Class 16: Few More Left

539 30 16
                                    

"Arrrghhh!" malakas na sigaw ni Lea at inihilamos ang dalawang kamay sa kanyang muka.

"Hey, babes. Hush, tahan na." pagaalo ni Aga sa asawa at niyakap ito.

"I can't take this anymore, babes. This is too much already. Lima na ang namamatay sa'tin. Hindi ko kakayin kapag may mamamatay pang iba." sambit ni Lea kaya't hinigpitan pa ni Aga ang pagyakap sa asawa.

"Matatapos din lahat ng 'to babes. I promise that we'll get through this. Ipinapangako ko sa'yo na lalabas ka rito ng buhay, I'll do everything just to keep you safe." Aga

"No, babes. Lalabas tayo pareho ng buhay. Sabay tayong aalis sa impyernong lugar na 'to kasama ang iba pa." Lea.

Natigilan sila nang muling magsalita ang misteryosong boses. Kumanta pa ito na tila nangaasar.

"And now the end is near...

Are you ready to face the final curtain?"

"Anong ibig mong sabihin?" Aga.

"Nauubusan na kayo ng oras. You still have no idea kung sino ako. When in fact, lahat ng katotohanan ay nasa harapan niyo lang."

Tila napaisip naman silang lahat sa sinabi nito? Anong katotohanan?

"Hinihintay lang na makita niyo"

Dugtong pa nito.

"At bilang reward sa inyong mga natira. Mayroon akong munting regalo na naghihintay sa cafeteria. Maaari niyo na itong kunin"

Pagkatapos itong sabihin ng misteryosong boses ay dali dali silang pumunta roon. Alam na nila kung ano ang sinasabi nito— pagkain. Hindi sila nito papatayin sa gutom dahil kapag nangyari 'yon ay mawawalan ng saysay ang munting laro nito. Habang lahat sila ay papunta sa cafeteria, nagpaalam si Aga sa asawa na may pupuntahan lang ito upang maghanap ng mga gamit na maaari nilang gamitin. Noong una'y ayaw pumayag ni Lea dahil magisa lang itong aalis, ngunit, wala rin siyang nagawa dahil nagpumilit ang asawa.

Pagbalik sa gym ay may dala dala na silang mga pagkain. Nagaalala naman si Lea dahil hindi na nakasunod si Aga sa kanila sa cafeteria at mas nauna pa silang makabalik sa gym kesa dito.

"Lea, nasaan si Aga?" Richard.

"Hindi ko alam. Nagpaalam siya sa'kin kanina na may pupuntahan lang siya para kumuha ng mga gamit na pwede nating gamitin" Lea.

"Umalis siya magisa?" Dawn.

"Oo. Nagpumilit, eh" Lea.

Maya maya pa ay nakita na nila si Aga na papasok ng gym na may dala dalang mga flashlights at mga folder.

"Saan ka galing, babes? At ano 'tong mga dala mo?" Lea.

"Pumunta ako sa stock room para humanap ng mga pwede nating magamit. Nakita ko 'tong mga flashlights. Pwede nating gamitin 'yan kapag nawalan ulit ng ilaw." Aga. Binigay naman niya isa isa ang mga flashlight sa mga kasama.

"Ano naman 'yang mga folders na dala mo?" Ian.

"Bumalik ako sa opisina ni Mrs. Monreal para humanap ng pwedeng makatulong sa atin sa nangyayari. Nakita ko 'tong mga folders na ito sa isa sa mga drawers sa lamesa niya." Aga.

Inilapag ni Aga ang mga folders. Pumorma sila ng bilog at umupo sa sahig. Isa isang binuklat ni Aga ang laman ng folders at pinagtabi tabi ang mga ito.

"Sila 'yong mga estudyanteng nagpakamatay sa loob ng school. Simula 2000 hanggang 2013." Aga.

Tiningnan nila ang mga folders at ang litrato ng mga estudyante. Halos lahat sila ay babae. Nagpatuloy lang sila sa pakikinig sa eksplanasyon ni Aga.

"Year 2000. The girl named Sophia committed suicide inside the campus. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay. Ang sabi ng kanyang mga kaanak at malalapit na kaibigan ay masayahing tao si Sophia at hindi nila ito nakitaan ng kung ano mang pahiwatig na magpapakamatay ito" turan ni Aga habang hawak ang isang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa biktima. Inilapag niya ito at kinuha ang sumunod na folder.

"Sa sumunod na taon at kaparehong araw. Isang estudyante ulit ang nagpakamatay sa parehong lugar. Katulad ng sa nauna ay hindi rin malinaw kung bakit ito nagpakamatay." Aga. Muling inilapag ni Aga ang hawak niyang folder at tiningnan isa isa ang mga kasama na nakatingin at nakikinig sa kanya.

"Lahat ng mga estudyanteng nagpakamatay ay hindi malinaw ang naging dahilan. Lahat sila ay puro babae" Aga.

"Anong ibig sabihin nito? Babae ang target ng pumapatay? At posible kayang 'yong misteryosong boses din ang may gawa nito?" Denise.

"Hindi, Denise. Kasi kung may kinalaman ang misteryosong boses sa pagkamatay nila, bakit pinatay niya si Raiver at Rafael? Eh, mga lalaki sila?" Vice.

"Tama ka, Vice" Aga. Muli silang napatingin kay Aga. "Dahil hindi naman talaga babae ang target niya. Lahat ng biktima ay may pagkakapareha"

"At ano naman 'yon, babes?" Lea

"All of them are supposed to be the batch valedictorian. Lahat sila ay candidate for topnotcher katulad ni Ella." Aga. "Ang pinagkaiba lang. Walang naging issue ang mga estudyanteng ito. Namatay lang talaga sila"

"So, ibig sabihin, lahat talaga ng ito at ng mga nangyayari ay may koneksyon kay Ella at sa mga nangyari sa kanya" Agot.

"Tama ka, Agot. Malakas ang kutob ko na may hindi tayo alam sa mga nangyari 31 years ago. At 'yon ang sinasabing katotohanan ng misteryosong boses." Aga.

"Pero paano natin malalaman ang mga nangyari noon?" Gabby.

"Ang sabi sa rules, matatapos lamang ang laro kapag nakumpleto ang sagot. Ibig sabihin, wala tayong ibang magagawa kundi tapusin ito at sagutan ng tama at nasa oras ang mga palaisipan upang wala nang mamatay sa atin." Aga.

"Kailangan natin paghandaan ang mga susunod niyang palaisipan at nakakasiguro ako na may kinalaman ulit yun kay Ella." Denise.

"Uhm.. guys, may nakakita ba sa inyo ng cellphone ko?" tanong ni Jodi na kanina pa may hinahanap sa bag niya.

Tila naalarma naman ang iba kaya't dali dali nilang tiningnan kung nawawala din ang cellphone nila.

"Wala din 'yong sa akin."

"Yung sa akin din"

"Saan naman mapupunta 'yon?"

"Mukang may hinahanap kayo, ah?"

"Sinasabi ko na nga ba, eh, ikaw ang kumuha sa mga cellphone namin." Erika.

"Magaling, Erika. Hiniram ko lang naman saglit, baka kasi nagaalala na 'yong mga pamilya niyo. Kaya sinabihan ko lang sila na extended 'yong reunion para hindi na sila magalala sa inyo."

"Bwisit ka talagang demonyo ka!" Denise.

"Wala rin namang silbi ang mga cellphone niyo sa ganitong mga pagkakataon. Dapat ang iniintindi niyo ay kung paano kayo makakaligtas. Dahil malapit na ang pagtatapos

There are only a few of you left.

Now let us see..

Who else is going to die?

And...

Who's going to survive?"

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon