pang sumusunod sa kanya. Nagpatuloy lang siya habang binibilisan ang paglalakad. Hindi parin nawawala ang pakiramdam niya na may sumusunod sa kanya kaya agad niya itong nilingon at tinutukan ng flashlight, ngunit walang ibang naroroon.

"Sino yan? Sinong nandiyan?" turan ni Tracy habang nililibot ang flashlight sa ikalawang palapag.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad sa hallway nang maramdamang muli ang presensya na sumusunod sa kanya.

"Akala mo ba'y makakaalis ka pa sa lugar na ito?"

Napahinto si Tracy nang marinig ang boses na iyon. Tila ba naistatwa siya sa kinaroroonan niya. Hindi na kalat ang boses nito at tila ba naroroon din mismo ang nagmamay-ari ng boses na iyon at kasama niya. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad ngunit mas mabilis.

"Sige pa, Tracy! Bilisan mo pa ang paglalakad!"

Agad na tumakbo si Tracy sa ikatlong palapag nang muling marinig ang boses na ito ng mas malapitan.

"Tumakbo ka lang, Tracy, pero sisiguraduhin ko sa pagkakataong ito na hindi ka na makakatakas!"

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon