Class 4: Haunted Memories

765 36 0
                                    

"Lea, bilisan mo, mahuhuli na tayo niyan sa klase"

"Oo, teka lang." Lea

"Ano ba kasi yang ginagawa mo? Bakit ba ang tagal mo?"

"Sandali lang, Ella. Hinahanap ko kasi yung project natin kay Ms. Cruz, hindi ko makita. Kapag hindi ako nakapagpasa n'on, babagsak ako" mangiyak ngiyak na turan ni Lea.

"Saan mo ba kasi nilagay?" Ella. Nilapitan nya ang kaibigan at tinulungan itong maghanap.

"Dito ko lang 'yon nilagay sa lamesa ko, eh, para madaling makita." Lea

"Eh, bakit wala dito?" Ella

"Hindi ko alam." Lea. Tumulo na ang kanina pa pinipigilan ni Lea na mga luha. Napaupo na lamang sya sa kanyang kama at doon umiyak.

Nang makita ni Ella ang kaibigan na umiiyak ay nilapitan nya ito. Umupo siya sa tabi nito at hinagod ang likod.

"Sige na, Ella, pumasok ka na. Sa oras na lang ako ni Ms. Cruz papasok. Uulitin ko na lang ulit yung project." Lea

"Sa oras na lang din ako ni Ms. Cruz papasok." Ella

"Ha?" nagtatakang tiningnan ni Lea ang kaibigan habang may mga bakas pa rin ng luha sa kanyang muka.

"Ang sabi ko, tutulungan na lang kita gawin yung project mo, okay ba 'yon?" nakangiting sabi sa kanya ni Ella.

"Talaga? 'Di ba ayaw mo ng lumiliban sa klase, baka makaapekto 'yon sa grades mo." Lea

"Oo, pero hindi ko naman kaya na iwan ka lang dito. At isa pa, ikaw lang naman ang kalaban ko sa klase, kaya okay lang din kasi parehas naman tayong absent." nakangiting turan ni Ella sabay kindat kay Lea na naging sanhi ng tawanan nila.

_

"Hindi ba't sinabi na namin sa'yo ng Daddy mo na layuan mo na ang batang 'yon. Walang siyang magandang maidudulot sa'yo, Lea" pasigaw at galit na sabi ng ina ni Lea.

"Mommy, kaibigan ko si Ella. Wala naman syang ginagawang masama sakin, eh!" Lea

"Talaga, Lea? Hindi mo pa ba nakikita? Ginagamit ka lang niya. Gamitin mo nga yang utak mo. Bakit sa tingin mo hindi mo sya matalo talo? Bakit sya lagi ang nangunguna sa klase, at ikaw, lagi ka lang pumapangalawa sa kanya? Kasi ginagamit ka lang niya, sinasamantala nya ang kabaitan mo at ang katalinuhan mo" turan ng ina ni Lea.

Nanatiling tikom ang bibig ni Lea dahil alam niyang hindi totoo ang lahat ng sinabi ng kanyang ina. Hindi siya ginagamit ni Ella at mas lalong hindi siya sinasamantala nito.

"Ito na ang huling beses na pagsasabihan kita, Lea. Dahil sa susunod na marinig ko na sumasama ka parin sa Ella na 'yan, hindi ako magdadalawang isip na kausapin ang sponsor niya para tanggalin ang scholarship nya hanggang high school." Dugtong na sabi pa nito.

Pagalis ng kanyang ina ay tumulo na ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi niya kayang layuan si Ella. Isa ito sa mga taong malaki ang naitulong sa kanya at ang nagiisa niyang kaibigan.

__

"Lea, sandali lang hintayin mo ako" Ella.

Ngunit patuloy parin sa paglalakad nang mabilis si Lea habang hinahabol siya ni Ella.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon