Kabanata 16

422 16 0
                                    

Chapter 16

Lance POV:

Umaga na naman.

Eto na yung araw na magtatapat ako kay ganda.

Gaya nga ng sinabi ko, hindi sya mahirap mahalin.

Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama sya.

'Ganda, mahal kita. Mahal na mahal.'

----Psh. Ang pangit yata ng umpisa ko.

'Ganda, pwede ba kitang ligawan?'

----Ayy ang baduy naman yatang pakinggan.

Oh sige last na to.

'Ganda, nahulog na ang loob ko sayo. Mahal na kita.'

----Hayyss ang corny naman.

Ano bang dapat kong sabihin kay Ganda?

Ang hirap namang magpraktis!


"Lance! Lance!", sigaw ng isang dalaga sa di-kalayuan.

Shit si Ganda!

Anong gagawin ko?

Hindi ko pa alam ang sasabihin ko.


"Goodmorning Ganda. ng saya mo yata ngayon." puna ko sa kanya.

Hindi ko naman kasi alam ang una kong sasabihin dahil naunahan ako ng hiya.


"Syempre naman Lance! Hindi lang ako basta masaya noh, sobrang saya ko pa! Grabe! Eto na yata ang pinakamasayang araw ko!", ngiting wika nito habang kinukurot ang magkabilang pisngi ko.

Tsk. Yung gwapo kong mukha na naman ang napagdiskitahan nya.


"Halata nga Ganda, pero ano nga bang nagpapasaya sayo?", curious na tanong ko.

"Ehhh Lance, hindi ano kundi sino.." pagkokorekta nito.

Sino?

Ibig sabihin, tao ang tinutukoy nya?


"Ganito kasi yun Lance, wag kang mabibigla ha? Kasi Lance, ikakasal na ako! Engage na ako Lance sa taong mahal na mahal ko. Akalain mo yon? Grabe ang iyak ko sa kanya dati dahil akala ko hindi kami para sa isa't-isa pero sya pala yung nakatadhana sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala Lance. Ang saya-saya ko! Sobrang saya ko!", malakas na bigkas nito at niyakap pa talaga ako ng mahigpit.

Hindi ako nabigla Ganda.

Ang totoo nyan, sobrang nabigla ako.

Kung alam mo lang, sobrang sakit ang naramdaman ko dahil sa sinabi mo.

Engage na si Ganda?

Engage na ang babaeng mahal na mahal ko?

Pano ako?

Ano pa ang saysay ko?

Bullshit naman oh!

First time kong mainlove tapos nasaktan agad.


"Uyy Lance, wala ka man lang ba na reaksyon? Di ka ba masaya para sa akin? Ay teka nga pala, naalala kong may sasabihin ka sa akin diba? Ano nga pala yun?", tanong nito na animo'y excited.

'Ganda, mahal na kita. Minahal na kita.'
--Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero hindi ko sinabi dahil ayokong guluhin pa ang isip nya.


"Ahh wala, kalimutan mo na lang yun Ganda. Sige, maaga ang klase ko ngayon, una na ako.", tanging turan ko at walang ganang tinalikuran sya.

Masakit kasi para sa akin yon.

Yung sabihin sayo ng harapan na engage na ang babaeng mahal mo sa taong mahal nya.

Ibig sabihin ba nito, yung iniyakan ni ganda ay ang lalaking mahal nya!

Fuck! Ang sakit eh!
Tagos sa puso ang sakit!

Hindi ko tuloy namalayan na napaluha na pala ako.

And this is the first time na lumuha ako dahil sa isang babae.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now