Kabanata 30°

388 16 0
                                    

Chapter 30

Steph POV:

Nahinto ang kotse ni Lance sa tapat ng isang kubo na kung saan sa di-kalayuan ay natatanaw ko na ang isang dagat.

Dito pa talaga ako dinala ni Lance. Bigla ko tuloy naalala ang una naming pagkikita ni Mr.Mysterious.

"Magkwento ka ganda.", yan ang tanging narinig ko kay Lance nang makababa sya ng kanyang kotse.

"Wow naman. Ano to? Story portion, ganon?", saad ko rito ng nakapamewang.

Lumapit naman sya sa akin at inakbayan ako.

"Ganda, gusto ko lang malaman ang lahat ng nangyari nung umalis ako ng party mo at kung bakit ganyan ka makitungo sa akin ngayon." wika nito sa akin.

"Wala nga kasi Lance. Ayos naman kami ni Glen eh. At kung may problema man kami, labas ka na don kasi kaibigan lang kita.", turan ko naman at inalis ang pagkaka-akbay niya.

Nauna na akong lumakad papuntang dagat. Kaso napahinto ako ng magsalita sya muli.

"Oo Ganda, kaibigan mo lang ako. Kaibigan na nag-aalala sayo. Kung sabagay, kahit ano namang pag pupumilit ko, hindi ka pa rin magsasabi ng totoo.", saad ng binata at huminga ng malalim.

"Tara, doon tayo sa may malaking bato. Alam kong may problema ka. Pero kung ayaw mo talagang sabihin sa akin, tutulungan pa rin kitang sumaya.", pilit na ngiting patuloy nito ng makasunod sya.

Ang bait ni Lance. Kahit medyo mahangin at mayabang sya, sobrang bait nya.

Glen POV:

Hindi ako makapagconcentrate ngayon sa pagtutogtog ng piano.

Until now, balitang-balita pa rin ang kasweetan ni Lance kay Steph.

Kilala ko ang lalaking yon dahil anak sya ng may-ari ng University na to.

"Glen, are you okay?", tanong ni Sam sa akin at napatigil na rin sya sa pagkakanta.

Kasalukuyan kaming nasa music room ngayon at pang ilang beses na rin akong namali sa pagpa-piano.

"Shit! Si Steph kasi! Sobrang landi! Tangina!", mariing sambit ko rito na may kasamang mura.

"Dahil ba yan sa narinig mo? Glen naman, wag ka agad magjudge kung hindi mo naman nakita ang nangyari.", wika ni Sam at hinawakan ang aking balikat.

"Alam kong nadadala ka lang sa galit kaya nasasabi mo yan.", patuloy nito at bigla syang tumayo.

"Sige na. Bukas na lang natin ipagpatuloy ang rehearsal.", pahayag niya at umalis na sa harapan ko.

Fuck!
Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng yon! Masyado niyang sinasagad ang pasensya ko!

Steph POV:


"Lance naman eh! Ang lakas kaya ng alon. Ayokong maglangoy noh.", pagpipigil ko sa kanya habang hinihila ako papuntang dagat.

Akala ko pa naman sa malaking bato kami pupunta, yun pala sa mismong dagat.

"Hahaha, bakit ganda, takot ka?" paghahamon nito sa akin.

"Huh? Ako? Takot? Abah! Gago ka! Hindi kaya!", pagsasabi ko sa binata at tinapik ko ito sa balikat.

"Yon naman pala, edi lumangoy na tayo.", saad niya at wala pasakalyeng binuhat ako na parang pangkasal.


"BOLLLLAA! IBABA MO AKO! GAGO KA TALAGA! PAG AKO NALUNOD,MUMULTUHIN TALAGA KITA!", sigaw ko habang pinapalo ko siya.

Dahil sa sobrang asar ko sa kanya, nagawa ko na ring tawagin syang bola.

Naramdaman ko na ang tubig sa aking likuran na ibig sabihin ay nasa malalim na parte na kami.

At ganon na lamang ang aking gulat nung bitawan ako ni Lance na kaya awtomatikong nakalunok ako ng tubig sa dagat. Oo, binaba nya kung kelan hindi ako nakapaghanda.

"arghh ahhh!" pag-uubo ko ng tulungan nya akong i-ahon.

"BOLA, BA'T MO AKO BINABA HA?!", bulyaw ko muli sa kanya ng maka-recover ako.

"Diba sabi mo, ibaba kita.", sambit nito na alam kong pinipigilan nyang di humalakhak.

