What is "B" exactly mean?

I shoved those thoughts away when he held my hand. "Let's go?"

Binuhat niya ang bag na dala ko kasama ng bag na dala niya. We were holding each other's hand when we got inside the helicopter. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sabay bigay ng mga headphone sa akin. "What is this for?"

"Wear it. Para magkarinigan tayo."

Tumango nalang ako at saka isinuot ang headphone. Agad namang umaandar ang helicopter at napatingin ako sa baba kung saan kitang-kita ko kung paano kami umangat. Kitang-kita ko na rin kung paano lumiit ang mga buildings sa baba namin at napangiti ako doon. I really love the lights of the buildings.

"Ang ganda..." I whispered, while my eyes where twinkling with what I am seeing.

Naramdaman ko ang marahan na pagpisil ng kamay ni Caius sa palad ko. Hanggang ngayon ay magkahawak pa rin ang mga kamay namin. I look up at him at nahuli ko namang nakatingin rin siya sa akin. "I'm glad you are enjoying."

Isinandal ko ang ulo ko sa kanya at sinamantala ang pagkakataon na 'yon na paglaruan ang kamay niya. His hand was soft, and clean. It is really a man-type of hand that when he touch a part of my body, I will easily melt. I smiled and pinched his hand.

"I am... I am enjoying, Caius. Thank you." I said smiling.

He bent down and reached for my face. Unti-unti na dumampi ang labi niya sa labi ko. "Everything for you, my queen." 

My King... His Queen...


HALOS isa't kalahating oras ang lipad namin kaya nang saktong tumapak ako sa damuhan ay nag-inat na ako ng aking katawan.

Madilim ang paligid. 'Yan ang na-o-obserbahan ko. "Nasaan tayo?" Tanong ko kay Caius ng maramdaman ko na tumabi siya sa akin.

"Were not here yet." Wika niya at hinawakan ang kamay ko. "Kailangan lang muna iparada ang helicopter dito."

Sumunod nalang ako sa kanya kahit na sobra na talaga ang takot ko sa buong paligid. Nasa damuhan lang kami nakatapak kaya ramdam ko ang takot na baka ay makagat ng ahas o ano pa mang insekto na pwedeng umaaligid dito.

Mabuti nalang at hindi masyadong malayo ang nilakad namin ay naaaninag ko na rin ang kalsada. "Sasakay tayo ng kotse?" Tanong ko habang hinihila niya ang kamay ko.

"Bilisan nalang natin ang paglalakad. Excited na ako e."

I smiled out of nowhere. Saan nga ba talaga kami pupunta? Mga sorpresa ni Caius, hindi ko matantsa. "Okay." Sagot ko nalang at sinabayan ang bilis ng paglalakad niya.

Naka-ilang hakbang pa kami bago kami salubingin ng isang lalaki na naka-suot ng suit. "C-" Napatingin ako kay Caius kung bakit tumigil sa pagsasalita ang lalaki. Caius was glaring at him. "Sir Caius pala." He cleared his throat. "Sakay na po."

Pinagbuksan niya kami ng pinto ng sasakyan at agad naman akong sumakay. Ibinigay na muna ni Caius ang ibang gamit namin sa lalaki at agad na sumakay sa loob ng sasakyan.

Hinalikan niya muna ako sa gilid ng noo bago ko maramdaman na umaandar na pala ang sasakyan... "I hope you'll love the place, Babe."

I held his hand so tight. I hope he is the one.


BINUKSAN ko ang kwarto kung saan ako dinala ni Caius. "Wow." I believe that my facial expression right now was unbelievable. But this is so damn beautiful!

Heart By Heart (The Architects Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum