Class 7: Who's next?

583 32 7
                                    

Kanina pa pabalik balik ng lakad si Lea, hindi siya mapakali dahil nagaalala siya sa asawa. Nababahala siya sa mga huling sinabi nito bago ito umalis para sundan si Rafael, tila ba nagpapaalam na ito sa kanya.

"Pwede ba, Lea, kumalma ka nga. Ako ang nahihilo sa ginagawa mo, eh" Dawn.

Umupo si Lea sa tabi ni Dawn at inihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. Hindi niya maiwasang maiyak sa pwedeng mangyari sa kanila at sa asawa.

"Hey, Lei, 'di ba nangako naman si Aga sa'yo na babalik siya ng buhay." sabi ni Dawn habang hinahagod ang likod nito.

"I don't know. Hindi ko maiwasang magisip ng kung anong pwedeng mangyari habang wala sila" umiiyak na turan ni Lea.

"Ano ka ba, Lea, magiging okay 'yon sila Aga. Kasama naman niya si Richard kaya wala ka dapat ikabahala." Dawn

Tumango lang si Lea bilang sagot sa kaibigan. Ngunit, hindi pa rin maialis sa kanya ang pagaalala.

Samantala, hinahanap naman ni Richard at ni Aga kung saang banyo nagpunta si Rafael. Wala kasi ito sa pinakamalapit na banyo kung saan siya lumabas.

"Sige, Richard, doon ka na sa kabila maghanap at ako na dito" Aga.

Pagkatapos ay magkahiwalay na hinanap ni Aga at Richard si Rafael.

Habang naghahanap si Aga malapit sa exit ng Gym ay may nakita siyang pigura ng isang babae. Lumapit dito ng bigla itong tumakbo at lumiko sa isang hallway sa building kung nasaan ang gym. Habang hinahabol ni Aga ang babae ay biglang namatay ang mga ilaw. Agad na hinanap ni Aga ang cellphone sa kanyang bulsa at binuksan ang flashlight nito. Nang mabuksan ang flashlight ay agad niya itong nilibot sa paligid upang makasiguradong ligtas ito. Habang nililibot ang flashlight ay muling nakita ni Aga ang babae na patungo sa labasan ng gym, tumakbo siya upang sundan ito.

Sa kabilang banda ay bukas na rin ang flashlight ng cellphone ni Richard. Patuloy pa rin siya sa paghahanap kay Rafael nang may marinig siyang sumigaw na boses ng lalaki.

"Rafael? Aga?" Richard.

Agad siyang tumakbo kung saan nanggagaling ang boses habang tinatawag si Aga at Rafael.

____

Muling bumukas ang mga ilaw sa loob ng gymnasium, ilang minuto rin itong nawala. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sina Lea sa pagbabalik nila Aga. Ilang minuto na ang nakakalipas simula nang umalis ang mga ito, ngunit, hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

"Nasaan na ba sila?" nagaalalang tanong ni Lea.

"Baka pabalik na rin ang mga iyon." Vice

"Bakit ang tagal nila?" tumayo na si Lea sa kinauupuan na ikinagulat ng kanyang mga kaibigan.

"Saan ka pupunta, Lea?" tanong ni Agot

"Susundan ko na sila. Hindi ko na kayang maupo lang rito" Lea. Akmang aalis na siya nang makita nilang tumatakbo pabalik si Richard.

Hingal ito nang makarating sa kinaroroonan nila. Tiningnan ni Lea kung nakasunod ba si Aga sa likod nito ngunit wala.

"Babe, anong nangyari?" tanong ni Dawn sa asawa. Sasagot na sana ito nang magtanong sa kanya si Lea.

"Nasaan si Aga, Richard? Si Rafael? Bakit ikaw lang ang bumalik?" kinakabahang tanong ni Lea.

Hinarap ni Richard si Lea bago sagutin ang tanong nito.

"Noong lumabas kami para sundan si Rafael, pumunta kami sa pinakamalapit na CR sa gym pero wala siya doon. Kaya nagpasya kami ni Aga na maghiwalay para mabilis namin siyang mahanap. Kaso habang naghahanap ako ay biglang namatay ang mga ilaw, nagpatuloy ako sa paghahanap kay Rafael nang may narinig akong sigaw ng lalaki. Hindi ko alam kung boses ba ni Rafael 'yon o ni Aga." mahabang pagpapaliwanag ni Richard. Ngunit, hindi pa rin nito nasasagot ang tanong ni Lea.

"I don't need your story, Richard. Ang tinatanong ko sa'yo ay kung nasaan si Aga? Bakit hindi mo siya ksamang bumalik?" Lea.

"Hindi ko alam, Lea. Noong sinundan ko 'yong boses kung saan nanggaling 'yong sigaw ay wala akong nakita. Napagpasyahan kong puntahan na lang si Aga kung saan siya naghahanap para sana bumalik na kami rito, pero maging siya ay 'di ko na rin nakita" Richard.

Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Lea. Bumagsak ang balikat at mga luha niya nang marinig ang sinabi ni Richard.

"Lea, saan ka pupunta?" tanong ni Richard nang makitang palabas ito ng gym.

"Hahanapin ko si Aga." turan ni Lea at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Agad naman siyang pinigilan nila Dawn.

"Kumalma ka nga, Lea. Sa tingin mo ba magugustuhan ni Aga kapag nalaman niyang lumabas ka rito at humiwalay ka sa amin?" Sharon.

"At sa tingin niyo rin ba matatahimik ako rito habang nawawala ang asawa ko? May namatay na sa'tin, hindi ko kakayanin kung si Aga na ang susunod kay Raiver!" umiiyak na sabi ni Lea. Agad naman siyang niyakap ni Dawn.

"Walang mangyayaring masama kay Aga. Nangako siya sa'yo na babalik siya rito ng buhay, at alam kong tutuparin 'yon ni Aga." Dawn. Patuloy lang sa pagiyak si Lea sa balikat ni Dawn.

Natigilan silang lahat ng muling tumugtog ang nakakakilabot na musika. Bumukas ang malaking TV at lumabas ang Class picture nila noon. May pulang ekis nang nakalagay sa muka ni Raiver, sa ilalim namang ng litrato ay nakalagay ang 1/20.

Mas lalo silang kinabahan sa sumunod na lumabas sa malaking TV.

"WHO'S NEXT?"

__________________

This chapter is dedicated to wickedxxyyzz Thank you for the support. 😉💕

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon