Kabanata 39°

346 9 0
                                    

Chapter 39

Steph POV:

Hindi ko na pinansin pa si Tina hanggang sa matapos ang klase namin.

Kahit gusto ko man syang kausapin, pinigilan ko ang aking sarili. Pag-ginawa ko kasing kausapin sya para ko na ring sinusuway ang utos ng asawako.

Ramdam ko na nalulungkot ngayon ang bestfriend ko dahil sa pagtrato ko sa kanya pero sana maunawaan nya ako.

Dali-dali akong lumabas ng clasroom at naghanap ng taxi sa labas ng gate. Sa tingin ko ay nauna na si Glen na umuwi sa hotel dahil sa wala na ang kotse nya sa parking lot. Inabot ko naman yung bayad sa taxi driver ng mahinto ito sa tapat ng hotel.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at saktong nakita ko ang mukha ni Glen habang hawak-hawak nito ang isang polo shirt.

"Buti dumating ka na. Eto labhan mo. Siguraduhin mo lang na maalis ang mantsa nyan. Dahil bukas na bukas, may bisita ako.", wika nito sa akin.

Tinitigan ko naman ang polong hawak nito. Isang maliit na mantsa lang naman ang problema na halos di rin ito makita.

Pero bisita?

Bisita ba talaga ang pupunta sa kanya rito isang BWISITA?


"Oh ano pang tinitingin mo dyan?! Oh ayan! Pagbutihin mo ang paglalaba. Ayokong gumamit ka pa ng washing machine dyan.", patuloy nito nang ibato nya sa mukha ko ang polo.

Wala na akong magawa kundi ang kunin ito. Sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang magiging bisita ni Glen bukas.

At yun ay walang iba kundi ang nag-iisang malandi sa aming campus.

Lance POV:

Kasalukuyan akong nakahiga sa may malaking sanga at nakikinig ng music sa cellphone nang bigla namang tumawag si Tina. Tsk.

Panira rin itong si Tina.

Ang ganda na sana ng moment ko ngayon hays.


"Hello Tina, napatawag ka?", sambit ko ng sagutin ko ang tawag nya.

"Lance, si Steph.", mangiyak-ngiyak na saad nito sa kabilang linya.

Agad akong napabangon sa aking pagkakahiga ng marinig kong humihikbi ito. Ewan ko ba at pagdating kay Steph, nagkakaroon ako ng pake.

"Ah bakit Tina? Anong nangyari kay Steph?", nag-aalalang tanong ko rito.

"Walang nangyari kay Steph, Lance. Sadyang bigla syang nagbago sa akin.", pagsasabi niya naman. Sa boses palang nito alam kong nagkaroon sila ng tampuhan na dalawa.

"Hindi ko maintindihan Lance eh. Kanina kasi ayaw nya akong makausap at ayaw nya akong pansinin.", patuloy ng dalaga.

Ayaw syang kauaspin ni Ganda? At bakit naman?

Bestfriend nya si Tina at imposibleng maging ganon sya.

Ganon din yata yung ginawa ni Ganda sa akin noon, yung tipong iniwasan nya rin ako kaya nagawa kong kidnapin sya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Glen!
Tsk.

Wala talaga akong tiwala sa hayop na yon!


"Sige Tina. Wag kang mag-alala, bukas na bukas ay kakausapin ko si Ganda.", wika ko sa kanya para maging magaan naman ang loob nito.

Tama!

Bukas na bukas ay aalamin ko kung saang lugar nakatira si Ganda.

Dahil kapag nakita ko mismo sa dalawa kong mata ang pinang-gagawa ng hayop nyang asawa, patawarin sana ako ng Diyos pero kamao ko na lang ang sasalubong sa kanya.

At kapag nangyari yon, tuluyan ko na talagang aagawin ang babaeng mahal ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang