Class 17: Hide and Seek

477 30 5
                                    

"This is going crazy. Ayaw ko pang mamatay. Makakasama ko pa lang ulit ang pamilya ko" Denise.

"Eh, sino bang gustong mamatay sa'tin dito? Pare parehas lang naman natin gustong mabuhay!" Vice

Oo nga naman. Sino nga naman ang gustong mamatay o magboluntaryo na mamatay? Iisa lang naman ang hangad nilang lahat. Ang mabuhay.

"So, anong plano natin?" Erika.

Tiningnan niya ang lahat ng kasama. At tila wala ni isa sa kanila ang gustong sumagot sa tanong niya. Bakas sa kanya kanya nilang muka ang takot at pagod sa lahat ng nangyari.

"Wala tayong plano?" medyo pasigaw na turan ni Erika.

"Eh, ikaw ba may naiisip kang plano?" tanong pabalik sa kanya ni Agot. Ngunit hindi rin siya nakasagot.

"Oh, 'di ba! Kahit ikaw walang maisip na pwedeng gawin. Kaya pwede, manahimik ka na lang!" Agot.

"Bullsh*t! Wala ng patutunguhan ang lahat ng 'to!" Erika. Naglakad siya palayo sa mga kasama.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Denise.

"Magtatago? Tatakas? Magiisip ng plano? Hindi ko alam!" Erika at nagpatuloy na ito sa paglalakad

"Hindi ka pwedeng humiwalay, Erika!" Tine. Muling napatigil si Erika at hinarap si Tine.

"At bakit? May kasiguraduhan ba na mabubuhay ako kapag hindi ako humiwalay sa inyo? sa kanila?" Erika. Sabay turo kina Aga. "Tine, wake up! Kahit ano pang gawin natin mamamatay at mamamatay pa rin tayo!" pagkatapos magsalita ay nagpatuloy na ito sa paglalakad palabas ng gym.

"Sandali, Erika, sasama ako!" turan ni Denise.

"Kami rin, sasama rin kami ni Janine" Tine.

Umalis ang apat habang naiwan ang grupo nila Aga sa gym.

"Are we going to die here?" mahinang tanong ni Jodi pero sapat na para marinig ng kanyang mga kasama.

"No, walang mamamatay sa'tin. Maghahanap tayo ng paraan para makaalis dito." Lea.

"Pero paano? Hindi tayo pwede lumabas ng campus. Wala tayong cellphone. Wala tayong mahihingian ng tulong!" Jodi.

"We need to trust each other. Tayo na lang ang meron ang isa't isa. Magtiwala tayo na makakaalis tayo lahat dito ng buhay." Aga.

"Do you have a plan, Aga?" Agot.

Napatingin lahat ng kasama niya sa kanya. Naghihintay ng kanyang sagot.

"Lahat ng babae, pumunta kayo sa stock room ng registrar, alam kong doon nakatago lahat ng files ng mga naging estudyante ng school. Find any clue na pwedeng makatulong sa'tin. Sasamahan kayo ni Vice, Gabby at Ian. " turan ni Aga. Pagkatapos ay bumaling ang atensyon niya kay Richard at Albert. "Richard, Albert. I want you to find any possible exit sa school, but don't go outside. 'Yong pinakamalapit na labasan sana sa gym." Aga. Tumango ang lahat sa kanya senyales na sumasangayon ang mga ito sa sinabi niya.

"Ikaw, pare? Anong gagawin mo?" tanong ni Richard.

"May babalikan lang ako. Pupunta ako sa main building para maghanap ng pwedeng makatulong sa atin." Aga.

"Ikaw lang magisa, babes?" pagaalalang tanong ni Lea

"Don't worry, babes, kaya ko ang sarili ko." Aga. "Pagkatapos ay magkita ulit tayo dito sa gym. Pagusapan natin ang mga susunod nating plano."

Naghahanda na sila para sa kanilang unang plano. Ngunit, hindi pa rin maalis ang pangamba ni Lea dahil magisa lang si Aga sa gagawin niya.

"I'll be alright, babes. 'Wag ka nang magalala" Aga.

Napabuntong hininga na lang si Lea dahil wala rin naman siyang magagawa dahil ito na ang desisyon ng kanyang asawa. Niyakap na lang niya ito nang mahigpit.

"Please, be safe!" bulong niya rito.

"You, too!" Aga.

Pagkatapos ay lumabas na silang lahat sa gym at pumunta na sa kanya kanya nilang destinasyon.

Samantala, hindi naman malaman nila Denise kung ano ba talaga ang planong gawin ni Erika. Kanina pa sila paikot ikot sa buong campus at pagod na sila kakalakad.

"Pwede bang maupo muna tayo. Kanina pa tayo palakad lakad dito sa campus. Masakit na 'yong paa ko" reklamo ni Denise.

Tumigil naman ang kanyang mga kasama at naupo sa bench malapit sa oval ng school. Inilibot ni Denise ang kanyang mga mata sa oval nang may mahagip itong pigura ng tao malapit sa PE building na naging dahilan ng kanyang biglaang pagtayo.

"Anong problema, Denise?" tanong ni Tine.

"M-may nakita akong tao malapit sa PE building" Denise.

Tumingin naman ang mga kasama niya roon ngunit wala silang nakita.

"Wala naman, Denise. Baka sila Aga lang 'yon" turan ni Janine.

"Imposible. Iniwan natin sila Aga sa gym at malayo ang gym dito." Denise.

Nagulat sila nang biglang tumakbo si Erika patungo sa gusaling pinaguusapan nila.

"Erika, sandali, saan ka pupunta?" Janine.

Ngunit, hindi sila pinansin nito kaya't sinundan na lamang nila ito.

Pagkapasok nilang lahat sa gusali ay agad na sumara ang pinyo maging ang mga salaming bintana. Nagpatay sindi rin ang mga ilaw na kanilang ikinatakot.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo."

Nagulat silang lahat nang marinig ang misteryosong boses na tila nageecho sa buong gusali.

"Sino ang susunod na taya?"

"Sino ka? Magpakita ka sa'min!" sigaw ni Erika. Patuloy pa rin sa pagpatay sindi ang mga ilaw.

"Sigurado ka bang gusto mo akong makita?"

"Hayop ka!!" Erika.

"Ang mahuhuli ko ay sisingilin ko. Isa!"

Tila nataranta naman silang apat sa pagsigaw nito.

"Dalawa!"

Kumaripas silang lahat ng takbo at nagkanya kanyang maghanap ng tataguan.

"Tatlo!"

Takbo sila nang takbo at naghahanap ng silid na pwedeng taguan. Nanginginig ang mga tuhod nila habang patuloy pa rin sa pagbibilang ang misteryosong boses.

"Pito!"

Nang makahanap ng tataguan ay tinakpan nila ang kanilang bibig upang hindi marinig ang kanilang mga hikbi.

"Walo!"

Hiwa-hiwalay silang lahat at may kanya kanyang pwesto sa buong building. Lahat sila ay pinagpapawisan at kinakabahan. Nagdarasal na sana'y hindi sila mahanap.

"Sigurado na ba kayo sa mga tinataguan niyo? Siyam!"

Sobrang bilis nang kabog ng kanilang dibdib. Mali ba ang desisyon nilang humiwalay sa mga kasama? Wala na silang iba pang nagawa kundi ang pumikit at maghintay sa mangyayari.

"Sampu!"

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon