Kabanata 27°

379 13 0
                                    

Chapter 27

Steph POV:

9 PM na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Glen.

Natapos ko na ring linisan ang lahat maliban lang sa kwarto dahil sabi nito, bawal akong pumasok don.

At ngayon heto ako, hinihintay ko ang pagdating niya.
Nakahanda na rin kasi ang mga niluto ko para mismo sa kanya. Hindi ko nga alam kung magugustuhan nya ba iyon. Hindi naman kasi ako marunong magluto.

9:30 na, ang bilis ng oras pero wala pa rin sya.

Nag-aalala na tuloy ako sa kanya.

Sa kakaisip ko sa binata, nagulantang nang biglang magring ang aking cellphone.

Pagtingin ko sa screen, si Lance ang tumatawag.

    
"Hello Lance, bat napatawag ka?", tanong ko agad ng masagot ito.
    
"Gusto lang kitang kamustahin ganda. Di ka kasi pumasok.", wika nito sa kabilang linya.
  
"Lance ano ka ba. Okay lang ako. Pasensya na ha, lumipat na kasi ako sa condo ni Glen kaya hindi ako nakapasok.", paliwanag ko naman.

Narinig ko na lamang ang malalim nitong paghinga.

   
"Lance, andyan ka pa ba?", tanong ko nang bigla syang matahimik sa sinabi ko.
    
"Ahm oo ganda. So kayo lang ba dyan na dalawa sa condo?", balik na tanong niya sa akin.
   
"Oo Lance. Kami lang. Pero sa ngayon, wala pa si Glen dito dahil hindi pa sya umuuwi.", pahayag ko na may malungkot na boses.
  
"Iniwan ka nyang mag-isa dyan? Tsk. San ba ang address ng condo nya at pupuntahan kita." saad nito na alam kong may pag-aalala.   
   
"Naku Lance, wag na. Okay lang ako rito. Sa tingin ko naman, parating na yon.", pagpigil ko naman sa kanya.

Ang totoo nyan, natatakot ako na baka pagpunta ni Lance dito, madatnan sya ni Glen.
   
"Okay ganda. Pero sabihin mo lang sa akin kung sinasaktan ka nya ha?", sambit nito na akin namang ikinatigil.
   
"Ganda, narinig mo ba ang sinabi ko?", bigkas nya ulit.
   
"Ahm oo naman. Sige Lance, maya na lang ulit. Bye.", wika ko sa binata at sabay end ko na ng tawag.

Ayokong sabihin kay Lance ang pakikitungo sa akin ni Glen. Baka kasi kung ano pa ang mangyari.

Lance POV:

Hindi mapanatag ang aking loob ngayon lalo pa't sa condo na ni Glen titira si Ganda.

Pakiramdam ko kasi, sasaktan nya lang ang babaeng mahal ko.

Sa mata palang kasi ng lalaking yon, hindi ako kumbinsido.

Pero sa oras na malaman kong sinasaktan nya si Ganda, hindi ako magdadalawang-isip na agawin ito sa kanya.

Glen POV:

Alas-sais ng madaling araw ako nagising, at hanggang ngayon katabi ko pa rin si Angel na tulog mantika.

Medyo bumaba na rin ang init ng kanyang katawan na animo'y umepekto na ang gamot na ininom nito kagabi.

   
"Oh Glen, buti gising ka na. Saktong-sakto, I bake you some cookies. Halika at tikman mo kung masarap.", pag-aalok ni Samantha sa akin.

Bumaba na ako ng kwarto at kinumutan ko ang bata bago ako lumabas.

At kasalukuyan na akong nasa kusina kung saan naroon din si Sam na sobrang busy sa pag-bebake.

Lumapit naman ako rito at kinuha ang isang piraso ng cookie.
   
"Masarap.", yan ang tanging naisambit ko ng matikman ko ito.
   
"Hmmm, ang tipid naman ng sagot mo ha. By the way Glen, kumusta yung party ni Steph? Anong ginawa mo sa kanya?", sunod-sunod na tanong nito sa akin.
  
"Ayos naman.", tipid na sagot ko muli.
  
"Ayos naman? So it means, yung isang tanong ko palang ang sinagot mo. Hay naku Glen, wag mong sabihin sa akin na itutuloy mo pa rin ang plano mo sa pagpapahirap sa kanya?", panghuhula ng dalaga.

Alam kasi nito ang plano ko.

As I've said before, Samantha is my close friend.

Sya lang ang napagsasabihan ko ng lahat.
  
"Samantha, ayan ka na naman. Of course, itutuloy ko yon. And please lang, wag mo akong pigilan.", saad ko mismo sa kanya.

Kaya ayokong isama si Steph dito dahil baka kung ano pa ang sabihin nito.
   
"Okay Glen. Hindi na kita papakialaman. But Glen, sa tingin mo ba magugustuhan ng kambal mo ang pagtrato mo kay Steph?", pahayag muli ni Sam.
  
"Tsk. I don't care. Sige, una na ako. Kita na lang tayo mamaya sa campus. Take care of Angel.", pagpapaalam ko sa kanya sabay beso at tuluyan na akong lumabas ng kanilang bahay.

Dumiretso na ako sa condo at saktong pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Steph na busy sa pagwawalis.

   
"Glen, andito ka na pala. Ahm nga pala, ininit ko na lang yung mga pagkain na niluto ko kagabi. Hindi ka kasi umuwi.", wika nito habang nakangiti.

Hindi ko na lamang sya pinansin at tuloy-tuloy ako sa pagpasok sa loob.
  
"Ahm Glen wait, pwede ko bang malaman kung saan ka natulog?", nangangambang tanong niya sa akin.

Kaya awtomatikong napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ito ng diretsa sa mata.
  
"Natulog ako sa bahay ng isang babae. Now happy?", malamig na sagot ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok mismo sa aking kwarto.

Hindi ko na nakita ang ekspresyon ng mukha nito dahil baka mabwisit lalo ako.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now