Class 22: Behind the Voice

526 34 38
                                    

Papunta sina Gabby, Ian, Jodi, Sharon at Lea sa main building upang maghanap ng mga pwede nilang gamitin. Wala sa sarili si Lea na sumusunod sa mga kasama dahil iniisip niya pa rin hanggang ngayon ang dalawang papel na nakita sa stock room ng registrar. Hindi siya mapalagay dahil alam niyang may kakaiba rito. Posible kaya?

"Sandali lang, guys!" Lea. Huminto naman ang mga kasama at hinarap siya.

"Bakit, Lea? May problema ba?" tanong ni Ian dahil pansin niya ang ekspresyon ng muka nito.

"Mauna na kayong pumunta sa unang stock room." Lea

"Bakit? saan ka pupunta?" tanong ni Jodi.

"Babalik ako sa stock room ng registrar. May gusto lang akong kumpirmahin." Lea

"Sasamahan ka na namin." Sharon.

"Hindi na kailangan. Saglit lang naman ako." Lea

"Pero magagalit samin si Aga kapag nalaman niyang humiwalay ka sa'min." Gabby

"Oo nga, delikado, Lea" Sharon.

"Kaya ko ang sarili ko. Sige na, mauna na kayo." Lea.

Wala nang nagawa pa ang mga kasama niya kundi ang sumangayon sa kanya. Pagkaalis ng mga kasama ay agad na nagtungo si Lea sa stock room ng registrar. Binalikan niya ang mga papel na inabot sa kanya ni Jodi at Ian noon. Pinagtabi niya ang dalawang papel upang ikumpara ito. Hindi ko maintindihan? Bakit?

Sumunod niyang hinanap ay ang mga records ng mga gurong nagturo sa eskwelahan. May nais lamang siyang makita. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang record nito.

Iniwan ito panandalian ni Lea atsaka nagtungo sa drawers kung saan naroroon ang mga naging year book ng bawat batch. May gusto siyang siguraduhin. Hinanap niya ang year book mula 2000 hanggang sa pinakahuling year ng ekwelahan. Nang makita ang mga ito ay agad niya itong dinala sa kung nasaan ang mga papel at inilapag katabi nito. Binuklat niya isa isa ang mga yearbook at hinanap kung saan naroroon ang mga nagpakamatay na estudyante sa loob ng eskwelahan. Nang matapos buklatin lahat ng yearbook ay tila nagliwanag ang muka ni Lea. Ngayon ay naiintindihan niya na. Alam niya na kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

___

Nang makalabas sa basement ng stage ay agad na hinanap ni Aga ang mga kasama. May naisip na siyang plano kung paano makakaalis sa impyernong lugar na iyon na hindi sila namamatay. Paglabas ng gym ay una niyang nakita ang grupo nila Richard.

"Kumusta ang paghahanap, pare?" tanong nito nang makalapit siya rito.

"Wala talaga kaming makita, Aga. Bukod sa mataas na ang bakod ay mas pinataas pa ito ng mga kawad." Albert.

"Ibig sabihin ay main gate lang talaga ang pwedeng labasan." Aga.

Talagang planadong planado niya ang munting laro na ito. Sinigurado niya na walang ibang labasan na pwedeng mahanap bukod sa main gate ng eskwelahan. Sa ganoong paraan ay mababantayan niya kung sino man ang magtangkang lumabas ng campus.

"Ganoon na nga. 'Yon lang ang pwede nating labasan mula dito sa loob." Richard.

"Hindi na bale. May naisip na akong paraan kung paano tayo makakaalis dito ng walang namamatay sa atin." Aga.

"Paano?" Dawn.

Agad na sinabi ni Aga ang plano sa kanila at sumangayon naman ang mga ito. Malaki ang tiwala nilang lahat kay Aga kaya't kahit ano pa ang sabihin nito na dapat nilang gawin ay gagawin nila. Pagkatapos ay bumalik na ang grupo nila Richard sa gym. Sumunod na hinanap ni Aga ang grupo nila Albert. Nasabi ng mga ito na sa main building sila unang maghahanap kaya't agad siyang nagtungo roon.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon