Class 11: Lea's Secret

582 34 13
                                    

"Paano kung hindi pa patay si Ella? What if she's really alive?" Aga

"No. That can't be. Patay na si Ella! I saw it with my two eyes" Lea

Nagulat naman si Dawn at Aga sa sinabi ni Lea. Papaanong nakita niyang patay si Ella?

"What are you saying, babes?" Aga.

Tumingin si Lea kay Dawn at Aga. Bakas ang kaba at takot sa mga mata niya. Ayaw niya nang muling maalala ang mga nangyari noon. Pilit niyang kinakalimutan ang kung ano mang naganap ng araw na 'yon.

"Mrs. Monreal asked me to shut my mouth about this. She told me to stay away from this case. Wala akong sinabihan, nanatiling tikom ang bibig ko sa mga nangyari noon." Lea

Naguguluhan si Dawn at Aga sa mga sinasabi ngayon ni Lea, pero pinili muna nilang tumahimik at 'wag na munang magtanong. Nakakasiguro sila na kung ano man ang sasabihin ngayon ni Lea ay malaking bagay upang labis nilang maintindihan ang mga naganap noon.

"I was there." Naiiyak na sabi ni Lea habang inaalala ang mga sandaling iyon. "Nandoon ako noong tumalon siya. I saw it." Lea.

Isang normal na araw lamang ngayon para kay Lea. Labis ang tuwa niya dahil malapit na silang magtapos ng high school at ilang araw lang din ang nakalipas nang malaman nila ang mga nagkamit ng karangalan sa taong iyon. Masaya si Lea dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan, ngunit, alam niyang hindi niya magawang ipagmalaki dahil alam niyang hindi siya ang nararapat na naroroon.

Kakatapos lang ng kanilang huling klase nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Ella.

"Magkita tayo sa dating tagpuan" iyon ang nilalaman ng mensahe sa kanya.

Agad namang umalis si Lea para puntahan ang dating tagpuan na sinasabi ni Ella. Ang lugar na iyon ang nagsilbing takbuhan ni Ella sa tuwing nalulungkot siya, nagkataon na doon din pumupunta si Lea sa tuwing mayroon siyang problema. Madalas silang magkita roon pero hindi sila naguusap. Para bang sanay na sila sa katahimikan sa tuwing nagkikita silang dalawa.

Habang papalapit si Lea roon ay siya namang pagbilis nang tibok ng puso niya, para bang may hindi magandang mangyayari. Nang makarating doon ay bakas ang gulat sa muka niya sa nakita. Si Ella, sa ibabaw ng cement railing.

"Ella!" sigaw niya upang kuhanin ang atensyon nito.

Nang marinig ang boses na iyon ay agad na lumingon si Ella. May mga luhang pumapatak sa mga mata niya at bakas ang takot sa kanyang muka.

"Lea?" tila nagtatakang tanong nito.

"Please, Ella, bumaba ka riyan. 'Wag mong gagawin 'yan."Lea

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon