Kabanata 34°

356 12 0
                                    

Chapter 34

Lance POV:

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon pauwi sa aming bahay. Ilang minuto ay tumunog naman ang aking cellphone.

Pagtingin ko sa screen, si Ganda ang tumatawag.
Agad ko naman itong sinagot gamit ang isa kong kamay.


"Hello Lance, nasan ka ba?", tanong nito sa kabilang linya at sya na mismo ang unang nagsalita.

"Pauwi na sa bahay namin Ganda. Bakit mo natanong?", balik na bigkas ko sa kanya.

"Ahm pwedeng dumiretso ka sa coffee shop at may itatanong lang ako sayo.", saad ng dalaga sa matamis na salita.

Ewan ko ba pero sa tuwing kausap ko sya, napapangiti na lamang ako.
Siguro ganito talaga ang epekto ng pag-ibig sa isang tao.


"Okay Ganda, papunta na ako dyan.", tugon ko rito sabay end ng tawag.

Malapit lang naman ang coffee shop sa bahay namin kaya dederetso na muna ako roon.

Habang nakatuon ang aking paningin sa kalsada, bigla akong napapreno ng wala sa oras dahil sa dalagang mabilis na tumawid sa kalsada.

Tsk. Loko din ang babaeng yon!
May balak yatang magpakamatay.

Hindi ko na lamang ito pinansin at pinaandar ko ulit ang aking kotse, kaya lang hindi ko inasahan ang sunod na nangyari.

*Bogsss!*

Isang tunog ang syang nagpahinto sa akin.
Nabasag lang naman ang side mirror ng kotse ko buhat ng batong tumama rito.

Dahil sa ginawa ng babaeng yon ay asar akong bumaba ng sasakyan at linapitan sya.

At teka, parang pamilyar ang mukha nya.


"How dare you! Bulag ka ba ha?! Hindi mo ba alam na muntik mo na akong masagasaan?! And wait, I know your face. Parang nakita na yata kita. Oh Shit! Sabi ko na nga ba! Ikaw nga! Ikaw ang lalaking baliw na yumakap sa akin sa mismong bar ko at sambit ng sambit ng I love you! Grabe ka ha! Ang kapal ng mukha---", hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil agad kong tinakpan ang kanyang bibig.

Sobrang daldal kasi, nakakairita.


"Miss, wag kang mag eskandalo rito. First of all, malaki ka na, kaya alam mo na ang sign kapag tatawid ka. And second, alam kong gwapo ako, but please lang, wag kang masyadong papansin sa akin. Tsk.", wika ko sa kanya at tinalikuran sya.

"Wow naman Mr.Kotse, hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan mo! Nakakasilaw eh noh? Ang kapal mo masyado! Para sabihin ko sayo, hindi ako attention seeker! Gago ka, ang ganda ko masyado para maging ganon! And besides, ikaw ang may kasalanan kaya dapat nga mag-sorry ka!",bulyaw nito ng marahas nyang alisin ang aking kamay sa kanyang bibig.

Teka, parang linya ni Steph yon ha? Tsk.

Magkapareho nga ang ugali nilang dalawa.

Nagkaiba lang yata sa pagdedeliver ng boses. Kapag kasi si ganda ang nagsasalita, nasisiyahan ako. Pero pagdating naman sa babaeng to, sobrang sakit sa tenga.


"Oh ano? Natulala ka sa kagandahan ko? Sabi ko naman kasi sayo, maganda ako kaya hindi ko kailangan na magpapansin sayo .", pahayag nya sa akin with matching taas kilay pa.

Dahil wala na akong panahon makipagsabungan sa kanya ay humingi na lang ako ng sorry rito kahit labag sa kalooban ko.

Hindi pa man ako nakakabalik sa aking kotse nang bigla ulit tong sumigaw.


"Mr.Kotse, in case you don't know, I am Reign! Baka kasi nahihiya ka lang magtanong ng pangalan ko!", pahabol nyang hiyaw.

Makapal din pala ang mukha ng babaeng yon.

Tsk.

That girl is damn carzy!

LOVING THE HELL (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