Kabanata 4°

632 24 0
                                    

Chapter 4

Steph POV:

Panibagong araw na naman. Pagkapasok ko pa lang ng gate ay agad na lumaki ang mata ko dahil sa maraming basura ang nakatambak.

My Ghad!

Yung demonyong Mr. bola ang dahilan kung bakit ako maglilinis ngayon.

Kung pwede lang sanang mangsakal ng tao siguro kahapon pa syang patay.

At kung mamamatay man sya, tiyak na magdidiwang ako.Magpapalagay pa ako ng malaking bandereta sa may gate na,

"HAPPY CONDOLENCE MR.BOLA", sabay lagay pa ng malaking emoticon na HAHA para naman bongga ang pag punta nya sa

Hell noh.

Ayy teka, tama nga naman ang kasabihan na kapag nililibak mo ang isang tao, bigla itong darating.

And worst, dumating nga si Mr.Bola.


"Grabe ganda, ang daming basurang nakatambak noh? Day off pa naman ng mga janitor ngayon.", wika nito na alam kong pinaparinigan ako.

Ayokong madagdagan ang punishment ko kaya hindi ko na sya pinansin. Hahakbang na sana ako kaso bigla syang nagsalita ulit.

"Nga pala ganda, sabi ng principal, kamay na lang daw ang gagamitin mo sa pag-alis ng mga basurang yan." sambit niya habang tinuturo ang nakatambak na basura.

Ewan ko ba pero agad na kumulo ang aking dugo.


"Ganon ba? Okay lang, sanay naman akong maglinis eh. At nga rin pala, nakalimutan kong isa ka ring basura! Kaya dapat sayo, nakatambak din dyan!", bulyaw ko at malakas ko syang itinulak dahilan ng pagkatumba nya sa mga basurang nakatambak.


"Ganda! Ang baho!" baing nito sa akin.

"Buti naman at naamoy mo ang sarili mo. Sige Mr.Bola, bonding muna kayo ng mga kamag-anak mo! Bye-bye!", insultong pahayag ko sa kanya na may ngiti sa labi sabay dila ko pa rito.


Agad na akong tumalikod at masayang nag tungo papasok sa aking classroom. Nang makatunton ako roon ay nakita ko naman agad ang aking bestfriend na si Tina na nakapamewang.


"Steph, alam kong maganda ka pero sana naman wag kang easy to get best.", wika nya sa akin.
Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi.


"So, wala kang balak na sabihin yon sa akin?", sambit muli nito.

"Huh?", yan na lamang ang aking naitutugon. Hindi ko talaga sya magets.

"Huh-huh? Best naman, wag ka na nga dyan magmaang-maangan pa.", saad ni Tina na parang naiinis na.

"Tina, ano bang sinasabi mo?", tanong ko na rin sa kanya.

"So ngayon, ikinahihiya mo na ang boyfriend mo?", wika nyang muli.

"Boyfrend? Tina, wala akong boyfriend! Alam mo namang si Mr.Mysterious lang ang gusto kong maging boyfriend.", inis na sabi ko na rin sa kanya at nilampasan ko sya.

"Kung wala kang boyfriend, sino yung humila sayo kahapon? Sabi kasi ng mga estudyante dito, yung anak daw ng principal ang humila sayo na parang magka-holding hands na kayong dalawa.", pahayag nya sa akin nang masundan ako.

So, si Mr.Bola ba ang tinutukoy nya?


"Tina, hindi ko alam kung anak yon ng principal. Basta ang alam ko, yung lalaking nanghila sa akin ang dahilan kung bakit ako mag lilinis ngayon!", gigil na sambit ko.Siguro naman ay nagets na ni Tina yun dahil hindi na sya nangulit pa.


Matapos magdiscussed ng guro ay tumungo na ako sa Gym. Doon kasi ako magsisimulang maglinis.

Hayy as usual naman, ang daming mineral na bote ang nakakalat.

"Ang tatanda na, hindi pa rin marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan.", sambit ko habang pinupulot ko ito isa-isa. Nakakainis kasi ang mga taong ganon. Wala ba silang disiplina sa kanilang sarili at hindi marunong ng tama at mali. Tsk.

Habang patuloy ako sa pagpupulot ay naantig ang aking tenga sa dalawang babaeng nag uusap.

Kilala ko yung isang babae.Siya si Samantha, napakaganda nya.
Sabi ng iba, mabait daw si Samantha.


"Ang gwapo talaga ng kasama mo kahapon Sam. Boyfrirnd mo ba yon?", rinig kong tanong ng babaeng may maikling buhok.

"Hindi ko yon boyfriend noh. Kaibigan ko lang yon.", sambit na sagot naman ni Samantha.

"Ganon ba? Pakilala mo naman ako sa kanya girl.", hirit ng babae.

"Wag ka ng umasa, engage na kaya yon.", wika muli ni Samantha at tuluyan na silang lumabas ng Gym.


Bigla kong natanong sa sarili ko, kung sino ba yung lalaking tinutukoy nila?

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now