"Eh wala ka bang utak? Alam mo ng malalim, bigla-bigla mo akong binaba! Dapat nagsabi ka man lang na,'ganda ibaba na kita ha?' Edi sana nakaready ako! Gago ka talaga!", asar na wika at hinawakan ko ang ulo nya at isinubsob ito sa tubig.

"Hahahahahahaha oh diba? Nakaganti rin ako sayo! Bleh!", natatawang sabi ko sa kanya sabay labas ng dila ko.

Bago pa man sya makapagsalita ay nauna na akong lumangoy.

Kahit papaano, medyo nakalimutan ko ang aking problema.

Glen POV:

Its already 6pm! Pero ni isang anino ni Steph, hindi ko nakita.

Saan ba sila pumunta?

Ganon ba sya kalandi at hanggang ngayon, kasama nya pa rin si Lance?

Sinasabi ko na nga ba, alam kong hindi lang kaibigan ang turingan nila sa isa't-isa.

Bullshit! Malilintikan talaga sya sa akin!

Steph POV:

Halos mamatay ako sa kakatawa kay Lance nang makita ko sya kung gaano kagaling lumangoy.

Halos lahat kasi ng iba't-ibang uri ng langoy ay alam nya.


"Kita mo ganda? Bukod sa ubod ng gwapo na ako, ang dami ko pang talento.", confident na saad nito sa akin.

"Hahaha oo nga Lance eh. Bukod sa sinabi mong yon, ubod ka rin ng yabang hahaha.", pahayag ko rito.

Sabay na kaming naglakad pabalik ng kanyang kotse.


"Masaya ako Ganda na makita kang masaya ngayon.", wika nito at inakbayan muli ako.

"Ang hokage mo talaga, pero thank you Lance. Nga pala, anong oras na ba?", biglang tanong ko.

"I think, mag 6:30 na yata.". simpleng sambit niya.

"Oh my gosh! Kailangan ko ng umuwi. Tiyak hinihintay na ako ni Glen don.", saad ko na parang natataranta.

"Dont worry, ako na ang maghahatid sayo. At ako na rin ang magpapaliwanag sa kanya.", wika ni Lance sa akin.

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Ihatid mo na lang ako sa may kanto.", pagtutugon ko rito.

Mga ilang minuto, bigla ngang hininto ni Lance ang kanyang kotse sa kantong tinukoy ko.

"Are you sure ganda na dito na lang kita ihatid? Pwede naman don sa condo mismo .", paninigurado ng binata.

"Ano ka ba, dito na lang. May kukunin pa kasi ako sa dati kong tinitirban, bago ako pumunta ng condo.",pagpapalusot ko.

Pero ang totoo, hindi ako pupunta don at didiretso na agad ako pauwi.

"Okay ganda. Sige, ingat.", bigkas nito at hinalikan ang aking noo.

Nang matiyak kong nakaalis na si Lance, saka ako sumakay ng taxi.

Nang makita ko ang condo ni Glen ay bigla akong nakaramdam ng takot.

Dahan-dahan akong tumungo sa mismong pinto para sana magdoorbell.

Kaso laking gulat ko naman nang bumukas ito at bumungad sa akin ang mala-demonyong mukha ni Glen.

"San ka galing?!", mariing tanong niya sa bawat salitang binigkas nito.

"Ahm sa--", bago pa man ako makasagot ay marahas nya akong hinila at sinanday ang aking likod sa pader.

Sobrang sakit ng pagkakahawak nito na tila bumabaon ang kuko nya sa balikat ko.

"G-glen.", takot na sambit ko sa kanyang pangalan.

"Di ba sinabihan na kita, na sa oras na malaman kong kasama mo sya, MASASAKTAN KA!", galit na wika nito at hinakawan ang magkabila kong pisngi gamit ang isa nyang kamay.

Hindi ako makapagsalita dahil nanginginig na ako.

Ang lalaking kaharap ko ngayon, sobrang nakakatakot.

"Sabihin mo nga sa akin, MAY RELASYON BA KAYO NG LANCE NA YON HA?!", tanong ni Glen habang nanlilisik ang mata.

Nagsi-unahang bumuhos ang aking mga luha.

Kahit masakit na ang aking mukha, nagawa ko pa ring umiling para sagutin ang tanong nya.

"SINUNGALING! Malandi kang babae!", bigkas niya at handa na sana akong sampalin nang biglang may nagdoorbell.

Laking pasasalamat ko naman sa taong umeksena dahil hindi natuloy ang pananakit ni Glen sa akin.

Nanghina naman ang aking mga tuhod ng bitawan na ako ng lalaki.

Kaya awtomatikong napa-upo ako sa sahig.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora