Class 14: Confession

499 34 14
                                    

Nang makarating sa main building ay nadatnan nila Aga na bukas na ang glass door nito.

"Akala ko ba sarado? Pinagloloko mo ba kami, Arabelle?"  turan ni Vice.

"Nakasara talaga 'yan kanina. Hindi ko nga 'yan mabuksan kahit anong gawin ko, eh." Arabelle.

Pumasok sila at agad na hinanap si Tracy sa buong building. Nang makarating sa ikatlong palapag ay nakita nila ang sapatos na suot ni Tracy sa isa sa cubicle ng CR.

"Kay Tracy ang sapatos na ito" Arabelle.

"Bilisan niyo ang pagahahanap, baka nandito pa siya" Aga.

"Tracy!!"

"Tracy!!"

Hinanap nila ito sa lahat ng palapag ng building ngunit hindi na nila ito nakita.

__

"Hayop ka! Saan mo ko dadalhin?" sigaw ni Tracy.

"Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo! Kanina pa ako naririndi sa ingay mo!"

"Demonyo ka! Kapag ako nakawala rito! Papatayin kita!" Tracy.

Ngumisi lamang ang nagmamay-ari ng misteryosong boses kahit alam niyang hindi siya nito makikita. Nakapiring at nakagapos ang kamay at paa ni Tracy. Hinihila siya nito papunta sa hindi niya malamang lugar.

Natigilan lamang siya sa kakasigaw nang huminto sila. Nagulat siya nang buhatin siya nito at ilagay sa hindi niya malamang bagay. Napakaliit nito at napakasikip sa loob.

"Ilabas mo ako dito! Hayop ka! Pagbabayaran mo ang lahat nang ginagawa mo sa'min ngayon!!" sigaw ni Tracy habang pilit na kumakawala sa loob ng bagay na iyon.

"Tsk. Hindi ba't sinabi ko nang kayo ang unang magbabayad sa ginawa niyo?"

"Nababaliw ka na talaga! Wala akong alam diyan sa sinasabi mo" Tracy.

"Pwes, ipapaalala ko sa'yo, kapag nagkita na tayo sa impyerno"

"Hayop ka talaga!! Napakasama mo!!" Tracy

"Ako? Masama? Wala pa 'to sa kalingkingan ng kasamaan niyo, Tracy. Dapat lang 'to sa inyo. Pagbabayaran niyo na ang ginawa niyo sa nakaraan"

"Ahhhh!! Tulong!! Tulungan niyo ako!!" Tracy.

"Kahit anong sigaw pa ang gawin mo diyan, wala ring silibi. Walang makakarinig sayo rito. Pero para naman hindi ka malungkot, bibigyan kita ng kasama. Susunduin ko lang siya."

'Yon lamang ang mga huling katagang narinig ni Tracy bago mawala ang misteryosong boses.

__

"Si Tracy na ba ang kasunod?" kinakabahang tanong ni Arabelle. Bakas na ang takot sa kanya dahil nanginginig na ang mga kamay niya.

"Hindi, Arabelle. Hahanapin natin si Tracy. Wala na ulit mamamatay sa'tin." turan ni Lea upang kalmahin ito.

"Pero 'yan na rin ang sinabi niyo nang mawala si Cheska!" Arabelle.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon