Kabanata 23°

394 17 1
                                    

Chapter 23

Steph POV:

Ang sakit ng braso ko dahil sa pagkadiin ng kuko ni Glen sa akin.

Medyo namumula na rin ito kaya masyadong mahapdi.

Siguro di ko naman sya masisi kasi fiance nya ako at dapat lang na alamin ko ang aking limitasyon.

Ewan ko ba pero kahit nasaktan ako sa ipinakita nya, may halong saya pa rin ang naramdaman ko.

Feeling ko dala lang iyon ng pagseselos ni Glen kaya nya ginawa sa akin yon.


"Oh my gosh Steph! San ka ba galing? Alam mo ba na kanina pa ako na-OOP dito. Puro mga englishera ang mga bisita mo. And wait, nakita mo ba si Lance?", tanong ni Tina sa akin nang makapasok ako sa mancion.

"Ah umuwi na sya Tina eh. Ahm nga pala, sya si Glen. Glen si Tina, kaibigan ko.", pagpapakilala ko sa kanila sa isa't-isa.

"Hi Glen, nice to meet you. Grabe ang gwapo mo pala talaga.", masayang wika ni Tina at inilahad ang kanyang kamay para makipagshakehands kay Glen, ngunit di naman ito pinansin ng binata.

"Ah hehe, pasensya na. Feeling close ako.", nahiyang sambit ni Tina.

Sa mukha nya pa lang, alam kong nadismaya sya sa pinakitang ugali ni Glen.

"Ahm nga pala Tina, kumain ka na ba?", pag-iiba ko na lamang para mawala ang katahimikan na bumalot sa aming tatlo.

"Oo Steph. Katunayan nga nyan, busog na busog ako. Yung gift ko pala sayo nasa table ko nilagay." ,pahayag nito.

"Ganon ba Tina? Salamat ha.", ngiting sambit ko at bineso ko sya.

"Ano ka ba, birthday mo eh. So pano Steph, kailangan ko na ring umuwi. Maaga pa kasi ang pasok natin bukas. Happy birthday ulit bessy.", paalam niya sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon.

"Sige, salamat Tina. Kwentuhan na lang kita bukas.", bigkas ko rito at sa pangalawang pagkakataon ay bineso ko ulit sya.

"Tsk.Halika na.", walang emosyong saad na aya ni Glen sa akin.

Wala na akong sinabi pa at sumunod na lamang ako sa kanya.

Pumunta lang naman kami sa sala na kung saan nandon si dad at ang magulang ni Glen.

I guess, pamamanhikan na ang tawag nito.


"Oh Princess and Glen,salamat at saktong dumating na kayo.", bungad ni dad sa amin ni Glen at tumayo sya para lapitan ako.

"Dito ka na umupo Princess sa katabi ni Glen ha? At teka, napano ba yang braso mo? Bakit namumula yata?", puna ni Ama nang makita ang pula-pula sa braso ko.

"Ah ahm, w-wala dad. Kinurot lang ako ni Tina kaya nagkaganyan ang braso ko.", pagsisinungaling na sagot ko para pagtakpan ang ginawa ni Glen.

Gusto ko mang sabihin ang totoo pero nanguna ang takot sa aking puso.

"Oh okay. So let sit. Nga pala Princess, sila ang parents ni Glen. And mga balae, meet my unica hija, Stephanie Gab.", masayang pagpapakilala ni dad sa amin.

"Oh siya pala yon. Ang ganda mo talaga hija, lalo na sa personal. Napakaswerte ng anak ko sayo.", ngiting saad ng ina ni Glen.

"Salamat po. Nice to meet you ho.", magalang na turan ko sa kanila.

Habang kumakain kami ay nagsimula na ngang pag-usapan ang tungkol sa kasal na magaganap sa amin ni Glen.


"So hija, total nasa right age ka na, kailan mo ba gustong magpakasal?", tanong ng dad ni Glen sa akin.

"Ahm ah--" sasagot na sana ako ng biglang sumingit sa usapan ang binata.

"Dad, hindi mo na sya kailangan tanungin pa. Actually, napag-usapan na namin yon ni Steph habang kami nagsasayaw, and she says na gusto nyang mapaaga ang kasal namin.", mahabang litanya nito na akin namang ikinatigil.

Teka, wala naman akong sinabing ganon ha?


"Totoo ba iyon hija? Masyado ka yatang excited na mapangasawa ang anak ko.", biro naman ng ina ni Glen.

"Huh? Ahh-", magsasalita na sana ulit ako nang bigla na namang sumingit si Glen.

"Mom, halata naman na excited na sya. Kaya kung ako sa inyo, dapat na nating ayusin ang kasal as much as possible.", wika muli nito.

Shit! Mukhang sya yata tong excited eh.


"Kung ganon din naman ay sige, sang-ayon na ako dyan hijo. Pero mangako ka sa akin na hindi mo sasaktan ang prinsesa ko.", pahayag ni dad na mismong ikinatahimik ng lahat.

"I promise. Hindi ko sya sasaktan.", matagal bago makasambit ang lalaki.

Sa halip na mapangiti ako sa kanyang sinabi, parang binabalutan tuloy ng takot ang puso ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon