Class 18: Listen Carefully

460 29 19
                                    

"Did you find anything?" Lea.

"Wala, eh. These are all normal student profiles." Agot.

"How about you, Sharon and Vice?" Lea.

"Wala din, teh! Puro class records lang din nandito. Nothing unusual." Vice.

"Sige, pupuntahan ko lang sina Jodi" Lea.

Agad na pinuntahan ni Lea ang kinaroroonan nila Jodi. Malaki ang stock room ng registrar dahil doon nakalagay lahat ng records ng paaralan sa mga naging estudyante nito. Dahil sa masyadong marami ang naroroon, naghiwa-hiwalay sila sa paghahanap. Si Agot, Lea at Dawn ang naka-assign na maghanap sa student profiles from year 1990 hanggang sa magsara ang school. Si Sharon, Vice at Gabby sa mga class records, at sina Jodi at Ian naman sa mga old student profiles.

"Jodi, Ian. May nahanap na kayo?" agad na tanong ni Lea nang makalapit sa kinaroroonan nila.

"Wala, eh. Most of the student profiles ay malabo na ang mga sulat at 'yong iba hindi na rin halos mabasa." Jodi.

"Hindi naalagaan ng maayos ang mga papers na nandito." Ian.

"Ganun ba?" Lea.

"Pero nakita namin 'yong mga student profiles natin." Jodi. "Here, eto 'yong papers ng 4A-Peter" iniabot naman ni Jodi ang isang folder kay Lea.

"Susubukan pa rin namin maghanap ng pwedeng makatulong sa atin." Ian.

Umalis sina Ian at iniwan si Lea. Agad naman niyang binuklat ang folder na binigay sa kanya ni Jodi. Wala namang masyadong kakaiba sa mga ito bukod sa ito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanila. Hanggang sa nakarating siya sa papel ni Ella. Kahit na naging matalik na magkaibigan sila noon ay may ilang bagay pa rin siyang hindi nalalaman tungkol dito. Habang binabasa ang impormasyon tungkol kay Ella ay tila nagtaka si Lea, hinanap at kinuha niya ang isang papel atsaka inilapag katabi ng papel ni Ella. Bakit tila may kakaiba sa dalawang papel na ito?

Agad siyang natigilan nang muli niyang marinig ang nakakakilabot na musika.

"Lea?" Jodi.

"Narinig niyo rin?" tanong ni Lea nang lapitan siya ng dalawa.

"Oo, narinig namin. Mukang may hindi na naman magandang mangyayari." Ian.

"Halika na. Puntahan na natin ang iba" Lea. Pagkatapos ay agad na silang nagtungo kung nasaan ang iba pa nilang kasama.

__

"Ano, pare?" Richard.

"Masyadong mataas ang mga pader. Mahihirapan ang kung sino man na umakyat at tumawid papunta sa kabila." Albert.

"Wala rin akong nakitang madali at mabilis na labasan bukod sa main gate ng campus" Richard.

"Subukan natin maghanap malapit sa gym. 'Yon naman ang sabi ni Aga, 'di ba?" Albert.

Agad na nagtungo ang dalawa malapit sa gym. Nilibot nila ang buong paligid nito upang maghanap ng pwedeng lagusan o butas palabas ng campus. Habang naghahanap ay nakarinig ng tunog ang dalawa at familiar ito sa kanila.

"Narinig mo 'yon, pare?" Albert.

"Oo. Hindi kaya mayroon nang susunod na biktima?" Richard.

"Hindi ko alam. Ang mabuti pa ay puntahan na lang natin ang iba sa stock room" Albert.

__

Habang pabalik sa gym sina Lea ay nakasalubong nila si Aga.

"Babes!" Lea.

"I assume narinig niyo na rin 'yong narinig ko kanina" Aga.

"Yes, Aga. Narinig namin kaya pabalik na kami sa gym para tingnan kung anong nangyayari." Dawn.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon