Kabanata 15

441 16 0
                                    

Chapter 15

Steph POV:

Napatigil si Lance sa pagsasalita nang biglang magring ang cellphone ko.

Pagtingin ko sa screen ng cp ay si dad pala ang tumatawag.

Nakaramdam naman ako ng kaba sa aking puso.

    
"Hello dad?" sambit ko ng sagutin ko ang tawag nito.
     
"Princess, pwede bang dumiretso ka dito sa mansyon? May mahalaga kasi tayong pag-uusapan.", saad sa akin ni dad na alam kong seryosong-seryoso ito.
   
"Okay dad, pupunta ako dyan.", tanging tugon ko at inend ko na ang call.

Liningon ko naman si Lance na kanina pa nakatingin sa akin.

    
"Ahm Lance, yung sasabihin mo pala sa akin.Pwedeng bukas na lang? May mahalaga kasi kaming pag-uusapan ni dad.", saad ko sa binata at tumango naman sya.

Pero bago ako maka-alis ay hinawakan nya ang aking kamay para pigilan.
    
"Ganda, wait.", sambit nito at agad akong hinalikan sa pinsgi.
    
"Ingat.", patuloy nyang sabi na may ngiti sa labi. Hindi na ako nakapag-react pa nang ipaharurot na nito ang kotse.

At sa puntong ito, nandito na ako sa mansyon namin.

Niyakap naman ako ni dad ng napakahigpit nang makita nya ako.

Hindi rin nagtagal ay sinimulan na naming pag-usapan ang sinasabi ni dad na mahalaga. Pero ang totoo, alam ko na talaga ang pag-uusapan naming dalawa, walang iba kundi ang kasal.

    
"Princess, siguro naman ay alam mo na ang tradisyon natin,diba? Malapit na ang debu mo kaya napagdesisyunan ko na dapat ko ng sabihin ang totoo para malaman mo na kung sino ang lalaking nakatakda sayo.", mahabang wika ni dad sa akin.

Sa mga sinasabi nya ay mas lalo akong nakakaramdam ng tensyon at kaba sa aking puso.
    
"Sino po sya dad? Kilala ko ba sya?", kinakabahang tanong ko.
     
"Princess, alam kong mahirap sayo na tanggapin ang lahat pero nasisiguro ko naman na sa kanya ka sasaya.", saad ni dad at dahan-dahang ipinakita sa akin ang larawan ng isang lalaking sobrang pamilyar sa akin.

Masyado akong nagulat at hindi ko inaasahan ang aking nalaman.

    
"Princess, sya si Glen. Ang lalaking pakakasalan mo. Makikita at makikilala mo sya sa araw ng kaarawan mo.", pahayag nito.

Labis naman ang saya ko at parang mapupunit na yata ang labi ko dahil sa lawak ng aking ngiti.

Sa pangalawang pagkakataon, niyakap ko ulit si dad.

Niyakap ko si dad dahil sa sobrang pasasalamat ko sa kanya.

Akalain mo, yung lalaking mahal na mahal ko ang pakakasalan ko.
Diba tadhana na talaga ang naglapit sa amin.

"Thank you, thank you dad.", mangiyak-ngiyak na saad ko sa aking ama.

Eto na yata ang pinakamasayang regalo na matatanggap ko sa darating na kaarawan ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant