Kabanata 17

430 17 0
                                    

Chapter 17

Lance POV:

Hindi ako pumasok sa klase.
Matapos kong talikuran si ganda ay pumunta ako sa ibang lugar.

"Oh pare, tama na nga yan
Naka-ilang shots ka na. Remate ka nyan sa mommy mo.", pagpipigil sa akin ni Greg.

Yes, dito ako dumiretso sa bar.

I'm not a minor anymore kaya nakapasok ako rito.

Pumunta lang naman ako sa lugar na to para makalimot.

Syempre kahit sinong lalaki ay iinom ng ganito kapag nasaktan.
Kung tatanungin nyo ako, seryoso talaga ako kay Ganda.

Di ko alam kung kelan ko naramdaman na mahal ko sya. Basta ang alam ko, tinibok na lang yon ng puso ko.

Bakla mang pakinggan pero shit, mahal na mahal ko si Ganda.

"Ano ka ba Greg! Hindi ako uuwi ng bahay! Pabayaan mo na nga lang ako!", lasing na saad ko.

Habang patuloy naman ako sa pag- iinom, naalala ko yung mga pinagsamahan namin ni Steph.

Ewan ko ba, pero bigla kong nakita ang mukha ni ganda.

But wait, si Ganda ba talaga yon?

Linapitan ko ito at niyakap sa pag-aakalang si Steph ang aking nasilayan.

"Ganda, I love you. Mahal na mahal kita kaya please wag ka namang pumayag sa kasal na yon. Promise, hihigitan ko sya. Hihigitan ko ang taong mahal mo.", sambit ko sa kanya na animo'y sobrang desperado na ako.

Kaso ganon na lamang ang gulat ko nang mag salita ang babae.

"Excuse me, hindi ganda ang name ko. Are you crazy?", mataray na sambit nito.

Hindi pala si ganda ang sinabihan at niyakap ko.

Fuck! Ganon ko ba talaga kamahal si ganda at kahit saan ako magpunta ay sya ang nakikita ko?


"Sorry Miss, akala ko---", di ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla ulit itong sumingit.

"Sorry is not enough. Kaya sa susunod kung maglalasing ka, sana naman alamin mo kung sino ang nasa paligid mo!", muling wika nito at nilampasan ako.

Napangiti na lamang ako nang maalala ko yung ugali ni ganda sa kanya.

Steph POV:

Ano kayang nangyari kay Lance?
Hindi ko sya makita sa campus. Sayang naman at ako sana ang maglilibre sa kanya.


"Uyy Steph, ang leeg mo baka maputol.", sita sa akin ni Tina na kasama ko ngayon sa canteen.

"Ehh kasi si Lance, kanina ko pa hinahanap. Hindi ko makita.", tampong saad ko.

"Asuss, anong meaning yan Steph ha?", pagpapaamin nito.

"Hindi naman sa ganon. Ay nga pala may sasabihin ako sayo.", pag-iiba ko sa usapan.

"Change topic ha?", puna ni Tina ngunit di ko na lamang ito pinansin.

"Tsk. Basta ba promise me,wag kang mabibigla.", saad ko rito at patango-tango naman sya sa aking sinabi.

"Kasi ganito yon, alam kong mahirap paniwalaan pero Tina, engage na ako kay Mr.Mysterious.", wika ko sa kanya at ipinikit ko pa ang aking mga mata para di ko makita ang reaksyon ng bestfriend ko.

"Oh edi mabuti----WHAT?! OH MY GOD STEPH! DON'T TELL ME BINUNTIS KA NYA KAYA KAYO INENGAGE?!", sigaw nito na sobrang nakakarindi.

"Ano ka ba Tina, wag kang OA. Ikaw ang ipabuntis ko dyan kay Lance eh.", pahayag ko rito. Pero aba, ang bruha kinilig.

"Hmmm okay lang na mabuntis ako ni Lance, ang hot nya kaya.", ngiting saad ng bestfriend ko.

"But seriously, paanong nangyari na engage ka na sa lalaking yon?", hindi makapaniwalang tanong nito.

"Mahabang kwento Tina, malalaman mo na lang yon sa araw ng kaarawan ko.", sambit ko bilang tugon sa tanong nya.

Matapos naming maglunch ay linibot ko ang campus.

Ang totoo kasi nyan, gusto kong hanapin si lance pero imbis na si lance ang mahanap ko, si Mr.mysterious ang syang nakita ko.

Lalapitan ko na sana ito ng biglang lumabas si Samantha.

Paano kaya kung totoong may relasyon ang dalawa?

Alam ba nya na engage na sya sa akin?
Sana naman maalala nya na ako. Miss ko na kasi ang matamis na ngiti nya.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now