Kabanata 31°

380 15 1
                                    

Chapter 31

Steph POV:


"Punasan mo nga yang luha mo. Masyado kang nagmamalinis, malandi ka naman.", sambit ni Glen ng makitang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.

Dahil sa sinabi nya ay ginawa ko naman ang gusto nito.
Tinalikuran na ako ni Glen at binuksan ang pinto ng kanyang condo.


"Akala ko hindi mo na kami pagbubuksan ng pinto Glen.", rinig kong sambit ng ina ni Glen.

"Im sorry mom, may inayos lang kasi kami. Come in and have a sit.", magalang na saad nito sa kanyang ina.

Napatalikod naman ako ng wala sa oras at kinontrol ko ang aking sarili para hindi umiyak sa harapan nila.


"My Princess.", saad ni dad sa akin kaya humarap naman ako. Pilit na ngiti ang aking pinakita sa kanya.

Magkasasama pala silang pumunta dito ng magulang ni Glen sa condo.


"Dad.", bigkas ko kasabay ng pagyakap ko sa kanya ng mahigpit.

"Oh, ang sweet talaga ng unica hija ko. Nga pala, kumusta naman si Glen sayo? Did he do something wrong?", tanong nito sa akin.

"Ahm, no dad. Wala naman ho. Bakit nyo natanong?", sambit ko sa kanya .

"Nakita ko lang kasi na parang namumugto ang mata mo.", wika nito at talagang tinitigan pa ako.

Nag-isip ako ng palusot at sinabing nanuod lang ako ng nakakaiyak na movie.

Mabuti na nga lang at naniwala si dad.

Tumungo na kami sa sala at umupo roon para makapag-usap kaming lahat.


"Bakit nga pala kayo napadalaw dad?", pag- uumpisa ni Glen na sya mismong katabi ko at hawak-hawak pa ang aking kamay para ipakita sa mga magulang namin na close at sweet na kami sa isat-isa.

"Well, actually my son naasikaso na namin ang lahat. So I guess, bukas na bukas ay pwede na kayong ikasal.", wika ng ama ng binata na akin namang ikinagulat.

Bukas?

Ikakasal na kami?

Ang bilis naman yata.


"Good dad. Sa tingin ko ay excited na itong si Steph. But can I have a favor?", saad muli ni Glen sa kanila.

"Yeah sure. What is it?", tanong nito sa kanya.

"Kung pe-pwede lang sana na gawing patago ang kasal namin. Ayoko kasing malaman ng lahat na ikakasal na kami. Because you know, pareho pa kaming estudyante ni Steph so ayoko namang magkaroon ng chismis sa amin.", mahabang paliwanag ng lalaki.

"Kung sabagay may punto naman si Glen. Pero ikaw Steph, gusto mo bang maging lihim ang kasal nyo bukas?", pagtatanong sa akin ng ina nito.

Naramdaman ko naman ang pagpisil ng kamay ni glen sa kamay ko. Sa tingin ko, alam ko na ang gusto nyang iparating sa akin.


"Ahm ah opo. Gusto kong maging patago muna kami.", pagsasang-ayon ko na lamang kahit labag sa aking kalooban.

Pero ang totoo, nasasaktan ako.

Gusto ko kasing ipagsigawan sa lahat na makakasal ako sa taong mahal ko.
Pero alam ko naman na ayaw ni Glen mangyari iyon.

Matapos naming pag-usapan ang lahat-lahat, umuwi na sila sad at ang magulang ni Glen.

And confirm, bukas na nga ang kasal namin.

Kaya lang nakakalungkot kasi ikakasal lang kami sa West.

Yun kasi ang gusto ni Glen, ang maging patago ang lahat.

Pero kahit ganon sya, gagalangin ko pa rin ang desisyon nya.
Kaya ko pa namang magtiis dahil mahal ko sya.

But anyways, magiging Mrs.Stephanie Gab Sandoval na ako bukas.

Ang sarap pakinggan kapag nasa akin na ang apelyido ng taong mahal ko.

Glen POV:

Bukas na ang kasal namin.

Bukas na bukas rin ay akin na sya.

Tsk. Kung si Jonathan lang siguro ang nasa sitwasyon ko ngayon, hindi ako magkakamali na magiging masaya sya.

Eto kasi ang pangarap nya na lagi nyang kinikwento sa akin. Pangarap na mapangasawa si Steph.

Pero yon nga lang, wala na sya. Namatay sya dahil sa Steph na yan.

Kaya gusto ko ring iparamdam sa kanya ang sakit na naranasan ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now