Kabanata 48°

400 12 0
                                    

Chapter 48

Glen POV:

Matapos akong talikuran ni Lance ay hindi na ako nagtagal pa sa room na yon.
Kailangan kong humingi ng advice kay Samantha sa mga oras na to.

Gulong-gulo na kasi ako eh.

Hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang lahat.

Hindi ko na rin alam kung paano ko ilalayo si Steph sa binata.

Alam ko na hindi sasama ang dalaga kay Lance pero shit! Pano pag nalaman nya na hindi ako si Mr.Mysterious na minahal nya?

Baka hindi na sya magdalawang isip na iwan ako.

Oo na, hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Steph

Siguro nangibabaw lang talaga sa akin ang galit noon kaya nagawa ko syang saktan.

But now I realized na ang gago ko pala dahil sinaktan ko ang babaeng mahal ko.

Kaya naman ngayon,
aayusin ko na ang lahat ng gusot na sinimulan ko.

Shaira POV:

What the fuck?!

Nakakainis na si Glen!
Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi man lang nya sinasagot. Tsk.

Paasa talaga itong si Glen.

He said, magkita raw kami sa campus pero pinahintay nya lang ako.

I am Shaira, isang babaeng hot tapos nagawa nya lang pahintayin?!

Pasalamat ang Glen na yon, dahil mahal ko sya.

Yes, you read it right?
Mahal ko si Glen simula nang magtransfer sya dito sa Agustin Academy.

Well, sabihin na natin na type ko sya. Yung tipong ang macho nya tingnan, isama mo pa na gusto ko ang ugali nyang pagiging cold.

Kaya kahit alam kong may asawa na sya, gagawa pa rin ako ng paraan maghiwalay sila.

Glen POV:

Music room again.

Dito ako napadpad ng aking mga paa.

Alam ko kasi na andito lagi si Samantha kapag naboboring sya.

Hindi na nga ako nagtaka pa dahil natanaw ko agad ang dalaga na tumutugtog ng piano.

Samantha loves to play instruments. Kaya dito kami nagkakasundong dalawa.

Minsan sya ang vocalist ko,
minsan naman ako ang vocalist nya. Sa madaling salita, pareho naming mahal ang musika.

Napatigil naman sya ng marinig nya ang paglagay ko ng bag sa table na dahilan ng pagkabuo ng ingay.

Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin at sinenyasan ako na umupo sa tabi nya.

Dahil kailangan ko rin ng advice ay humakbang na ako palapit sa kanyang pwesto.

"Problem?", agad na tanong nito na parang nabasa nya yata ang nasa isip ko.

"Tsk. Yeah.", tipid na sagot ko naman.

"About kay Steph ba?", tanong muli nito.

"No. It's about Lance. Shit that man! Naiinsulto na ako sa kanya. I tried to talk to him in a good way pero fuck! May balak talaga syang agawin sa akin ang asawako.", inis na wika ko kay Samantha habang nakahawak ang aking kamay sa aking buhok.

"Asawa mo? You called Steph, asawa mo? Tama ba ang narinig ko Glen?", hindi makapaniwalang banggit ni Sam sa akin habang may ngiti sa labi.

"Yeah. Mahirap man paniwalaan Samantha pero bumalik yung pagmamahal ko kay Steph. Ewan ko ba, I just realized na sobrang gago ko pala. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko ngayon Samantha. Gulong-gulo na ako. Ayokong agawin ni Lance sa akin si Steph.", pahayag ko rito na hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Hinawakan naman ni Samantha ang aking kamay at marahan nya itong pinisil.

"Alam mo Glen, kung ako sayo, gawin mo ang dapat. Wag mong isipin si Lance. I know na mahal ka rin ni Steph.", pagpapagaan ng loob ni Sam sa akin.

"Yun na nga Samantha. Nagdududa ako sa pagmamahal nya. Kasi palaging si Mr. Mysterious ang bukambibig nya. Akala nya siguro ako ang lalaking minahal nya noon.", saad ko rito na bakas ang pagkalungkot sa aking boses.

"So you mean hindi nya alam ang totoo mong pagkatao? Hindi alam ng asawa mo na kakambal ka ng lalaking minahal nya? Oh my gosh Glen, malaking gulo yata yan. Kung ako sayo habang maaga pa sabihin mo na sa kanya ang lahat.", wika muli ng dalaga.

"Hindi ko kaya Samantha. Dahil alam ko kapag sinabi ko yon, may posibilidad na iwan nya ako at ayokong mangyari yon. Ayokong iwan ako ng asawako dahil mahal ko sya.", pahayag ko sa kanya at napayuko na lamang ako.

Eto ang kinatatakutan ko na dumating.

Once na malaman ni Steph ang lahat, maraming magbabago sa amin at kamumuhian nya ako.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon