Kabanata 14

431 20 0
                                    

Chapter14

Steph POV:

Free day namin sa araw na to.
May meeting kasi ang mga guro kaya ang mga estudyante ay masayang-masaya.

As usual naman, palagi kong kasama si Lance and syempre kasama ko na rin ang aking bestfriend na si Tina.

Nakakatawa nga ang mga trip namin ngayon. Masyadong laughtrip ang pinang-gagawa namin.


"Grabe, ang hot ng panahon ngayon.", wika ni Tina at paacting-acting pa.

"Oo nga eh. Ang hot, kasing hot ko.", pasegunda naman ni Lance.

Nagtawanan naman kami sa sinabi nito.
Pero syempre hindi naman ako magpapatalo.


"Lance, kape ka ba?", tanong ko sa kanya.

"Hmmm, bakit ganda?", ngiting balik tanong nito.

"Kasi sa tuwing kasama kita, nahahighblood ako.", tugon ko at tumawa kaming sabay ni Tina.

"Ahh ganon? Oh sige, ako naman. Ahm Ganda, hangin ka ba?", tanong nya sa akin.

"Bakit?", maikling sambit ko.

"Kasi hindi ako mabubuhay kapag nawala ka.", seryosong wika nito at titig na titig sa mata ko.

"Asuss, ang langgam dito ohh.", sambit ni Tina dahil sa banat ng binata sa akin.

"Bwahahaha ang corny mo Lance hahaha.", saad ko na rin habang tumatawa.

At maya-maya ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ng c.r.

Nang makatungo ako roon, agad kong hinugasan ang aking kamay at napahinga ng malalim.


"Ikaw si Stephanie, right?", rinig kong tanong ng isang babae sa likuran ko.
Nagulat naman ako nang makita ko si Samantha pala ang nagtatanong.

"Oo. Ako nga." malumanay na sagot ko.

Ngumiti naman sya at tumabi mismo kung nasan ako. Naghugas rin ito ng kamay nya at nang matapos ay muli syang humarap sa akin.

"Ako nga pala si Samantha. Alam mo halos araw-araw kitang nakikita at nakakasalubong sa campus. Nabalitaan ko nga rin na kaibigan mo ang anak ng principal dito. Alam mo ang swerte mo, kaya sana kapag dumating ang araw na magkaproblema ka, wag na wag mo itong susukuan.", mahabang litanya nito at maya-maya'y umalis na sa harapan ko.

Medyo naguluhan ako sa sinabi nya.

Ang totoo kasi nyan, first time akong kausapin ng dalaga.


"Oh Ganda? Anong mukha yan? Bat parang natutulala ka?", puna ni lance sa akin.

Nakabalik na pala ako sa tambayan naming tatlo nila Tina.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Samantha.


"Ah wala naman.", saad ko kay lance at umupo ulit sa tabi nya.

"Nga pala ganda, nasabi sa akin ni Tina na malapit na raw ang birthday mo. Totoo ba yon?", tanong muli ng binata.
Sa tinanong nito ay agad akong napahinto.

Oo nga pala, magbibirthday na ako.
9 days na lang pero parang ayoko pang mangyari yon.


"Ah oo Lance, sa december 19 ang birthday ko.", pilit na sagot ko rito.

"Hindi lang birthday kundi debu nya pa!", pahabol na sambit ni Tina.

Ang bestfriend ko talaga, pinapaalala pa sa akin ang lahat.

Kung sabagay, di nya pala alam na sa araw ng kaarawan ko, doon ko na makikita ang fiance ko.

Napatagal ang pag-uusap namin. At nang sumapit na ang alas-sais ng gabi ay napagdesisiyunan na naming umuwi na.

"Oh pano, mauna na ako sa inyong dalawa ha?", paalam ni Tina sa amin.

Bineso ko naman sya sabay sabing ingat at umalis na ito.


"Ganda, hatid na kita sa inyo.", pagpepresinta ni Lance.

"Naku lance, wag na.", saad ko sa kanya.

"Ganda, wag ka ng makulit. Ihahatid na kita. Gabi na kaya baka kung mapano ka pa.", wika nito at wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang.

Alam ko naman kasi na kukulitin lang ako ng binata.

Habang nag mamaneho si lance, patuloy pa rin kami sa pagkekwentuhan. Hanggang sa napunta sa iba ang topic namin.


"Ganda, nagkaboyfriend ka na ba?", tanong niya na akin namang ikinagulat.

"H-hindi pa.", nahihiyang iling ko sa kanya at nakita ko na biglang ngumiti ang labi nito.

"Talaga?" paninigurado niya naman.

"Sa tingin mo ba nagjojoke ako?", balik na tanong ko.

Narinig ko na lamang ang cute nyang pagtawa dahilan na mapangiti rin ako ng bahagya.

"Pano pala kung may manligaw sayo? Papayag ka ba?", ngiting tanong nito na akin namang ikinatigil.

Kung may manligaw man sa akin, si Mr. Mysterious lang ang gusto ko. So wala ring sense kung ligawan ako ng iba dahil hindi ko rin naman sya sasagutin.

"Ganda, tinatanong kita.", bigkas nya ulit.

"Huh? Teka nga, ano bang nakain mo at ganyan ang mga tanong mo Lance?", pag-iiba ko na lamang ng usapan.

"Tsk, wala. Ang slow mo pala Ganda.", sambit nito na alam kong may inis sa boses.

"Oi ha, hindi ako slow. Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga tanong mo. Bakit di mo na lang kasi ako diretsuhin.", inis na wika ko na rin sa kanya.

Nagulat ako ng itigil nya yung kotse.


"Bakit ganda? Hindi mo ba halata sa mga kilos ko? Hindi mo ba halata ang mga ginagawa ko sayo? Hindi mo ba halata na matagal na kitang ma----", hindi nya na naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magring ang aking cellphone.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon